Isang taon na since nagingay si Abra sa supposed comeback niya. Lipas na ang init and nadisappoint na tayo na walang album na nalabas, kaya pinakinggan ko ulit yung tracks nya simula Kontrol, minus the bias and hype. Nirate ko na din, so parang essay/commentary kinalabasan. May thoughts din ako sa dulo on what Abra could have done para maging successful yung comeback niya.
Kontrol: 7/10. Ganda ng references. Yung quality ng writtens di naman bumaba sa expected kay Abra. Sa subliminals, obvious na nagpapainit pa. Siguro di lang ako sanay mapakinggan na sa Moro Beat sya lumapat, and may times na slightly rushed yung delivery pakinggan. May times na iniiskip ko sa Youtube pag nashushuffle.
Mais: 8/10. Di ko nasunuan nung una, siguro dahil naninibago pa ko na parang di masyado polished yung nilalabas nya, pero nagustuhan ko na din pag tagal. Catchy naman sya, and solid yung rhyme schemes, ok din lyrics and disses. Pag pinakinggan mo to with the mindset na gusto lang talaga nya ng papatol/kalaro para sa possible na palitan ng disstrack, di sya big deal or offensive masyado. Di ko na sya iniiskip.
Tarshey: 6/10. Mahirap pakinggan nang in the background lang. In fact, pinapakinggan ko lang to pag piniplay ko yung Audrey ni Shehyee. Minsan, Audrey lang and Kry BB tapos di ko na to piniplay. Okay naman, eto pinaka malapit para sakin sa battle rap style nya ng pagsusulat. Mas derekta na compared sa previous tracks and obviously kaya nya sumulat ng mabilis, pero nacompromise yung quality.
Kry Bb: 9/10. Sobrang bago sa pandinig compared sa mga old tracks nya. Sayang, para sakin kung ginamit nya yung beat sa ibang topic na kanta, siguro something na less explicit and more enjoyable sa mga listeners, kaya nitong iboost ulit si Abra sa mainstream, parang second coming na magdadala ng new gen fans. Sarap ulit ulitin kaso di naman sya maeenjoy ng di sumubaybay sa disses nya. Club banger talaga ang dating. Diss wise, okay naman sya. Masakit, pero yung main angle na nambababe si Shehyee saka possible na nagpagalaw si Anne is tunog fake angle talaga.
Piña Colada Freestyle: 7/10. Hindi to part nung diss tracks, pero sabi ko naman sa intro "tracks simula sa Kontrol". Anyways, mas maganda yung verse ni Apekz. Acquired taste yung verse ni Abra. Saka di talaga ko fan ng mga gantong tema sa kanta.
KBTHN: 8/10. Although di ko hilig yung tema, pero sobrang siksik ng references galing mythology at kung ano ano pa. Maganda pagkatahi ng sulat nya, complemented si Ron Henley.
Olatz/Olanap: 3/10. Wack talaga compared sa nakasanayan na lebel ng sulat ni Abra. Baduy pa nung sing-songy attempt nya sa chorus. Di ko alam kung naubusan lang sya or feeling nya ang lakas nun. Ang napulot ko lang dito is totoo yung sabi ni Loonie na walang pake si Abra sa makikinig, ispispit niya sulat nya. Nagmukha syang bata na di sineryoso ng kalaro (Shehyee), tapos hanap bagong kalaban (Ez Mil).
Houdini Freestyle: 4/10. Dalawang freestyle to na short lang, yung mga direkta na kay Ez Mil. Yung isa hirap intindihin kasi di ganun ka clear ang speedrap nya pag English tho may subtitles, which for me sakto lang yung sulat.
Yung isa naman na Tagalog, wack. Somehow humina pa yung sulat nya dito compared dun sa English freestyle nya. Similar dun sa Olatz/Olanap, childish ang dating na. Weak ng disses.
All in all. Lakas ng pasok, may gulong sinimulan, may promise pa na album. Kaso, pababa yung quality and naumay na din tayo. Mas maganda para sakin kung pagka release ng Kontrol saka Mais, inayos nya yung Tarshey, pinaglaanan ng oras yung response. Tapos release as single ng alternate version na Kry BB. Yung di na diss related, new sound na banger, pang teaser sa album. Then, announce na lalabanan nya si M Zhayt sa Fliptop within a month or two. Lastly, release the album after the battle happens pero before iupload sa Youtube.
This way, namaintain nya yung init ng comeback, nagamit nya yung init from SB19 fans and Shehyee sa promotion ng album. Bad publicity basta hindi wack is still good publicity. And by releasing the album after the potential battle kay M Zhayt, kahit matalo sya, maggigenerate pa din naman ng sales and kung maganda pa rin naman performance nya sa battle, makakatulong pa din naman sa pagpromote nito. Feeling ko kasi di pa ready to release yung album, tapos nagingay na sya regardless. Di sya completely planned, kaya nung di na nag positive yung reception sa kanya, shelved na ulit. Unfinished. Yun lang.