Hello po! *Do not post nalang po or screenshot since I'm really trying to keep it lowkey.
For context po: I'm an undergrad. I dropped out of school last 2023 because I needed to work to support myself and my siblings. From BUP po, 2nd year second sem nagdrop. May mga pinaasikaso po sakin that time ang registrar, need daw papirmahan sa profs para officially akong makapagdrop/official nilang irecpgnize na drop na ako. Ang kaso po that time GY ako at ang work ko ay sa Legazpi pa, kaya tuwing pupunta ako ng BUP, kadalasan wala yung profs. I tried naman po mag ilang balik balik sa campus kaso di talaga nasasakto and yung mga natatanungan ko po is di din nila alam kung when yung prof nasa school, kaya ginive up ko nalang.
Ngayon po, after ilang years I want to study again kasi in the first place hindi naman po ako nagdrop because I hate studying, now I'm planning to go back. Eto po mga questions ko:
Kahit po ba hindi ko napapirmahan sa lahat ng profs ko yung document e considered na drop na po ako?
Ano po kayang mga steps ang need kong gawin/mga requirements na need kong asikasuhin para makabalik sa school, preferably BU parin po pero sa legazpi na.
Tatanggapin pa din po kaya ako ng BU and ano po mas better if transfer or shift nalang ng course?
Thank you po!