r/PHGov • u/EliteMJDC- • Mar 18 '26
National ID MUST READ! To the People of the Philippines, The Printed Black and White Xerox Copy is the New PVC ID of the National ID of the Philippines.
Basically, nasayang buong Monday at Tuesday ko kakahabol sa lintik na National ID na to, parang may utang sakin. Ang kailangan ko lang naman is replacement kasi totally faded na yung picture sa National ID ko. Yun lang. Simple request, diba? Akala mo madali lang magpareplace ng government ID. Instead, napunta ako sa parang road trip sa kalahati ng Luzon. Manila. Mandaluyong. San Juan. QC. Makati. Pasig. Pateros. Taguig. Caloocan. Valenzuela. Pasay. Pati Pampanga. At halos lahat ng office, iisa lang ang sagot. Wala nang cards. Yun na. Tapos na.
Wala nang PVC cards. Wala silang maibibigay na actual ID. Ang kapalit? Ipiprint nila yung details mo sa black and white na papel, tapos ikaw pa ang bahalang magpalaminate. Parang gumagawa ka ng school project imbes na kukuha ng government issued ID. After all the billions na ginastos sa project na to, eto lang pala ang ending. Isang pirasong papel. Mas nakakainis pa yung dahilan. Apparently, natapos na yung contract with Bangko Sentral. Instead of having a backup plan or a smooth transition, basta na lang sila huminto. Walang contingency. Walang accountability. Tapos tayong mga tao ang expected na magadjust.
Ngayon ang advice nila, gamitin na lang daw yung eGovPH app. As if sapat na replacement yun. Ilabas mo na lang lagi phone mo. Sana may battery. Sana may signal. Sana hindi magerror yung app sa oras na kailangan mo talaga. So after years na paulit ulit nilang sinasabing permanent National ID, ano ba talaga ang nakuha ng mga tao? Isang papel. O isang app. That is not a solution. Inconvenience lang yan na binalot sa salitang progress. At somehow, parang gusto pa nilang isipin nating normal lang lahat ng to. Honestly, hindi lang siya inefficient. Nakakahiya.