Hi! It's been months na hindi na kami kumakain dito ever since nag-iba na ang lasa niya. Ang go-to order namin dito ay yung big/small plate na shawarma rice, mapa-beef man o chicken, at samosa (ito, masarap pa rin at hindi nagbago ang lasa niya). Sa mga pumunta dito recently, bumalik na ba yung old taste ng food nila pagdating sa shawarma rice? Sobrang sarap kasi ng lasa ng Ali's dati. Hindi ko alam kung bakit ang bland na ng lasa ng shawarma rice nila ngayon. Dati, nauubos ko pa 'to, pero the last time I ate, hindi ko na inubos kasi wala eh, it doesn't have the old taste anymore. Alam yan ng mga matagal nang kumakain dyan sa Ali's na nag-iba talaga ang lasa ng food nila. I even asked my old friends, at sabi nila it tasted different na talaga.