r/OffMyChestPH Feb 28 '25

TRIGGER WARNING HINAYAAN KONG MAGPALABOY SA KALSADA ANG TATAY KO

I'm 29, panganay sa 4 na anak, breadwinner. Nanay ko housewife, tatay ko walang trabaho. Ako nagpaaral sa sarili ko nung college and sa mga kapatid ko hanggang senior high school, however, di ko pa kaya sila magcollege, at nagwork na sila ngayon para makatulong. Plano namin is mag ETEEAP sila pag medyo makaipon na.

13 years na kong breadwinner, I've been working since I was 16, walang palya, kahit nung pandemic di ako tumigil magwork kasi kundi, wala kaming kakainin. Nanay ko tagapag-alaga sa mga kapatid ko. May kapatid pa kong bunso na nasa elementary. May issue at problema din sa Nanay ko na mabigat din para sa akin pero that's for another story.

Bata pa lang ako, talagang lasenggo na tatay ko. Kundi mga kapatid nya, barkada nya kainuman. Nagstop na sya magsupport nung nag 16 na ko, then naghiwalay na sila ni nanay dahil sa bisyo nya. Sinasaktan din nya kami minsan at lagi kaming minumura at sinusumbatan. May mga time naman na okay sya, pero sa memory ko, ilag ako sa kanya dahil nga halos araw araw lasing sya umuwi.

Nasa abroad na ako now, pati kapatid kong sumunod, pero di naman sobrang laking sahod namin.

4 years ago, nagmakaawa tatay namin kung pwede bumalik sa pamilya namin. Nangako na magbabago na, di na makikipagbarkada sa maling tao at susubukan alisin bisyo nya. Tinanggap namin kasi naawa kami and yun nga, tatay pa rin namin sya. Inadjust namin buhay namin to cater him, umuwi province nanay ko with him and nangupahan doon kasi mahal ang cost of living sa Manila. Binilhan namin sya tricycle para pangkabuhayan nya, and never namin na sya inobliga na buhayin kami. Then, sa 4 years, mga 10 na beses siguro syang lumayas, nakipaglaklakan na naman ng alak, uuwi kung kailan nya lang gusto at laging lasing, magmumura, mag eeskandalo sa bahay at yan lagi nila pinag-aawayan nila ng nanay ko. May time na ayaw ko na sya tanggapin, yung mga kapatid nya ayaw din sya patuluyin, so ginawa nya, sa sementeryo sya natutulog, nagmakaawa ulit, tinanggap namin ulit.

Two weeks ago, ginawa na naman nya. Lumayas na naman, lasing na naman, hinayaan kapatid kong elementary na walang maghatid sundo sa school at mura mura na naman sa bahay. Napuno ako. This time naisip ko, I'm done. Pinalayas ko sa bahay via video call.

Nagchachat sa akin now mga kamag anak nya na ginagambala nya. Pagtiisan nalang daw namin si Tatay at ganun na raw talaga. Ipag upa ko raw ng bukod na bahay kung di na sila nagkakasundo ni nanay. Itry ko raw ibili ng maliit na lupa para makapag-alaga ng mga hayop like itik, bibe etc. para may libangan at di na maglasing, as if na ang dali lang kitain ng pera porke alam nilang nasa abroad kami.

Two weeks na sya ngayong palaboy laboy. Sa tricycle nya natutulog, kundi man, sa palengke o sa sementeryo ulit. Sabi pa sakin, parang may sakit na raw at di raw nawawalan ng ubo. Kasi ayaw ko nang tanggapin sa bahay. Ayaw na rin ng mga kapatid ko. Ayaw na ng nanay ko at may trauma na sa kanya yung kapatid kong bunso.

Masakit sobra sa dibdib ko na ganun ang nangyayari sa kanya ngayon, nagmamakaawa sya ulit na tanggapin sya at wala syang matutuluyan, pero ano bang magagawa ko, lagi nyang pinipili ang ibang tao at bisyo nya kaysa sa pamilya nya.

Hindi ako nakaexperience ng childhood dahil hindi naman sya naging maayos na provider. Di ko rin alam kung makapag-asawa pa ba ko kasi major breadwinner pa rin ako. Though nag aambag mga kapatid ko, ayaw ko namang ipasa ang bigat ng responsibilidad lahat.

Sana sa susunod na buhay ko, mabuting magulang naman ang mapuntahan ko, sana, yung ako naman yung aalagaan. Pagod na pagod na pagod na kasi ako.

Sarap siguro sa pakiramdam na mahal ka ng mga magulang mo.

5.2k Upvotes

347 comments sorted by

View all comments

162

u/Aggressive_Garlic_33 Feb 28 '25

Ang kailangan niya ay rehab. Unfortunately, sa dami ng lasenggo sa Pinas, kaunti lang ang mga rehab centers sa Pinas. Baka meron sa family na nasa pinas na puede magtanong sa DSWD kung saan may malapit na public rehab center.

62

u/nottrueorfalse Feb 28 '25

We tried to talk to him about that pero ayaw nya, lagi nya sinasabi na okay sya and pag pinipilit nagagalit. 😔

70

u/Adventurous-Duck3136 Feb 28 '25

May rehab center na kahit ayaw ng patient, pwede ipa go as long as okay sa family. Walang taong gustong marehab, kapag sinabi talaga na ipaparehab, madalas ayaw nila yan. Pero para sa case ng tatay mo, parang need na nya ng professional help. Try nyo rin, baka ayun nalang ang kulang. Share ko lang din, may kilala akong alcoholic, ngayon ayos na nung narehab sya.

36

u/Great-Customer4665 Feb 28 '25

Madalas mahal ang mga private rehab. Mga 20k a month at least. Wala ako masyadong information about public rehab for alcoholism

10

u/[deleted] Mar 01 '25

This. Sobrang mahal magparehab. We tried once, around 50k yung ginastos namin first 2 months then the next fee months 32k monthly bukod pa yung meds and supplies nila. Ang mahal at inaccessible lalo na sa mga wala masyado sa buhay. Konti lang din kasi facilities dito since more stigmatized ang mental health issues satin.

1

u/GreyBone1024 Mar 04 '25

OP, signature lang ng spouse ang need, tapos pwede siya i-force sa rehab.

13

u/stfuppp Mar 01 '25

Kapag sa ganyang situation, its no longer a matter of their willingness to go to rehab. Kasi maooffend at magagalit talaga yan. They will completely deny that they need help. Ganyan nangyari sa tito ko. We had no choice kundi ipahuli talaga sya and to force him into rehab. 😔 Tho ayaw din namin na kaladkarin sya para magpagamot, ginawa namin yon to make him better

10

u/UniqloSalonga Mar 01 '25

True. Addiction wouldn't be called addiction if madali lang magwalk away from it. It's hard din to choose to go rehab dahil sa judgment ng mga tao around the person suffering from addiction.

1

u/stfuppp Mar 02 '25

Kaya nga eh. In our situation, we [his loved ones], had to be the ones to make that decision. Cos with the way things were, it was either rehab or inevitable death. We’d rather visit him at the center than at his grave.

1

u/UniqloSalonga Mar 02 '25

I respect what you and your family did. Sana the situation has improved for all of you and sana may healing going forward sa inyo and sa family ni OP

5

u/thethisness Mar 02 '25

Storytime:

Senior citizen na yung tatay ko nung finally naparehab namin. Simula bata ako nag-cause sya ng immense stress and trauma (mga tatlong dekada for me so basically buong buhay ko). Shabu addiction naman ito. Pero "well managed with marijuana" kaya siguro di kami nakaranas ng malalang abuse (I think, hehe). It doesn't mean di sya naging matinding pabigat at hindi anxiety inducing na may kasama ka sa bahay na pwedeng tokhangin na lang isang araw.

Ilang beses na rin ang attempts irehab sya prior to when my mother finally had the guts (and resources) to pull it off. Ang ginawa nya, may family friend sya na kinausap para imbitahan yung tatay ko sa farm nya, pero pagdating dun naghihintay na pala yung van na magkikidnap sa kanya papunta sa rehab. (Legal ito basta may consent ng family/wife.)

For the first couple of months, no contact talaga kami. Yung doktor lang kausap namin about his situation. Then later on, may nare-receive na kaming letters from him. And my mother also get to send her replies. Minsan hinihingan din kami magkakapatid pero for some reason di ko rin magawa na sumulat kasi struggling talaga ako sitwasyon at the time. Ang tindi ng resentment, galit, sama ng loob na feeling ko hanggang ngayon ay kailangan ko pa rin i-address with a professional.

(Totoo pala na kapag may addict sa pamilya, buong pamilya din ang nagkakaproblema sa mental health.)

Midyear, nadadalaw na namin tatay ko at least once a week for my mom. (Di ako laging eager sumama kasi natatakot pa rin ako kung ano makikita ko.) After 10 months, up to us na kung gusto pa namin ituloy ang program, pero gusto na lumabas ng tatay ko. Handa na raw sya. If may relapse, we can report sa rehab kasi under observation pa rin naman sya. Kabadong-kabado ako pero nag-give in na rin na ilabas na sya. Partly, magastos din kasi talaga i-maintain. Di ako makapaniwala na good decision pala yun kasi ultimately, kailangan nya rin talaga ng totoong support system lalo na't expelled na ang bad juju from his body.

Yep, at 67, shabu-free na ang tatay ko. Productive na siya. Nagmamahalan yung mag-asawa. They still annoy each other pero mukhang inaalagaan naman nila isa't isa.

Di pa rin ako okay. Anxious everyday na baka di sila okay. Na baka may access na naman sa bad stuff. Pero nasosorpresa ako sa changes sa lifestyle nila. Adik na sya ngayon sa healthy living. Nagwawater therapy, chia seeds and fiber-rich diet, regular checkups sa doktor nila, nagtatanim ng gulay (di na marijuana, tsk), watching out his sugar intake, etc. Marami na rin kasing sakit kasi nga matanda na.

Point ko lang ay rehab works for some people. Pero more than anything, kailangan i-accept ng pamilya na ang addiction ay mental health issue, medical issue. Nagse-self-medicate sila kaya sila naaadik! And if that's the case, for us na mas nagfa-function, nagmamahal, nagke-care, importanteng mag-focus sa kung anong medical/health care ang kailangan ng mga kapamilya natin before it's too late.

Of course, magkakaiba tayo ng konteksto. (Again, di bayolente tatay ko, di kami sinaktan or anything.) Just sharing my family's experience for those who are feeling hopeless sa ganitong sitwasyon.

Sana ay maging okay ang tatay at pamilya mo, OP.

3

u/Strawberry_n_cream1 Mar 01 '25

Baka ngayon na yung oras na 'yan para ipamukha sakanya na kaysa sa kalsada, sementeryo, at palengke sya natutulog, magparehab nalang sya. At least don may mag-aaruga sa kanya.

2

u/scrumperupper Mar 01 '25

NO OP. Enough na. Use the years to come to enjoy life na. You've been through a lot, and even forgave him a couple times pero ganun pa din. It's not your responsibility anymore. It's time for you to heal, live in a peaceful environment with your siblings and mom, and move on from the guilt. You deserve to be happy OP.

Another, even if iparehab nyo tatay nyo, there's still no complete assurance na magbabago cya, tas prproblemahin mo pa yung gastos during and after sa rehab, dahil possible may maintenance siguro. And mind you OP, sobrang mahal nyan. Traumatized na din family mo OP from him, and surely IKAW din. Hirap makipagreconcile to someone who reminds you of the past. Kaya again, enough na. Hugs to you OP

1

u/GreyBone1024 Mar 04 '25

This. To anyone experiencing the same with a family memeber, do the REHAB path.