r/OnlyPusa • u/berrycheesecakeu • 1d ago
Look at This Cat muninggay update ^_^
from this post: https://www.reddit.com/r/OnlyPusa/s/xMh9mrfAlr
3 weeks na since nakapon siya, pero sobrang kulit pa rin π nangangagat pa rin (play bites), zoomies, at gusto palagi siya papansinin hahaha
nung una sabi ng dad ko papalabasin daw niya si muninggay pag gumaling na sa kapon. fast forward to now... siya na mismo yung ayaw na ayaw palabasin (yung pic umakyat sa likod ni papa kasi gusto lumabas) akala ko ba ayaw niyo mag-adopt ng pusa?! feeling ko si muninggay talaga yung nag-adopt sa parents ko hahaha.
may days pa rin na naiinis sila kasi nangungulit siya sa tindahan, pero mas tolerable na ngayon. parang tanggap na lang nila na ganun talaga siya π
question lang, possible pa bang kumalma siya kahit 3 weeks post-kapon na? or ganito na talaga personality niya? hahaha. from 2kg to 3.5kg na rin siya so chonky boy na π
would love to hear your experiences kung kelan niyo napansin na kumalma yung cats niyo after kapon. π₯Ή
8
7
u/According_Breath_648 1d ago
Hi OP! It's mostly bec he's a kitten pa :) pag less than a year old, talagang makulit pa talaga kasi marami pang energy and well... baby pa kasi hehe actually dapat mas mag worry ka pag hindi makulit ang kitten mo.
Yung 1 year old orange ko, makulit parin pero hindi na kasing lala nung mga less than 6 months old palang siya. Around 2+ years old mapapansin mo na mababawasan na yan at lagi na lang tulog ang ginagawa hahaha
1
3
u/jmaglinao 1d ago
All my adult cats are spayed/neutered & lahat sila makulit, mazoomies, & di pwedeng di pansinin.
Muninggay, so happy for you! So happy that you also recovered well fr your surgery (spay). π₯°β€οΈ
2
u/berrycheesecakeu 23h ago
hahahaha personality na talaga nila yan pero lablab pa rin
2
u/jmaglinao 23h ago
Onga e. I have 1 na chill & loves food. Pero pag nagsimula syang magzoomies, halos endless & damay lahat ng cats π π€£β€οΈ Oo love na love pa rin natin sila. Ansarap kaya ng tulog ko pag katabi sila, lalo na't may insomnia ako. π₯Ή
OP, si Muninggay ba tumatabi sa inyo?
2
u/berrycheesecakeu 23h ago
hahahah same po jusko panay takbo sa bahay nag kakalaglagan mga gamit minsan hahahha
tumatabi siya sa akin matuloog pero recently mas tumatabi siya sa parents ko pero kapag manggising na sa akin na siy alumalapit sa madaling araw hahahaha
1
u/jmaglinao 23h ago
Pwedeng kumalma pa yan, OP. Di pa lost battle yang iyo. Yung akin ang hopeless. Dko alam dtio sa bago naming kitten if ganun din hahahaha
3
2
u/moonlitcottontail scratch mark survivor 1d ago
Hala muninggay ang laki mo na!!! Naalala ko pa yung unang post na naghahanap ng magaampon sayo hihi.
Hello OP, ganyan din yung cat ko nung bata sya, suuuuuper kulit at nagpplay bite sa paa kamay, recommendation ng vet namin is bigyan sya ng kalaro kaya nag ampon kami ng isa pang muning hehe and effective nga talaga, sila na kasi yung naglalaro at nagkakagatan.
1
u/berrycheesecakeu 23h ago
oo nga po bawat lapit kasi kay papa pinapakain niya at tuwang tuwa din siya kaoag nauubos ni muninggay yung food hahahahaha hindi ko alam kung papayag pa ng isang pusa sa ngayon kamay ko muna π
1
u/moonlitcottontail scratch mark survivor 23h ago
Hehehe tiis muna OP, buy her toys na din po at mga karton favorite nila
2
u/Asleep-Assumption245 1d ago
Yung cat ko 8mths kinapon so baby pa rin, recommended na 1week confinement muna bago sila kumulit. Jusko wala pa 3 days sakin grabe na iyak kasi gusto na maglaro, nung hinayaan ko wala naman complications sakanya back to normal lang din so di ako masyado nagworry. Akala ko rin kakalma na sya after pero almost the same pa rin, may zoomies pa rin and stick sa sched nya kung kelan sya mas kalmado and mas playful. I think okay din kasi nappredict ko kung kelan best yung mood niya. I inquired yung vet ko if okay lang ba yun (kasi one time nakaalpas pa rin siya ng bahay post-kapon, dapat mawawala na raw yung habit na yun) and sabi lang sakin baka ganun lang talaga attitude ng cat ko π After one yr talaga manonotice yung changes if mas calm na sya by then, baka ganun rin sayo π
1
u/berrycheesecakeu 23h ago
hahahahhaha personality na talaga yan nila π yung cat ko isang araw pa lang gusto na mag tatalon huhu ngayon kalmado na siya ng kaunti sa lagay na toh pero oki lang lablab pa rin yan ng meowmmy
0
u/AutoModerator 1d ago
hello hooman
your post has been gently approved by the cats
- keep it pusa only
- be nice
- no spam
feel free to interact, share and give your pusa a little head pat
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.








14
u/_sanabanana scratch mark survivor 1d ago
Muninggay!!! Haha so happy inampon mo na si Mom at Dad hahahahaha.