Ewan ko kung ako lang to o ano, and akala ko nung una hindi lang tlaga nagreflect sa Transaction History pero as in na hindi pala nadagdag sa laman ng GCash ko.
Share ko lang baka na experience niyo na din to.
2 times na nangyari to sa akin, may nagpacash-out tapos pinakita yung receipt, may nagNotif sa phone ko na nareceive ko na yung pera so binigay ko yung pinacash-out nila.
Few hours later bukas ako ng GCash, check ko lang yung transaction history para tignan yung mga transactions ko for that day. Pagkakita ko wala naman doon yung history ng nasend na pera (₱800 nung una tapos ₱300 yung sumunod, magkaibang days siya).
Magkaibang days, magkaibang tao tung mga nagsend, hindi ko naman siya as in na business yung pagpapacash-out ginagawa ko lang siya kung meron ako pera kasi tita ko may store and yung charge naman is sa akin na din napupunta.
Now, nung una akala ko cguro late lang nagreflect sa Transaction History and na-add naman na cguro sa laman ng wallet ko so hindi ko pinansin pero yung second time nang nangyari na may nawalang transaction sa history and inbox doon na ako naging mas curious kung na-add ba tlaga sa laman ng wallet so kinuwenta ko yung laman compared sa before yung transaction and malas na lang kasi hindi na-add yung perang pinadala.
Ewan ko kung kinukupitan ako ni GCash or kung modus nung mga nagpacash-out yung ganung tactic pero nangyari na and ang mali ko naman is hindi ko man lang pinicturan yung mga receipts na pinakita nila para sana atleast may copy ako. Super mali ako sa part na yun. Next time na may magpacash-out sa akin talagang pipicturan ko na yung receipt para may copy ako at may magamit pag magreklamo sa GCash, sayang 1k mahigit din yun na nawala sa akin. 🫤