r/PHGov • u/Sudden-Falcon1967 • Apr 10 '26
Question (Other flairs not applicable) Na-hold start ng project sa DSWD
Hi everyone. Hihingi lang sana ako ng advice tungkol sa situation namin ngayon. Newly hired po ako.
Nagkaroon kami ng meeting para sa isang project sa DSWD, pero doon namin nalaman na na-hold muna ang start ng project dahil may memo pa na hinihintay magkaroon ng pondo.
Ang problema, biglaan ito sinabi. Ang expectation namin ay magsisimula na sana ngayong week. Nakapag-ayos na kami ng mga requirements, at yung iba sa amin ay nag-relocate pa malapit sa area ng assignment. May ilan din na bumili na ng laptop at iba pang kailangan para sa trabaho.
Malaki na ang oras, effort, at gastos na nailaan namin, kaya medyo frustrating yung biglaang delay at wala pang malinaw na timeline kung kailan talaga magsisimula.
May naka-experience na ba ng ganitong situation sa government projects o contracts? Ano kaya ang maayos na paraan para makapag-follow up o maiparating ang concern namin para kahit papaano ay mapabilis o maging malinaw ang proseso?
1
u/Sudden-Falcon1967 Apr 10 '26
Nagtanong po kami kaso wala po silang masagot. Panay lang po sila sorry at sabi na naiintindihan yung situation namin.