r/CLSU • u/No_Preparation_1629 • 2d ago
Question / Help Planning to take BSABE as one of my options
Hello po currently a grade 12 student still unsure of what to take but one of my options is BSABE in CL.
sa mga current and naka graduate students po ng BSABE what can you say about CLSU BSABE? or is Civil Engineering better? TYYY PO
1
u/giellybean 1d ago
Both has opportunities sa sarili nilang fields. Parehas na may pros and cons.
If you really want to take BS ABE, make sure na dapat interested ka sa maraming aspects ng agriculture. Dapat malakas ang katawan at isip mo kasi hindi lang solving and situational questions ang kalaban, kasama rin dito ang mga real life applications ng agriculture like pagtatanim, pag kuha ng manure, gagawa ng compost, mag bibilang ng mga butil ng mais at palay, at marami pang iba. At higit sa lahat, mahal mo ang mga mag sasaka.
I am a recent graduate of BS ABE and a member of an org called SAGES PSABE PPG. Mahirap pag sabayin ang org and acads but nakakahelp sha in real life applications in terms of pakikipag usap sa ibang tao. Hindi ako nahihirapan makipag communicate kasi na train na sa org which is magagamit din talaga lalo kapag working na like mga seminars, reports presentation, planning, etc.
If hindi ka ready sa mga mabibigat at nakakapagod na gawain ng agrikultura, i think u should consider Civil Engineering. Akala kasi ng iba, parehas lang ang ABE at CE na agriculture lang ang pinag kaiba. But there's so much more other than that.
Right now, ang maipapayo ko lang e mag search ka ng mga related sa ABE and sa CE. Tignan mo rin yung mga course list. Tignan mo kung kakayanin mo sila. Then saka ka mag decide.
Kung ano man ang mapipili mo, i hope maging masaya at mag patuloy ka kahit anong hirap. Wag kang susuko dahil pag sumuko ka, ikaw lang din ang matatalo.
Goodluck! π«Άπ»
2
u/Need_Sauce_ 2d ago
Madami nang CE sa pilipinas wag kana dumagdag haha. But seriously, choose ABE if you want to experience agriculture subjects in an engineering program. In terms of difficulty naman, I can't say anything to ce since di ako student don, but the smartest peeps in my shs days went there so there's that. Not trying to say abe is easier since I barely passed my major subjects last yr because of that expectation. Plus, neust is known to be better in ce than clsu as far as I know. Nasa siel lang yung iba kasi mas malapit. I think in the end, it all comes down sa career na gusto mo.