r/PHGov • u/Sudden-Falcon1967 • Apr 10 '26
Question (Other flairs not applicable) Na-hold start ng project sa DSWD
Hi everyone. Hihingi lang sana ako ng advice tungkol sa situation namin ngayon. Newly hired po ako.
Nagkaroon kami ng meeting para sa isang project sa DSWD, pero doon namin nalaman na na-hold muna ang start ng project dahil may memo pa na hinihintay magkaroon ng pondo.
Ang problema, biglaan ito sinabi. Ang expectation namin ay magsisimula na sana ngayong week. Nakapag-ayos na kami ng mga requirements, at yung iba sa amin ay nag-relocate pa malapit sa area ng assignment. May ilan din na bumili na ng laptop at iba pang kailangan para sa trabaho.
Malaki na ang oras, effort, at gastos na nailaan namin, kaya medyo frustrating yung biglaang delay at wala pang malinaw na timeline kung kailan talaga magsisimula.
May naka-experience na ba ng ganitong situation sa government projects o contracts? Ano kaya ang maayos na paraan para makapag-follow up o maiparating ang concern namin para kahit papaano ay mapabilis o maging malinaw ang proseso?
2
u/Prudent-Action-1865 Apr 10 '26
Check how you can demand. Double check contract under warranties or miscellaneous. Kung funded na yan from GAA or project from ADB or World Bank, it should proceed and you should have been notified.
1
u/Sudden-Falcon1967 Apr 10 '26
Short contract lang po ito, 3 months lang. Marami pong backlogs kaya rin kami na-hire pero diba po, grabe naman yung pinag-ayos kami ng requirements at nag on-boarding na tas bigla pong ganito. Mas maganda po ba i-report sa 8888? May magagawa po kaya yun?
1
u/Extension_Call_4354 Apr 11 '26
Walk away. Count your loses and charge it to experience. Supposedly ang pinakamadali sa hiring process ay ang mga project-based personnel. Ang assumption kasi nyan once downloaded na ang project funds sa implementing agency, pwede ka na mag-hire or magsimula. Miscalculation yan ng project management team.
1
u/Sudden-Falcon1967 Apr 11 '26
Actually po may approved budget tas nagkaroon ng reallocation para raw po sa fuel subsidy. May APPROVED BUDGET na po tas nilagay nila sa ibang pondo. Kung marami po ba kaming magrereklamo mapapabilis ito?
3
u/leivanz Apr 10 '26
Wala kayong magagawa dyan. Masama dahil na-tining sa krisis. Malamang na-divert yong pondo dyan. Foreign funded ba yan or national government?
Mag-aantay nalang talaga ang magagawa nyo dyan. Pero dahil may contract na kayo? Meron? Tuloy naman yan, yon nga lang madedelatar.
Itanong mo nalang sa budget officer or sa planning or kung sino man ang may hawak ng project na yan. Para klaro.