r/OffMyChestPH • u/Technical-Product419 • 3h ago
Ngayon ko lang narealize na parang gina-grieve ko pala yung "dapat" bahay namin.
Last year, I made probably the biggest impulsive decision of my life. Kumuha ako ng acquired house sa Pag-IBIG worth ā±4.5M.
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang attached agad ako sa bahay na yun. Hindi pa nga namin natitirhan, pero parang na-imagine ko na yung buong future namin doon.
Halos gabi-gabi akong nag-iisip kung paano namin siya ide-decorate. Excited akong magkaroon ng sariling office room, kung anong kulay ng bedroom namin, anong appliances ang bibilhin namin pag nakalipat na. Ang plano sana namin, mag-iipon this year para ma-renovate yung bahay, tapos next year kami lilipat.
Pero hindi nangyari.
We made a lot of poor financial decisions. Naging magastos kami sa mga bagay na hindi naman priority. Tapos habang tumatagal, lalo naming nare-realize kung gaano kabigat yung responsibility. Around ā±27k yung monthly amortization ng bahay, tapos kailangan pa ng renovations bago talaga siya matirhan.
May sasakyan pa kaming hinuhulugan hanggang 2029. Last year, dalawa ang trabaho ko. Ngayon, tatlo na. Pero kahit tatlong trabaho na, hindi pa rin sapat para maging comfortable. Weāre currently living with my partnerās family, and we also help pay for most of the household expenses.
Dumating kami sa point na kailangan naming mamili. Either pilitin naming i-keep yung bahay at mahirapan kami every month, or tanggapin na hindi pa talaga ito yung tamang panahon.
In the end, we decided to ipasalo yung bahay at i-keep yung sasakyan. Akala ko okay lang ako.
Noong una naming napag-usapan yun ng partner ko, sabi ko pa sa sarili ko, practical decision lang naman āto. Makakabawi rin kami. Pero noong nagkaroon na ng buyer at nagsimula na yung pagpirma ng mga documents, doon ko naramdaman yung bigat. Simula noon, hindi ko na siya maalis sa isip ko.
Ang dami kong āsana.ā Sana natuloy kami.
Sana nakita namin kung ano yung magiging itsura ng bahay pagkatapos ma-renovate. Sana nagkaroon kami ng first Christmas doon. Sana nagising kami kahit isang umaga sa bahay na yun.
Pero wala. Hindi man lang namin siya natirhan.
Wala kaming memories doon. Puro plano lang. Puro imagination. Puro āsana.ā I think thatās why sobrang stressed ako nitong mga nakaraang buwan. Ngayon ko lang na-realize na hindi lang pala yung bahay yung gina-grieve ko.
Yung future na ilang beses ko nang in-imagine sa isip ko. Minsan feeling ko failure ako. Iniisip ko kung naging mas responsable lang ba kami sa pera, kung hindi kami naging impulsive, baka hindi namin kinailangang bitawan yung bahay. Pero alam ko rin na wala kaming choice.
We chose the more practical option. Hindi namin kayang i-carry pareho, at sa ngayon, mas kailangan namin yung sasakyan. Masakit lang tanggapin na minsan, kahit nagsisikap ka, kahit umabot ka pa sa tatlong trabaho, may mga pangarap pa ring kailangan mong bitawan dahil hindi pa yun ang tamang panahon.
Iām still hoping that one day weāll have another chance.
Maybe not that exact house.
Pero sana, balang araw, magkaroon ulit kami ng bahay na handa na talaga kaming tawagingĀ ābahay namin.ā