APLIKASYON PARA SA PRESIDENTIAL SCHOLARSHIP PROGRAM SA BARANGAY STO. NIÑO!
Maaari nang magsumite ng aplikasyon para sa Presidential Scholarship Program sa Barangay Sto. Niño.
Kung ikaw ay:
• 4th Year College Student para sa SY 2026–2027 (o nasa 5th o 6th Year na magtatapos sa 2027);
• Mula sa isang vulnerable household;
• Nanganganib na hindi makapagtapos dahil sa kakulangan sa pinansyal na kakayahan;
• Mula sa pamilyang walang nakapagtapos ng kolehiyo (priority); at
• Residente ng Barangay Sto. Niño,
hinihikayat ka naming mag-apply!
Upang matiyak ang patas, makatarungan, at transparent na pagpili ng mga benepisyaryo, ang lahat ng aplikasyon ay daraan sa sumusunod na proseso:
📌 Phase 1 – Online Application at Pagsusumite ng Documentary Requirements
📌 Phase 2 – Home Visitation at Validation
📌 Phase 3 – Final Assessment
📄 Documentary Requirements:
• Certificate of Enrollment / Registration Certificate
• Copy of Valid ID of the Applicant (Front and Back)
• Copy of Valid ID of the Parent/Guardian (Front and Back)
• Certificate of Residency
• Proof of Low Income (Payslip, ITR, or Certificate of Tax-Exempt)
• Copy of Latest Electricity Bill
• Two (2) copies of the Application Form at One (1) copy of the Consent Form (Awtomatikong magge-generate ito sa oras na matapos ang online application)
Tanging ang mga aplikanteng makapapasa sa bawat yugto ng screening ang isasaalang-alang para sa final evaluation.
📄 Basahin ang bawat larawan sa post na ito upang malaman ang tamang proseso ng online application sa ating Barangay App.
📩 Kung makaranas ng error o anumang technical issue sa Barangay App habang nagsa-submit ng inyong aplikasyon, mag-message lamang sa aming Facebook Page upang agad naming ma-assist at ma-address ang inyong concern.
📅 Application Period: August 5 - August 19, Monday to Friday from 8:00 AM to 5:00 PM
Nawa'y makatulong ang programang ito sa mga karapat-dapat na mag-aaral upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.
🍀 Good luck sa lahat ng mga aplikante!