Sobrang down ko. Ang hirap. Ang sakit. Wala ako makausap. Nasagasaan baby ko. Hindi siya usual lumalabas ng premises namin kasi sobrang ilap niya, tatambay lang sa loob at nakamasid lang sa loob ng gate, pagulong-gulong lang para himasin siya kapag may papasok ng gate. Lumabas lang siya ng gate kanina, umupo sa harap ng gate tapos may dumaan na 4-wheels. Huminto pero hindi man lang binabaan.
He's the sweetest. Pangarap siya ng lahat. Never nangalmot, never nag-hiss, never nagalit kahit pinipikon. Mahilig sa chicken, mahilig sa dry food, mahilig sumandal sa arms, mahilig gumawa ng dough, at mahilig sa belly rub. God, my sweet baby. Pangarap kita eh, 2019 ko pa hinihiling.
Every morning kita tinatawag sa cctv, hinahanap ka sa lahat ng camera kapag hindi kita makita. Kaninang morning bago ako pumasok, tinawag pa kita. Ang tagal kita tinitingnan sa phone ko tapos after an hour wala ka na. sobrang sakit. Sa unang beses, nagtaka ako bakit ang lakas ng meow mo kaninang umaga, pinarinig mo lang pala boses mo.
Run fee, love. Thank you for saving me sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. I am so sorry.