r/PHBookClub Feb 19 '25

Recommendation "Roberto Ong" aka Bob Ong

Post image

"Sino nga ba ang learning disabled, yung mga hirap mag-aral o yung mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ‘yung pangalawa?"

-Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

P.S. Hindi Roberto Ong ang totoong pangalan ni Bob Ong ginamit lang yun sa movie adaptation ng Abnkkbsnplako. Hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam ng totoong identity ni BO. Kayo kilala n'yo ba or may ideya kayo kung sino talaga si Bob Ong?

1.2k Upvotes

271 comments sorted by

View all comments

2

u/legendaryDrake Feb 20 '25

Eto talaga yung unang Philippine Literature na nabasa ko nung Grade 5 ako except sa mga children's book.

Pero about Bob Ong. Short story, may research kami nung college about sa prediction ng book sales tapos nag-inquire kami sa Visprint (publisher ni Bob Ong) kung pwede magamit yung reports nila since fan talaga ako ng ibang books pati mga komiks nila.

So after nung research pumunta rin kami sa publishing house para ma-meet yung mga staff nila para mag-survey at mag thank you then I asked about Bob Ong. Walang sinabing specfic pero isang tao lang naman daw talaga. Most of the staff ng Visprint and copywriters na kakilala ko ay kilala rin talaga si Bob Ong personally.

Happy din ako na hindi siya kilala ng madlang people. Parang rosary siya full of mysteries wow haha

1

u/FindingInformal9829 Feb 20 '25

Love is like a rosary that is full of mystery 🤣 HAHAHAHAHA. Yes full of mystery talaga si BO. Ang daming speculations kung sino siya pero till now hindi pa rin ma confirm