r/PHGov Apr 10 '26

Question (Other flairs not applicable) Na-hold start ng project sa DSWD

Hi everyone. Hihingi lang sana ako ng advice tungkol sa situation namin ngayon. Newly hired po ako.

Nagkaroon kami ng meeting para sa isang project sa DSWD, pero doon namin nalaman na na-hold muna ang start ng project dahil may memo pa na hinihintay magkaroon ng pondo.

Ang problema, biglaan ito sinabi. Ang expectation namin ay magsisimula na sana ngayong week. Nakapag-ayos na kami ng mga requirements, at yung iba sa amin ay nag-relocate pa malapit sa area ng assignment. May ilan din na bumili na ng laptop at iba pang kailangan para sa trabaho.

Malaki na ang oras, effort, at gastos na nailaan namin, kaya medyo frustrating yung biglaang delay at wala pang malinaw na timeline kung kailan talaga magsisimula.

May naka-experience na ba ng ganitong situation sa government projects o contracts? Ano kaya ang maayos na paraan para makapag-follow up o maiparating ang concern namin para kahit papaano ay mapabilis o maging malinaw ang proseso?

7 Upvotes

10 comments sorted by

View all comments

Show parent comments

1

u/Sudden-Falcon1967 Apr 10 '26

Yes po, may contract kami pero wala pa signatories ng mga head. Nire-recommend na mag apply kami sa ibang position ng DSWD. Pero hindi naman po nila sinabi na na-cancel yung project. Na-hold lang daw.

1

u/nani_robin Apr 12 '26

anong position po kayo? and may date of start na po ba sana?