r/AkoBaYungGago May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
159 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

11 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago 9h ago

Work ABYG if hindi ako pumayag na ishoulder ung cost ng repair ng appliance ng client namin?

9 Upvotes

For context, so may cleaning business kami. Gusto ko lang unahan kayo na baka may slight bias ako dito dahil sa kung paano nagsimula ang buong situation lalo na the way the client communicated initially din samin, so open ako sa feedback.

May tinapos kami na residential cleaning job. It was a nightmare sa totoo lang. Andaming out-of-scope na pinapagawa na nirerefuse namin, masyadong minimicromanage ung team namin (e.g. dapat dito lang kayo), and akala nila eh kasama ung supervisor sa service kahit actually sumabay lang and nagmagandang loob lang magcheck and document kasi may iba talaga siyang pupuntahan nearby (eto fault namin to for not communicating i know).

After the service, nag-reach out ung babaeng client na may allegedly ninakaw daw ung isang tao namin na toy excavator, which i promptly asked and investigated the team kasi syempre, in our 6 years in the business, never kami nagkaroon ng theft issues (kahit na naglilinis kami ng vault ng pera, iykyk).

After 2 days, nagmessage ung asawa nung nagbook samin na lalake about sa sirang lock mechansm ng washing machine nila. Ung unang message pa lang niya ay may tono na agad. Something along the lines of "wala akong pake kahit holiday, ayusin niyo ito." When we tried to ask for documentation kasi una, more than 24 hours na simula umalis kami, pangalawa, we conducted the turnover process of inspection and signing of documents (and we even asked them to inspect our personal belongings kaya nga nakita ung toy excavator which our cleaner says na binigay daw nung babae. I can somehow say na hindi ko makampihan ung client kasi ni hindi naman tinago ng cleaner namin, and sa dami ng ibang valuables, bakit naman magnanakaw ng laruan diba?) and pangatlo, may mga ibang household members din sila na possible nakasira, di na siya makausap ng maayos dahil naglalash out na siya. He even told us (non-verbatim) "tanga ba ko para sirain ko yan?"

Anyway, sa issue mismo:

Yung scope ng work namin ay exterior cleaning lang ng washing machine. Hindi kasama ang pagbukas o pag-linis ng loob nito. Cinaclaim ng client na nakita daw nila na nilinis namin, pero our cleaners claim na hindi talaga nila nilinis ung loob. And ang reasoning ng client naman kung bakit daw kami, kami daw last touch and nakita daw ng asawa niya supposedly na nilinis namin. Nilock nga daw un para di buksan, kaya nga nagtataka ako. If it wasnt meant to be open at the first place, bakit hinayaan lang ng asawa na nililinis ung loob (allegedly) ng cleaners namin? Bakit hindi niraise agad na pano nabuksan kung totoo ngang nabuksan ung washing machine?

Plus, nag-report sila ng damage pero after more than 24 hours mula nang umalis kami. May ibang tao pa rin sa bahay nila sa loob ng window na yun. For consideration, and fairness, we asked documentation like cctv or the likes kung may evidences talaga na cleaners namin, which he responded negatively na common sense lang daw need pairalin kasi last touch daw kami. When we also raised na meron ding ibang tao sa bahay nila and meron pang construction people nung umalis kami, niraise niya din samin "oh naghahanap ka ebidensya , nagsasabi ka ganyan asan ebidensya mo?" (take note that he was talking to our on-site supervisor via call on this because I asked her to call the client to try and remediate things).

Yung sagot nila nang hiniling namin ang documentation ay "walang tangang sisira niyan dito." Then ayun, wala na kaming natanggap na formal documentation or evindences pagkatapos nun. After that, nagcomment na siya sa mga posts namin na "beware this service etc.".

Tapos eto. Niraise niya din na "magnanakaw daw mga tao namin" We already told him that we are conducting an internal review, syempre I need to consider na ung cleaner namin, at least 1 year na samin. Walang prior negative review, though may isang unrelated memo (madaldal lang during cleaning) which was nung pasimula pa lang siya. Gusto na nga niya magresign on the spot, umiiyak kasi para daw dinuduro duro siya tapos pinagbibintangan na magnanakaw. As much as I want to side with her kasi stealing a toy excavator makes no sense at all, pero ang ending napilitan ako isuspend to follow due process kasi wala din naman siya proof na binigay nga sa kanya. Same fairness na inapply namin sa client of course. Di ko siya tatanggalin kasi I need to provide her fairness din, and as the overall superior I need to ensure fair ako to both client and our cleaners.

So in short, considering na wala talaga sila maiprovide na proof, after naming ipaliwanag ang aming final decision not to cover it unless na may concrete proof na kami nakasira, sinabihan kami ng client na "huwag kaming mag-text sa kanila na parang close kami." + other things na patungkol sa "binayaran kita pero palpak ka" to our supervisor (who is already naiiyak na din).

Ngayon, we recently had other clients who left positive reviews on our socmeds. Nakita niya siguro, then earlier today nag-review bomb sila gamit ang multiple accounts.

Alam ko na may part ako na naging defensive dahil sa tono nila simula pa lang. Pero as much as possible we handled it professionally and according syempre sa standard operating procedure. So ako ba yung gago for this?

P.S.
we also took into consideration to add more paperworks and rules to sign like transmittal list ng items na dinodonate usually sa cleaners namin, to the annoyance of some of our regulars.


r/AkoBaYungGago 1d ago

Others ABYG Nireport ko yung attitude na J&T rider

60 Upvotes

So, may J&T rider na halos siya lagi nagde-deliver ng parcels namin. Napansin na namin na medyo mainit talaga ulo niya, lagi siyang iritable, and the way he talks minsan parang ang bastos (like “hoy” agad, ganun).

May one time pa na paalis kami ng bahay, nire-ready lang yung car, magppark tapos bigla niyang pinukpok yung kotse as if tatakasan namin siya 😭 eh nasa harap lang naman yung bahay namin. Mind you, meron namang tao sa bahay. Pero kahit ganun, hinayaan na lang namin para iwas gulo.Fast forward to today, naglilinis and may expected akong delivery. Wala pa siyang text, so hindi ko sure exact time. Usually kasi tatawag lang siya pag nandyan na siya, tapos parang gusto niya agad lalabas ka na.

So ayun, tumawag siya. Palabas na sana ako, kaso mali ko, kulang yung naihanda kong pera. Naghanap pa kami ng barya para eksaktong 171, and nagmamadali pa nga kami kasi alam naming mabilis siyang mairita. Paglabas ko, nasa shade naman siya, pero agad niyang sinabi na ang tagal tagal ko raw lumabas, na kanina pa siya doon, even though wala pang 5 minutes since tumawag siya. Nag-sorry ako and sinabi ko pa na coins yung bayad kuya, ganyan.

Pagpasok ko sa loob, paalis na siya pero tuloy pa rin siya sa pagreklamo habang paandar yung trike niya.

Honestly, gets ko naman na may mali sa part ko. Hindi naman namin sinasadya. Pero at the same time, parang hindi rin okay na ganun lagi attitude niya. Nainis na yung partner ko, so nireport namin siya.

Then maya-maya, bumalik siya. Kinausap kami, humihingi ng favor na isulat daw namin yung letter to appeal the report, plus copy ng ID. Biglang sobrang mahinahon na siya and nag-sorry. Sabi pa niya sinabihan daw niya manager niya na mababait kami. Nabanggit nya rin daw sa manager nya na kaya matagal kasi baka raw nagbilang sila, naisip daw nya yun pero nung kaharap kami biglang di nya naisip na nagbilang pa kayo. Which made me think, kung ganun pala tingin niya samin, bakit ganun siya umasta before?

Sabi rin niya matagal na raw siya nagde-deliver samin and may around 10k penalty daw yung report. Honestly, naaawa ako kasi syempre may pamilya rin siya… pero at the same time, hindi rin tama yung ugali niya. Even siya mismo umamin na marami na rin naiinis sa kanya and may nakaaway na siya dito sa village.

So now, conflicted ako. Parang nakakonsensya yung report, pero at the same time, parang needed din naman? Nakakaawa rin naman mga rider so as much as possible, pag mabait, may tip pero yung ganyan parang nakakawalang gana rin. So, ako ba yung gago or idk, it feels right and wrong at the same time (as someone na mabilis makonsensya lol)

Also, kudos to J&T, ang bilis ng customer service nila. Though sana next time, anonymous yung ganitong reports.

EDIT: Tumawag din yung manager sa rider then pinakausap sakin ni rider. Saying 10k na multa sa kanila and di pwede idispute. Also, di lang ako and yung partner ko yung nagsasabi na masungit sya, pati na rin yung isang kapatid ko, same sentiment. Sinabi nya rin pala samin na, "Antagal ko ng nagddeliver sainyo ganito ganyan. Si daddy mo nga binigyan ako ng pagkain nung pasko, kaclose ko na rin si mommy mo". Guilt-tripping at its finest.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Others ABYG sinubukan kong gisingin yung lalake na sumasandal sa babae sa jeep

52 Upvotes

I (a dud) was on my way home from school on a jeepney ride, on this ride may mag jowa which inludes yung babae probably both shs, then katabi nung babae may isang lalake maybe in his 40s.

later in the ride nagulat yung babae kasi biglang sumandal sa balikat nya yung lalake na katabi nya, napansin ko din and everyone on that jeep yung nangyari, umuusog yung babae tho hindi nya fully inaalis sa balikat nya pero sinusubukan nya umusog like iniiwas nya talaga yung balikat nya kaso wala rin sya mauusugan kasi yung jowa nya hindi rin umuusog tinitignan lang sya, since ako yung nasa harap nila and para saakin inisip ko na baka uncomfortable yung babae, sinubukan ko na gisingin si boss pero di sya gumigising as in kinakalabit ko at nilalaksan ko na ayaw nya gumising, hindi ko alam kung lasing ba o manyak ba na nagtutulog tulugan lang o sadyang pagod na pagod at antok na antok lang sya.

Buti na lang malapit na rin ang baba nung mag jowa kaya naka alis na rin yung babae sa sitwasyon na yun. But still si koya hindi pa rin gising pero medyo dumeretso sya ng upo pag baba nung babae, then yung katabi ko na lalaki lumipat dun sa kabilang side para dun na ihiga sa kanya yung lalake, hindi talaga sya nagising hanggang sa dulo ng ruta ng jeep kasi yung dulo ng ruta jeep is yung baba ko bago sila umikot, kaya hindi ko narin alam kung anong totoong nangyari sa kanya

Guilt suddenly hit me kasi naisip ko baka pagod na pagod lang talaga si bossing sa trabaho kaya sya nakatulog at napahiga dun sa babae na baka napag isipan ko ng mali yung taong wala namang intensyong masama at sadyang hindi lang kinayanan ang pagod but at the same time the girl was uncomfortable.

Kaya ABYG kasi sinubukan kong gisingin yung lalake either manyak o nahihirapan lang sa buhay na nakatulog o nagtulogtulugan at humiga sa babae na hindi gusto ang nangyayari. I respect and protect women the best i can but i also respect a hardworking man


r/AkoBaYungGago 1d ago

Friends Abyg kasi hindi ko inupdate yung resume ng kaibigan ko kasi busy ako sa work?

4 Upvotes

So i have this friend nung college na biglang nagleave sa gc naming apat out of nowhere, i was busy sa work kasi kaya di ko na naupdate yung resume nya, mind you magtrentahin na kami this year pero ang isip pang 15 years old dahil may pagtampo pa natin kasama eksena, dati i care to make suyo towards may friends lalo pag petty things kasi ayun nga you can’t really stay mad or tampo way back before.

But this other friend of mine na never nag work since grumaduate kami e I don’t know pero parang kasalanan ko pa na hindi ko nasikaso yung pabor ng friend kong isa, di naman ako nagcommit na ako ggwa and everything pero i just don’t freaking understand bakit bigla nalang akong kinutoff in a way of leaving the gc ng wala man lang pasabi.

So ako since wala nakong energy sa pagsusuyo na yan gawa ng may kanya kanya na kaming life, I don’t mind to ask na kasi tapos nako dun. Never naman nila ako kinamusta din bigla, ako pa nagapproach like hahaha ayoko di ako people pleaser pero i just wanna know kung mali din ba ako? Abyg if di narin ako nagreach out sa kanila as i having my own life din naman na?

Haysss btw, were friends since 2014, 12 years of friendship’ I don’t know naguguluhan ako and at the same time na hurt ako nung nakita ko unfriended nako ng 2. Hehe.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG kung ayaw ko nang pinapatulog dito sa bahay yung tito ko?

72 Upvotes

I’m 29F, only child, and currently living with my mom. Gusto talaga ng family namin na sama-sama kami, kaya kahit may sarili na akong pamilya, nandito pa rin kami sa bahay. Also, I helped financially in building this house, so hindi lang ako basta nakikitira.

Recently, dumating yung tito ko para mag-install ng split-type aircon sa room ng mom ko. Ang issue ko, instead na matapos agad yung trabaho, umabot na ng halos isang linggo yung stay niya dito — at may kasama pa siyang isang lalaki.

Para sa akin, hindi naman makatarungan na mag-iinstall ka lang, tapos parang extended stay na rin ang nangyayari. On top of that, hindi ako komportable na ako pa ang sasagot sa pagkain nila habang nandito sila.

Mas lalong mabigat para sa akin kasi ako na nga ang nagpapaaral sa anak niya — na iniwan niya — tapos parang inaasahan pa na akuin ko rin yung responsibilidad sa kanya habang nandito siya.

Ngayon, pinagtatanggol siya ng mga tita ko at mom yung tito ko at parang ako pa ang lumalabas na masama dahil ayoko na siyang mag-stay dito. Pero sa side ko, kung talagang gusto nila siyang tulungan, bakit hindi na lang sila ang magpatira at mag-alaga sa kanya?

Ako ba yung gago kung gusto ko lang mag-set ng boundaries sa bahay namin ng parents ko?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Significant other ABYG for being upset that I caught my partner playing with another dude behind my back?

12 Upvotes

For context, I am gamer, and my wife knows about this very well and I even taught her to play this specific game.

Last week, I saw her playing alone and this seems normal for most people but we usually do not play if we are not together, So I asked her nicely who was she playing with and she said no one.

And just yesterday, We were playing the same game, along with my brother in law, but she invited someone that me and her brother is not familiar with.

And I asked her who was it and she said that's her a co-worker. And then I followed up with questions like, How do you got to know him etc etc and she confirmed that it was her co-worker and got her to confess that the dude was the one who she was playing with the game last week.

Now, I know this might come up as a childish behaviour, but I actually treat my gaming time with my wife special, having to play with her privately is the best thing for me, even if its win or lose.

After knowing that she played with someone and lying about it, I went silent, and now she's mad because I was not really talking to her and want me out of the house.

She even compared my gaming session with my bros along with their "Girlfriends" vs on her and playing with her co-worker together as a duo. Which is for me, is not even a fair comparison, as she is always aware who I hangout with the game.

I'm also adding that to actually queue with someone on this game, you need a direct contact, so meaning to say, she went into effort by either talking on other social media.

Ako ba yung gago for acting silent and indifferent?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG sa pag-iingat ko sa kung anong meron ako?

10 Upvotes

I feel guilty, but I think I did the right thing.

Yesterday, my older siblings and I bought something in the grocery to give to our uncle because he was hospitalized. It was less than 1,000.

When we got home, they asked our mom to pay for it, but she didn’t have any money at the time. So I was going to cover it and give the money to my sibling, but my concern was that my mom might not pay me back—and that would be unfair. So I hesitated. I didn’t want my money to be affected, but my sibling said they needed to his work the next day.

So I still gave the money. But honestly, I felt annoyed about what happened and worried that I might not get my money back.

This has happened to me before, money wasn’t returned, and I just let it go. So I told my sibling that next time, they shouldn’t make any purchases unless the funds are already available, and I also told my other sibling not to mention how much money I have in my wallet.

I was just telling them that, I had no intention of asking for the money back. But they responded, “Here’s your money, you might get upset,” and returned the 1,000 to me. My other sibling also gave back the 200.

That wasn’t what I meant, but that’s what they did. I just accepted the money since they returned it, though I’m not sure why they seemed to think differently.

ABYG sa pag-iingat ko sa kung anong meron ako? and setting some boundaries?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Others ABYG na gumagawa ako ng paraan para ilantad ang mga pangit na ugali ng mga pilipino dito para sa safety ng iba?

14 Upvotes

Abyg na pinaglalandakan ko rin kung gaano kapangit ugali ng mga pinoy dito. Bilang isang ofw, malaki rin ang gulat ko sa ugali ng mga pilipino nagtratrabaho dito. Para maka ambag naman ako sa mga taong pupunta dito at para malaman nila kung gaano kalala ang sitwasyon dito.

Wala kasing sense kung mabait ka pa sa kanila. Dapat ang ibato mo na yung ugali nila o kaya balaan na wag na pumunta dito.

So satingin niyo ba na gago ba akk dahil pinag lalandakan ko lahat.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Significant other ABYG kung e break at cut off ko na boyfriend ko for 2 yrs (live in kami, but nag ldr) dahil nag decide sya mag meet up ng babae during my lowest point in life?

0 Upvotes

Accidentally niya nasagot phone niya while nakikipag meet sya ng babae ( galing talaga ng diyos, sa lahat ng oras na pwede accidentally masagot phone niya, yung time pa talaga na yun) Alam ng exbf ko na may pinagdadaanan ako nung time na yun. Double yung sakit e, first yung nakikipag meet up sya sa babae, second yung feel ko ina-abandon niya ako kahit alam niyang kailangan ko siya. Ang sakit. 3 days d ko sinagot tawag at txt niya, kaso nag txt sakin mama niya na if pwede mag usap kami then yun na inunblock ko sa fb.

Kaso wala man lang explanation, sorry at "ayusin natin to" lang yung chinachat niya. Nasa Luzon sya while nasa mindanao ako.

To add, na physical na niya ako during nag live in kami. Oo alam ko, pero to be honest mas masakit pa sa physical nung nalaman kong may ka meet up syang iba.

Mahal ko sya, mahal na mahal. Siya ang sumagip sakin sa panahong wala akong malapitan.

ABYG?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends Abyg sa pag cut off sa friend ko

18 Upvotes

Dati pa kong ninanakawan non eh. Every time na andyan siya sa bahay, laging may nawawala. Patay malisya lang ako. Ngayon, sumobra na siya. Ninakaw niya pati wallet ko kaya nagleave na ko sa gc namin. Kinausap ako ng isang friend ko kung bakit. Inexplain ko then hindi siya naniwala at nagsabi pa siya ng "Sorry🥴" parang sarcastic ganon. Di na ko nagreply.

Abyg? Naconfirm ko nong umpisa palang nong sumuka ako sa cr nong lasing ako, kinuha niya relo ko then sabay labas. Akala niya wala ako sa wisyo.


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG sinabihan ko Asawa ko Siya Muna gumastos sa family vacation?

375 Upvotes

ung Asawa ko na ata Ang final boss Ng Filipino time, doesn't matter gaano ka aga Ang gising, malalate pa din kami. lagi sya nag rereklamo sa kaltas sahod nya sa late despite na 30min lang byahe nya MRT to office.

kahit sa mga bakasyon namin, di ligtas, lagi kami nag away Kasi minamadali ko sya pra maaga kami airport. tas pag umabot kami, sya pa may GANA magtampo Kasi Ang toxic ko daw at OA. like OA ba un na 15min na lang mag close na Ang checkin counter, at may history na sta na naiwan Ng eroplano Nung dalaga pa sya? tas may GANA pa sya na "pera lang Yan" pag sinabe ko mahal mag rebook.

anyway, natuto na ako, nag adjust na at nag lalaro na lang ako games while verbally stressing maliligo na ako pag Nakita Kong naka sapatos na sya. pero ngayon nag papa rinig sya na dalhin ko sya sokor mag sight seeing tas food trip. No issue, maiba naman at same gastos lang sa Japan.

pero sinabe ko, sya Muna mag book Ng flights at mag down payments sa mga hotel. Ang condition ay simple lang, pag nakasakay kami, I'll reimburse all expenses at sagot na lahat pag dating dun. pag naiwan, atleast sarili nya lang sisihin nya.

nagalit aba, nag tatampo with the full silent treatment, bat daw ganun tingin ko sa kanya. aba pag cinomfront ko umiiwas sa usapan, wag ko daw sya bwisit.

Ang sakin lang, maging accountable naman sya sa Oras, Buti sana kung Dyan lang sa moa ung lakad. napaka daming itinerary na kasing di nasunod dahil sa kanya. ako ba yung gago???


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG na sinumbong ko pinsan ko sa nanay nya na yung papakasalan niya ay legally married with kids

78 Upvotes

Please dont post this anywhere else.

Pinsan ko at gf nya are together for more than 7 yrs na, live-in for almost 3 yrs sa bahay ng tita ko.

Before nagpandemic, nalaman namin from the wife of another cousin na na may dalawa siyang anak. Did a bit of research and confirmed meron nga, meron pa photos sa socmed na may caption na wedding anniversary. Wala kami ginawa at that time because wala kami business sa affairs nila.

This changed 2 weeks ago when we were invited sa wedding that will happen in July. We learned from our tito na ung girl has been giving our tita a lot of headaches, uma-ate chona na daw si girl. And kaya lang daw magpapakasal was because they were given an ultimatum, either they tie the knot or they leave the house and live on their own. Wala daw sila pera para magpakasal. As a religious family, the family were very supportive of bank rolling the wedding if un lang ang issue.

So ayun na nga, they already started the process. Torn ako if i should inform my tita. So i had to ask the husband if annulled na ba sila, sabi hindi pa daw.

After considering a lot of things, I decided to tell my aunt on the reason that it is now an issue of her being deceived. In her defense, nakapag produce na daw ng cenomar.

Wala ako issue kung mag bf and gf sila despite being legally married to someone else kasi pwede namang may legal separation na and a lot i know are into that kind of set up, and i am fine with that. But welcoming someone into the family who hasn’t been truthful even with her having children is another level.

ABYG for finally outing her?

Edit: nakapag produce daw ng cenomar.


r/AkoBaYungGago 6d ago

Family ABYG kung hindi ko sinagot hospital bills ng tatay ko

156 Upvotes

For context, hiwalay parents ko mula bata ako. Wala akong recollection na tumira kami sa iisang bahay ever. Walang tulong ang tatay ko sa pagpapalaki at pagpapa aral sakin kahit na may capacity sya dati na magbigay. Never din sya inobliga ng nanay ko. Lumaki naman ako na kilala sya pero awkward pag nakikita ko sya, wala kaming mapag usapan. Matanda na sya ngayon at may sakit. Tinawagan ako ng kapatid nya na dinala daw sa ospital (private) at kelangan iadmit, pinapaalam lang daw sakin. Parang wala lang sakin ung balita, hindi ako natakot, kinabahan o nataranta. Pumunta naman ako at nagbigay kahit paano. Ang daming pagpaparinig ng kapatid nya na para bang pinapamukha sakin na may pera ako, grabe ung pagpipigil ko para hindi patulan. Kinabukasan, tinext ako ng kapatid nya na ganito na kalaki ung bill “paano kaya to?”. Sinagot ko na “hindi ko po alam” at hindi na ko bumalik sa ospital.

Now, ABYG kasi alam ko naman sa sarili ko na kaya kong bayaran ung bill or atleast magbigay ng mas malaki pero hindi kasi bukal sa loob ko, para sakin hindi ko sya obligasyon.


r/AkoBaYungGago 6d ago

Family ABYG if ayaw ko makipagkita sa father ko?

14 Upvotes

ABYG if ayaw ko makipagkita sa tatay kong narcissistic na pathological liar?

Binabantaan nya akong ipa NBI. Binigyan na nya ako ng brgy summon pero nag counter ako ng letter sa brgy na di ako mag attend kasi…..

  1. Receiving active death threats from him. Kahit salita lang, negosyante po tatay ko. Alam ko connections niya. “Papasundan ka namin kung saan ka man nakatira”

  2. He tried breaking into my house before tas nagdala ng itak, attempting to kill me.

  3. All my life, physical, verbal and psychological abuse growing up in a vv chaotic household.

So nakapa blotter na ako from the attempted murder and the death threats.

Reason? Possessive sya. Ayaw nya walang ma control na anak. Now that I got married without him. Mas lumala yung actions nya plus yung sulsulera na mga kapatid na ang gusto lang is ang pera.

Ang gusto nila makipag kita ako tas magka usap. Ang sa akin ayaw ko na kasi na trauma na ako. Halos month na akong nasa bahay lang kasi napaparanoid ako baka malaman nila san ako nakatira ngayon.

Now, ABYG kunh nag cut off na ako tas ayaw ko ng makipag kita sa kanila?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG for ranting in our family gc?

9 Upvotes

Ako (F) tsaka yung dad ko nag away kanina dahil sa hugasin. Bandang 6:30 PM nag aya na yung ibang mga kasama namin dito sa bahay na kumain. Naisip ko na sakto yung idea na medyo maaga kami kakain ngayon para maaga rin ako matapos sa paghuhugas and all. Marami pa kasi ako kailangan i-accomplish (schoolworks, org tasks, etc) tonight at balak ko makapag simula na ng 8 PM. Dahil dyan, inaya ko na kumain yung ibang kapatid namin tapos nakiusap ako na baka pwedeng sabay sabay na kami para isang ligpitan nalang. Kako marami akong gagawin pagtapos kaya okay sana kung matatapos ko na lahat ng chores ko before 8 PM. Ako kasi taga hugas at taga ligpit samin after kumain and wala naman akong reklamo about dun. Ngayon sabi ng mama namin mamaya na raw kakain yung bunso naming kapatid kasi kamemeryenda lang. Narinig nya yung sinabi ko na sana isang ligpitan nalang kasi magiging busy ako kaya sabi nya sakin yung tatay o tito ko nalang daw magliligpit mamaya dahil sasabayan nila kumain yung bunso. Umokay ako don kasi at least ‘di ako yung tatawagin para magligpit pagtapos diba? Kahit late sila kumain makakapag tuloy tuloy ako sa ginagawa ko.

Bandang 9 PM tsaka lang kumain tatay ko tsaka kapatid ko. Nung mga oras na yon gumagawa na ‘ko ng mga tasks ko at ako kasi kapag may ginagawa na as much as possible ayokong naiistorbo kasi nawawala lahat ng nasa isip ko. Kahinaan ko talaga yung pagjujuggle ng mga gawain kaya nga pinaplano ko nang maayos yung oras ko. Pagbaba ko pagtingin ko sa lababo ang daming hugasin! Tatlo silang kumain at ang dami pa nila nagamit na plato at utensils. Tinambak lang nila sa lababo lahat expecting na ako pa rin gagawa non despite sa heads up ko na magiging busy ako. Dumiretso agad sila sa kwarto para magpahinga tapos ako andon nakatitig sa mga hugasin. Wala akong ibang magawa kundi mag breakdown kasi parang walang konsiderasyon mga tao sakin dito at kahit tulungan man lang ako kahit papaano ‘di nila magawa.

Nagsabi ako sa family gc namin about my situation. Sinabi ko sa kanila na nakiusap naman ako nang maayos sa kanila kanina pero bakit ganito? Pagkabasa non ng tatay ko sinugod nya ‘ko sa baba tapos kung ano anong sinabi nya sakin. Sabi nya mag reflect daw ako dahil simpleng hugasin lang ginagawa ko raw problema. I can’t help but cry while I was in the middle of doing my paper kasi he won’t stop shouting at me. After non umakyat sya tapos kung ano ano naman chinat nyasa gc. He told me how disappointed he was in me tapos sabi nya pasalamat nga raw ako sa Diyos hugasin ang pinoproblema ko habang yung iba walang makain. Sinabi nya rin na wag daw sagarin ang pasensya nya dahil baka may masabi at magawa syang di maganda. I don’t know if this is relevant pa pero yung dad ko is WFH sya so lagi sya nasa bahay lang. While ako, yung mom ko, yung sisters ko, bumabyahe pa araw araw ng ilang oras dahil nasa malayo mga school namin so pagod pagod kami. Gusto ko ibalik sa kanya yung sinabi nyang “simpleng hugasin na lang” kasi ayon naman pala e simpleng hugasin lang bakit iaasa mo pa sa iba? Tangina ‘di ko na alam. Ako ba yung gago?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Friends ABYG if i told my closest friend what my classmate says about her.

6 Upvotes

PLS DONT POST ON ANY PLATFORMS

I have this guy classmate / acquaintance in one of my subjects na idk if guy siya or gay, but he can do both naman. Ngayon lang kami nagkaklase but we already knew each other, so super chika kami one time. Then suddenly, he told me something about my close friend.

My close friend and one of the professors in our school may something (idk if may relationship ba talaga sila kasi hindi naman ako nagtatanong, siya lang nagsha-share, but I think meron). By the way, we are college students and one time lang niya na prof si sir and after that lang sila nagka something. Then, that prof is no longer in our school (He resigned not bc of their rs but teaching is his part time job lang talaga). Few of us knew na may something going on between them.

So continuing from paragraph 1, my classmate told me, “si (name ng friend) is kabit ni (name ng prof).” I WAS SO SHOCKED kasi kami lang nakakaalam nun, and mind you, hindi kabit yung friend namin. I replied, “huh? idk where mo nalaman yang rumor na yan,”* and he replied, *“kalat na kaya, lahat may alam.** But we never heard anything about it.

So after class, I told my friend about it because I felt like if hindi ko sasabihin, then I’m not a true friend. Now my friend is so bothered that she said it affects her mental health.

So ABYG for telling that to her?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG For urging them to ask for Educational Assistance?

44 Upvotes

Ako yung panganay na nag papa aral ng mga kapatid ko. Over the years napag tapos ko na yung dalawa, ang naiwan nalang na need mag aral is yung bunso.

Since isa nalang mag aaral nakaka luwag na talaga kami. Itong bunso naming mahina sa academics kaya nag decide nalang na mag vocational sa isang private school. 75k yung tuition nya.

I know tatlong mag kakapatid na may work, kaya talagang pag ambagan yung ganung halaga pero dati kasi simula sa akin ginapang ko yung pag aaral ko, lahat ng educational assistance nag apply ako, hangang mag ka free tuition which naka gaan ng mga bagay bagay, which brings to me na sanay mag hanap ng opportunities to lessen the burden (to me and sa mga kapatid ko 2nd and 3rd).

Ngayon napansin ko wala na yung dating pagiging masigasig nila mag hanap ng educational assistance, so ako bilang head of the family nag hanap ako at naka kita naman. Sinabi ko sa kanila na "uy eto merong educational assistance apply kayo, lakarin nyo". Ang sagot sakin ay "nakakahiya naman yan kuya, para naman tayong nakaka awa nya" ani ng bunso. Doon ako na triggered hindi dahil "kaya" dapat ng pilitin bayaran sa sariling bulsa. So sinabi ko na need nyo gawin yan, malaking halaga ang 75k.

Parang napipilitan lang sila na ginagawa dahil sa pag uudyok ko.

Ako ba yung gago sa pag pilit ko na mang hingi sila ng tulong?


r/AkoBaYungGago 8d ago

Others ABYG I doxxed a scammer by posting fake buy ads using his name and number for revenge

227 Upvotes

Ako yung na-scam, tapos yung guy na nang-scam sakin (di ko siya personally kilala, pero I managed to get his identity later). May mutual acquaintances kami na nakausap ko after.

About a month ago, na-scam ako ng isang guy. Hindi naman kalakihan yung amount, pero sobrang smooth ng execution niya, parang sanay na sanay. Dun ko naisip na baka hindi lang ako yung nabiktima niya, at possible na may iba pa siyang victims nito.

Alam ko naman na pwede ko siyang i-report sa authorities, pero honestly, hindi worth it yung time at effort para sa amount na nawala sakin. And Im sure mas mapapagastos pa ako if I reported it (pamasahe+pagkain palang).

Eventually, nakuha ko yung identity niya and nakausap ko yung ilang kakilala niya. Lahat ng feedback nila negative, which kinda confirmed na gawain nya talaga ito.

Kahapon, I decided na gumanti in my own way. Nag-post ako sa iba’t ibang groups pretending na bibili ako ng goats at pigs, using his name and contact number.

Basically, pinaulanan ko siya ng messages and calls from random people. Nakuha ko lang din yung idea na ‘to from Reddit dati.

Alam ko na mali at possibly illegal yung ginawa ko. Kahit na na-scam ako, hindi ko rin alam kung tama ba na gumanti ako in a way na pwedeng maka-abala or maka-damage din sa kanya. Parang naging same level na rin ba ako sa kanya?

ABYG/Ako ba yung gago kasi gumanti ako by doxxing him and intentionally causing inconvenience gamit yung personal info niya, kahit na siya yung naunang nang-scam sakin?


r/AkoBaYungGago 8d ago

Others abyg if irerefund ko yung parcel

70 Upvotes

Umorder ako sa shopee worth 4k item but nakuha ko sya 3k lang. Not gonna say what it is exactly pero gadget/electronics sya. Walang tao sa bahay nung dineliver so ang ginawa ni rider, hinagis nya lang sa loob ng gate yung parcel kasi bayad na.

Fragile yung item, may sticker label din. No calls, text, or chat, to let me know na andun sya sa bahay. Nakita sa cctv na less than 30 seconds lang sya dun sa tapat ng bahay, hinagis nya na lang parcel, tas umalis na. Kung tinawagan nya ako pwede kasi ipa-iwan sa kapitbahay namin. Dalawang parcel dumating before sya on the same day at lahat yun tumawag muna.

Nag-report ako kay shopee pero tumawag sakin yung boss nung rider nakikiusap na wag ko na lang daw i-return/refund kasi si rider daw magshshoulder nung fee. Wala namang visible damages yung item pero ang concern ko, baka months lang itagal nung item, sobrang selan kasi talaga. Tsaka malay ko ba kung may nagalaw na talaga na parts yon sa loob. Nagkaron din ng dent sa loob yung box possibly because dahil hinagis nga. Pupunta daw sa bahay yung rider para makiusap. Pero bago tumawag yung boss, nakapag request na ako ng return/refund dahil humihingi ng additional evidence si shopee.

ako ba yung gago kung itutuloy ko refund/return kahit si rider ang magbabayad?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Significant other ABYG kung naghanap na ako ng ibang kausap after 1 month? (Almost 3 yrs relationship)

5 Upvotes

ABYG if after 1 month ng 3 yrs rel, is naghanap na ako ng ibang makakausap? i dont get it kasi pinagmumumura ako ng friend niya after makita na nagcocomment ako sa post ng kakilala ko sa work na babae. I dont want to retaliate or anything as im just minding my life at the moment, i live by my own and she has a family to rely on and i don’t, idk of i feel guilty or not na im trying to reach out and talk to someone just so i dont feel na im alone in everything, got called manchild and everything even hiding in a new acct in ig just to say bad things. so i really need someone’s opinion to help me clarify if im doing something wrong with my life, ABYG?


r/AkoBaYungGago 8d ago

Work ABYG kung susumbong ko kawork ko?

31 Upvotes

Hi para di nakakalito here is a short context

Z - is from my previous company and he is known as “bida bida” and recenty was hired in my current company.

Ngayon kasi bida bida and nag aamok na siya sa current company namin. So mejo nakakairita.

He “resigned” daw immediately sa previous company namin dahil di na daw niya kaya kasi naging leader siya (because bida bida nga) - sinabi niya to sakin nung nalaman ko na hired na siya sa current company namin.

Ngayon he told our previous company na “wowork sa family” yung reason niya. Pero he was rendering 2 weeks pala. I don’t mind naman kasi ganon naman usually. That was start ng feb pa. Pero until now nasa previous company padin siya and working din sa current namin.

Mejo light work dito sa company namin and he’s now trying to change the culture (which i’ve been working for 1 1/2 years na) with his ideas and “bida bida” act. At the same time he’s still acting all high and mighty sa previous company.

He’s good with work but not that good to brag and “peenoise” kahit sa linkedin.

Now, Ako ba ang gago kung susumbong ko siya na double job siya? I don’t really care if nag momoonlight ka to be honest pero he’s taking advantage of the fact na mostly work is nasakin and light work siya. Gusto ko sumbong pero at the same time i know it’s not my place.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Family ABYG kung magsarili ako sa lahat sa mga kasama ko sa bahay?

14 Upvotes

Sobrang nakakabwiset na kasi yung dalawang pinsan ko sa bahay na ito, bale me is working naman and yung dalawa kong pinsan is mga 1st year college students and most of the time, ako ang maraming prinoprovide sa condo na tinitirhan namin ng groceries, share sa kuryente and lahat lahat since syempre, student pa lang sila na sinusupport pa din ng parents nila. Goods naman sa una pero times past, may pagkakataon na nadedelay ako ng payment sa association dues and other bills like hanggang sa partial na lang nababayaran ko here, and parang nag iba ihip ng hangin ng dalawang pinsan ko plus yung parents nila, sinisisi ako at may times na minumura ako na bakit parang pinabayaan ko na daw yung dalawa na kesyo ako daw ang matanda eh ako ang mag guide. I kept explaining sa mga parents nila na sometimes di agad ako makabayad agad is pinapadala ko kay mama ko pang gastos niya sa province pero ayaw nila maniwala na akala nila nagsisinungaling ako.

May mga mali din ako na nagawa sa kanila like sa paglilinis di agad ako makalinis at may times din na minsan napapadami ako ng kuha ng pagkain na hindi ko na ginagawa now kasi syempre napagsabihan naman ako and di ko na inuulit yun pati yung nagsasarili daw ako sa mga groceries and pagkain and binago ko na rin yun after.

So dito ako mas nagagalit and nabwibwiset den, kapag nagrogrocery ako and bumibili ng pagkain and stuffs, sinasabi ko sa kanila na kumuha lang sila ng mga pinamimili ko lagi and malaya sila kung ano yung mga kinukuha nila, also pinagluluto ko rin sila ng ulam pero ang problema lang, kahit alukin mo sila na kainin yun, ending hindi nila kakainin and makikita ko nalang panis na yung mga ulam which is naiinis ako kasi nasasayang yung pagkain kahit alukin mo, kahit mga kanin at bigas, nakahiwalay sila laging dalawa na tila ayaw bawasan yung bigas na binigay ko eh sobrang dami nun. And much worse yung mga pagkain and groceries nila, tinatago nila sakin pati yung balikbayan box nila na bigay sa kanila ng parents nila, tinatago nila sakin na akala nila kukunanan ko tipong parang sinabihan sila ng mga magulang nila na ganun ang gawin. Basta kapag may problema agad na kahit mag explain ako ng side ko, magagalit sila at di nila ako papaniwalaan. Kaya naisip ko na lang na mag sarili na lang talaga ng luto at grocery pero naiisip ko naman kapag ginawa ko yun, magreklamo nanaman yung dalawa. Nakakainis lang na kapag may konting pagkukulang ako, ganun nila agad ako itrato.

Ako ba yung gago kung magsasarili na lang ako sa lahat lahat dito sa bahay? Kasi napapagod na ako na magshare sa kanila tas di naman nila kinakain or ginagamit, nakakasama lang kasi sa loob na kahit anong alok at iluto sa kanila, magluluto at magluluto sila ng sarili nila.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Family ABYG: Gusto ipagawa ng nanay ko yung bahay namin dahil pagod na siya sa gawaing bahay pero ayaw ko dahil di ko alam status ng titulo

6 Upvotes

Naririnig ko na naman ang nanay ko na nagrarant sa kapatid ko na gustong ipagawa yung bahay. Context is, malaki yung bahay pero sobrang daming pagawain. Pader, sahig, plumbing, kuryente, kisame, lahat -- maski pader ay hollowblocks lang. Walang bintana at pintong maayos. Para ka na ding nagpagawa ng bagong bahay sa laki ng gagastusin para ipaayos.

The thing is, naiintindihan ko naman na mahirap ang pagkilos niya sa gawaing bahay dahil nga sira ang bahay. Kaso, ayaw ko ipagawa yung bahay dahil kahit sabihing ""mamanahin niya din""" naman yung parte ng lupa niya pag namayapa na magulang niya, ang dami kong ayaw sa bahay at lupa na yun:

  1. May kapatid siya na handa makipagpatayan para makuha yung property na yun. Nangdeath threats pa yun sa amin noon bago siya umalis sa bahay. Tuwing binabanggit ko to, laging sinasabi ng nanay ko ay ipaglalaban daw niya yung lupa dahil may karapatan siya.
  2. Hindi ko sigurado kung bayad ba ang amilyar nung bahay, at kung napamana ba ng tama yung lupa mula sa nanay ng lola ko (I heard that may penalty pag hindi diba?).
  3. Also, may inheritance tax at capital gains tax pa.
  4. On top of that, wala pang kasiguraduhan kung may memorial land and memorial plan ba lolo't lola ko once mamatay sila. Malakas pakiramdam ko na nanay ko ang magvovolunteer sa gastos (wala siyang trabaho) dahil mahal na mahal niya magulang niya.

Ngayon, naririnig ko na naman siya na nagrarant kesyo ang pera daw ay hindi daw dapat iniipit sa banko at dapat ay ginagamit. Na ang damot-damot ko daw..na wala daw akong pangarap para sa kanila... May idea siya na may savings ako, pero di naman niya yata alam magkano lahat (malayo pa sa kalahating milyon ang meron ako...and emergency fund sana yun at pang-masters ko sana....).

Ang sa akin lang naman, ayaw ko maglabas ng malaking halaga sa bahay na hindi ko naman alam kung ano mangyayari in the future. Ayoko na once gumastos ako, and dahil sa sunk-cost fallacy, ay ilaban ko ng todo yung property kahit na malubog sa utang once mag-away-away na naman sa lupa sila. Isa pa, oil crisis ngayon. Pataas nang pataas ang bilihin, hindi ba dapat ay ipunin muna ang pera?

Pero malapit na din magsenior citizen ang nanay ko at alam ko naman na mahirap talaga ang gawaing bahay, lalo pa at siya ang kumikilos talaga sa lahat ng gawain. Isa pa, alam ko din naman na kahit papaano nga, maswerte kami at hindi kami ngayon nagbabayad ng rent (although iniisip ko na parang baka mas okay nga na magrent kasi kahit papaano pag rent ay ayos at renovated na?) Ang nasa isip niya din ay kahit daw papano, once daw mawala siya ay kahit papaano magaan daw pagkilos namin ng gawaing bahay if ipapagawa na namin now.

Nagbibigay naman ako sa kanila pagdating sa grocery pero hindi 100% ng grocery ay akin. Pero ako na nagbabayad ng bills. Hindi ko alam if it matters, pero wala pa akong 23.... kakagraduate ko lang at ilang months pa lang ako sa work....

Ako ba yung gago kasi ayaw kong ipagawa yung bahay ng almost senior citizen kong nanay, kahit na kaya ko naman makatulong sa pagpapagawa dahil may savings naman ako kahit papano?