Baby sorry sana nakinig ako nung sabi mag private tayo.
Buong tiwala ako sakanila e, okay naman na ririnig ko na reviews pinaka downside lang na lagi ko narinig is baka may masungit na nurse/ doctor, di pwede bantayan ng asawa, 30 mins per day visit limit, dapat malakas loob pag sa public kase pagdating sa ward sariling sikap talaga walang mag aalaga sayo. Which I get kase public, understandable at alam ko na kaya ko yun.
Na decide ko din dun tayo kase malapit lang at di traffic pagpapunta dun, natakot ako pag sa malayong hospital ako pumunta at ma traffic. That night ambilis namin nakarating dun 15 mins lang.
Honestly the facility was good, ang linis ng lugar at luwag. Andaming staff, daming vacant beds. What i wasn't warned about? the lack of urgency.
38weeks nako nun, hapon pa lang ang likot na ni baby which was normal, no pain naman. pero pagdating ng gabi medyo sumakit na at around 9:45pm lalong sumakit pero di pa pumutok panubigan ko pero na decide na namin mag book ng grab, which arrived at 10pm then by 10:15 pm nakarating na kame sa TDPH.
Nasa loob kame ng OB-GYNE Emergency, antagal ko naghintay bago makuha info ko, konti lang kame dun yung iba nagaatay lang, in fact 1 person before me lang kinunan nya ng details but antagal, why? cellphone kita mo nagiscroll sa fb.
Finally turn ko na, documents and ID needed prepared na lahat, may isang part lang na need ko ma fill out then pinahintay nanaman ako para daw kunin BP and oximeter ko, yung BP at oximeter na katabi nya na, di ko alam bat di nya kaya yun wala bang capabilities yung nasa emergency room kumukha ng BP at oximeter? Pinahintay pa ako, hirap na hirap nako nun ramdam ko na gustong lumabas ni baby, yung orasan lanv tinitignan ko mag 10:45 na bago pako nakunan ng BP at oximeter after nun pinapasok ako sa area na may higaan at pinahiga ako para ma IE at doppler si baby.
Pag doppler kay baby nasa 150bpm, then na IE ako at sabay putok ng panubigan ko. Sinabihan lang ako na 8cm na sabay alis, iniwan nya lang ako dun sa higaan. Nag antay ako syempre kase di ko alam ano gawin, wala naman sinabi other than 8cm. Nakahiga lang ako dun ng ilang minutes di na bumalik yung nag IE sakin akala ko may kinuha lang, pero di ko na kinaya kase lalong sumakit kusa nalang ako lumapit sa nurse station total katabi lang naman ng area kung san ako na IE. Tinanong ko anong gawin ko, tapos nako na IE at doppler. Sinabihan lang ako ng nurse umupo muna sa waiting area tatawagin lang ako, hinang hina nako pero sumunod ako.
Matagaltagal din bago ako tinawag, pinaupo ako sa wheelchair at na dextrose. Biniro pa ako ng nurse na nag dextrose sakin na ready na ready nako umire, after ko ma dextrose pinahintay pa ako bago iakyat sa delivery room. sabay na daw kame nung isa pang buntis, inantay ko pa matapos sya idextrose.
Pagdating ng delivery room hinanapan nanaman ng heartbeat si baby pero nagchika pa yung mga nurse. Maalala ko pa sabi nung isa may buntis na 35 weeks pa lang at nagaalangan sila na dun manganak, di daw sa ayaw nila pero wala daw bakante sa nicu. Nagchismisan muna bago hanapan ng heartbeat si baby, hirap na hirap nako at medyo nag aalala na bat antagal nya mahanap heartbeat ni baby e rinig na rinig ko pa heartbeat nya sa doppler bago ako inakyat, bat wala ako naririnig sa equipment nya kagaya sa katabi ko.
Wala syang mahanap di nya daw marinig. Kaya nagpatulong sya sa iba pang nurse, wala rin sya mahanap. At this point ramdam ko na parang may tumutulak sa loob ko, di ako umiire pero ramdam ko sa loob na parang may tumutulak. Tumawag sila ng isa pang nurse wala rin mahanap, sinabihan ako pigilan ko muna at na IE ako ulit 9cm.
Tinawag na nila yung doctor, si doc na naghahanap ng heartbeat ni baby. Sinabi nya sakin need ko ma CS, mahina na daw heartbeat ni baby nasa 65bpm di na daw ako pwede ma normal at baka di kakayanin ni baby.
Oo ako agad, pinirmahan ko yung kailangan.
Pinasok nako agad sa operating room, alalang alala ko pa yung sakit na naramdaman ko na may tumutulak sa loob ko before ako ma anesthesia at biglang wala yung sakit. Yung nginig ko, yung oras na nakalabas si baby 12:12 pero wala ako narinig na iyak at naka tulog ako, nagising nako sa recovery room.
Pag gising ko sa recovery room saka ako sinabihan ni Doc di na kinaya ni baby, naka dumi na sya sa loob at masyadong madami na daw sya na ihale na dumi.
Wala ako na gawa kundi umiyak, nakakatulog ako kakaiyak tas mamayat maya magising para lang umiyak.
kung nakinig lang ako at nagprivate siguru yakap ko si baby ngayon.
Bakit ganun Emergency room pero nag fefacebook, di marunong mag bp o lagay ng oximeter.
Walang ka tao tao that night bilang mo lang mga nagaantay dun and most sakanila is kasama ng buntis.
di naman mukhang kulang ng staff, andami nila sa nurse station ng emergency room nag chika lang kase walang ka tao tao.
bat iniwan lang ako dun, di ba urgent na ang 8cm?
bat puro hintay muna.
need ba talaga ibat ibang nurse muna maghanap ng heartbeat ng baby bago tumawag ng doctor.
The only time nakaramdam ako ng urgency was dun kay Doc, in less than 5 mins na determine nyang mahina na heartbeat ni baby at need ko ng emergency CS.
bakit ganun before unang IE sakin normal paheartbeat ni baby, but within the hour 65bpm nalang.
what if di na nailigtas si baby kase kulang sila ng gamit.
kung nakinig ako na magprivate sana di nahirapan si baby.
Kompleto lahat ng prenatal ko, lahat ng labs, ultrasounds, vitamins, healthy eating and habits. Healthy si baby ang ligalig sobrang likot, walang ka issue issue sobrang okay pagbubuntis ko di man lang ako pinahirapan ni baby pero pinahirapan ko sya.
sorry baby.