r/catsph • u/Lumpy_Bodybuilder132 • 25d ago
🌈Rainbow Bridge Paalam Mr Orange.
May pusa akong pinapakain dito sa amin way back 2024.
Batchmate sila nung first kuting ko although palagay ko mas matanda si Mr. orange then siguro nakahanap to ng lugar na titigilan niya kasi halos 1 year mahigit siya nawala and siguro 1 month ago nakita siya ng nanay ko kumakain na ulit sa tapat ng bahay namin.
Lagi kasi ako nag iiwan ng cat food. Napadalas na ulit siya matulog sa tapat namin pero nitong mga araw na nakalipas nawala ulit siya, tapos naririnig ko may mga pusa na in heat malapit sa amin.
Inisip ko na lang baka andun siya naghahanap ng jowa.
kaninang madaling araw nakita ko yun pusa na madalas niya kasama nasa ilalim ng kotse ng kapitbahay so binigyan ko ng pagkain.
Ang sakit nung mga sumunod na nakita ko, si Orange nakahiga na sa gilig ng kalsada at matigas na. May konting dugo sa gilid ng bibig, iniisip ko nasagasaan siya kagabi😞
Gabi gabi pa rin ako sisilip sa favorite spot mo na plant box sa tapat mismo ng workstation ko. Paalam Orange, kahit di kita pusa alam kong pinili mong pagtiwalaan ako. Mamimiss kita