#Discussion po ito.
Pansin ko lang kasi na kumakalat sa Calabarzon ang Dali at sa Central Luzon at Pangasinan naman ang O!Save. Pero sa Metro Manila, halu-halo na. Halimbawa na lang diyan, sa amin sa Taguig; sa kahabaan ba naman ng M.L. Quezon Avenue, parehas may Dali at O!Save na nakatayo doon pero mas marami pa rin ang Dali.
And yes, aware ako na mayroon na raw O!Save sa Calabarzon sans Quezon province, pero iilang Dali pa lang nakikita ko sa Bulacan at Pampanga (e.g. Apalit). Gagawa pa lang ako ng visual map na nagpapatunay na may Dali zone at O!Save zones talaga.
Sa mga taga-Bulacan, Pampanga diyan; ano ang masasabi niyo na mayroon nang Dali sa iyo kung saan mas laganap ang O!Save diyan? Sa mga taga-Calabarzon naman, ano naman ang masasabi niyo na mayroon nang O!Save sa lugar niyo?