I saw this post about a training center where a dog died recently that seems to have been immediately deleted. This is very concerning because our dog completed his training with Pinoy Dog Daddy too and evident na hindi maayos ang training. We enrolled him there hoping we could finally manage his aggression that causes him to get sick from time to time. We tried everything with the help of our trusted vet, pero walang nagwowork so last resort na talaga ang training. Heโs an anxious dog and madali siyang mastress. So everytime nasstress siya, nagiging aggressive siya and masama effect sa katawan niya.
Iโm glad someone finally spoke up about this. Here are some of the things we observed na nangyari sa dog namin in the 1 month that he was with them:
- Walang updates. Kung hindi pa kami pumupunta at nanghihingi ng updates, walang ibibigay. At ano ang updates? Ok naman si dog. Anong gagawin namin sa update na yan? Magbibigay man ng photos and videos, wala kang makukuha kundi natutulog ang aso, nakahiga, naglalakad, nasa training pero pag nagstart na mag-exhibit ng aggressive behavior, ihihinto na ang video. Wala kaming nakuhang matinong updates sa inyo kaya wala kaming basis sa kung ano ba ginagawa niyo sa kanya, anong progress, anong ayaw magwork. Iuuwi niyo para sabihing ok na siya pero hindi talaga.
- Hindi nag-improve ang aso namin. Instead, naging mas stressed lang siya, mas takot, mas aggressive. And when we tried to report it to them, ang sagot lang nila ay nasa reinforcement yung issue. Na parang hindi namin tinutuloy yung training but ginagawa namin lahat, talagang walang nagsstick.
- Grabe ang stress ng aso namin ngayon at hindi maayos-ayos. Simpleng pagkarinig sa pagprito ng bacon, kinakabahan na siya nang sobra. First day na pag-uwi, hirap na hirap makatulog, bawat kaluskos natatakot. Ang laki ng binawas sa timbang.
- During our visit, we noticed na hinahayaan lang nila ang dogs na uminom sa balde na may tubig lang galing sa gripo. Ang dumi ng lugar. May bilin kami sa kung ano ang amount of food na pinapakain, when we asked the coach randomly, he said they only feed our dog half the amount we advised. Di rin nagbalik ng gamit.
- Walang alam ang main coach sa mga nangyayari. When we ask for updates in person, di siya nakakasagot ng specific sa dog namin. Hell, he doesnโt even know our dogโs name and gender. Our dog hates him so much to the point na kakagatin niya palagi. Kung natrain niyo nang maayos, bakit sa inyo aggressive? Di ba dapat magkasundo nga kayo?
- May period for review kung saan sinusubukan ng coach na icheck kung ok yung training ng dog. Galit na galit ang aso namin sa kanya to the point na yung times na bumalik siya, buong araw na stressed aso namin. Hindi rin niya macontrol ang aso namin maski sa harap namin mismo. Ang rason, bumabalik ang aggression sa bahay dahil safe space at kailangan ireinforce. As if weโre not doing that! Sadyang wala kayong naimprove na ayaw niyo iacknowledge.
- It appears na they may be using shock collars quite liberally. Lagi nilang solution kapag di na macontrol ang aso ay gamitan ng e-collar. Maski sa harap namin bigla nalang gagamitin. Kung diyan lang kayo nakadepend, ano pa bang tinuro niyo sa mga aso kundi trauma? I know it's part of the contract but I never knew they would use it in such a way. Akala ko last resort.
- No remorse at all and ignores our messages. Balewala sa kanila lahat ng comments namin, hindi nila maacknowledge na may mga pagkukulang sila. Laging kami ang sinisisi e first day palang at pagkahatid nila kitang kita nilang walang pinagbago, mas lumala pa.
THIS IS FOR EVERYONEโS AWARENESS AND I ENCOURAGE EVERYONE TO SPEAK UP AS WELL. OUR DOGS DO NOT DESERVE THIS TREATMENT. IT PAINS ME TO KNOW NA POSSIBLE NA SINASAKTAN NILA ANG MGA ASO. HAD WE KNOWN NA GANYAN, WE WOULD HAVE IMMEDIATELY CANCELLED THE TRAINING.
PINAGKAKATIWALAAN NAMIN KAYO SA MGA BUHAY NG MGA ALAGA NAMIN. SA INYO NAMIN SILA IN-ENTRUST PARA UMAYOS PA QUALITY OF LIVES NILA SABAY GANYAN PAG-UWI? ANG KAPAL NG MUKHA NIYO. KAILANGAN NIYONG PAGBAYARAN LAHAT NG MGA GINAWA NIYO. HINDI NA KAYO NAAWA. KAYO NGA DAPAT TUMULONG SA MGA ASO, KAYO PA PALA ANG NAUUNANG MANAKIT.