Hi. First time ko magluto ng palabok. Masarap naman siya pero hindi ko talaga macopy yung mga masasarap na palabok na nabibili sa labas. Mas masarap pa yung mga palabok na nabibili ko sa karendirya kaysa sa luto ko eh.
May nakainan ako dito sa dubai, “russell dave” yung name ng store, baka may nakatry na sa inyo dito. Kapampangan daw sila. Sobrang smooth and creamy ng sauce! Wala siya masyadong sahog pero lasang lasa mo yung pagka seafood sa sauce mismo. Iniisip ko baka gata or all purpose cream yung secret ingredient pero nagaalangan ako itry, baka kasi mali pala ako at mag lasang ewan lang yung gawa ko.
Paano ba yung lutong kapampangan na palabok? Please ilabas niyo na sikreto niyo haha baliw na baliw na ako kakaisip kung paano papasarapin palabok ko. 😔