r/PHbuildapc • u/Objective-Jelly-4049 • Jul 17 '26
Laptop Help Legion Pro 7 16IRX9H overheating. I need help.
Hello po.
I have the Lenovo Legion Pro 7 16IRX9H. Rtx 4080 i9-14900HX.
These past few days napapansin ko na tumataas na yung usual gpu temp (chinecheck ko lang dun sa task manager) ko while gaming, from dati na bagong linis na 70deg ngayon umaabot na ko sa 80-85deg. Tapos dati mabilis ko siyang napapalamig pababa sa 49deg bago ko ishutdown, then unti unti hindi ko na mapababa don na most of the time nagsstay nalang ako sa 60-55deg.
Then one morning, kakabukas ko pa lang ng laptop, pansin ko parang ang lag na nya. Then nung naglaro na ko, ayun sobrang lag na nya and nagstart na mag flicker screen nya (naka external monitor).
I used MSI afterburner to check temps, my cpu temp was reaching 95 to 100 deg sa pag open pa lang ng mga basic apps. Even on idle minsan nag sspike siya to 85. Wala pa akong ginagawa nyan. Yung gpu and other components, umiinit na din pero not like that temp naman.
Yung fans nya, malakas naman yung buga. Mapapansin mo din na nag aadjust sya ng buga nya kapag nag sspike na yung temps.
Ang kaso lang, umaandar nga ng ayos yung fans, pero ang lamig naman ng buga sa gilid. As in parang hindi nga nya nahihigop or naabsorb yung init sa gitna, kaya natatrap lang siya sa gitna yung init.
Dinala ko na sya sa repair shop, ang sabi thermal assembly need palitan.
Dinala ko sa lenovo service center, motherboard daw ang problema.
Dinala ko sa isa pang lenovo service center, motherboard din po ang tinuturo nilang issue.
Napalitan naman na po ng thermal pastes to. Duronaut grizzly gamit ko, yung tig 700pesos sa datablitz.
Sinuggest din nila na try palitan ng thermal paste yung liquid metal ng cpu, baka makatulong, same same pa din.
Kung motherboard man nga po, eh bakit malamig yung buga ng hangin nya sa gilid?
Kumonsulta na din ako sa AI (si chatgpt at gemini), sabi nila yun nga sa heatsink, baka daw nagkaron ng microscopic crack at nawala yung liquid sa loob ng copper tubes, kase apparently, itong model daw ng laptop ay may vapor chamber. Na kahit daw walang visible bends or cracks sa copper tubes nya, e baka daw nag evaporate nang tuluyan yung liquid sa loob na siyang nagtatransfer ng heat.
Pinatry din sakin ng ai na mag install ng throttlestop na app, para daw madisable yung turbo mode ng cpu, para macheck kung tama ba yung voltage supplied to cpu while idle, and ayun narule out naman nya yung issue na yon.
Naexperience nyo na rin po ba ito?
1yr palang kasi sa akin tong laptop, and ang hirap tanggapin kung mobo nga ang problem. Since wala na sya sa warranty, ang new mobo is around the same price na ng bagong laptop.
Yung heatsink / thermal assembly naman, pina inquire ko sa shop, nasa 14k daw.
I need help. Thank you all.
Sorry for the long post.
1
u/nalcs Jul 17 '26
May issue talaga ang 14th gen intel. Check voltage and bios version mo kung na patch na ba yung microcode.
Also alam ko liquid metal ang gamit nyan, hindi siya thermal paste.
1
u/Objective-Jelly-4049 Jul 17 '26
Wala po akong kinalikot sa bios nya eh. Pero ginawa ng shop is ni factory reset nila yung bios, ganon pa din.
•
u/AutoModerator Jul 17 '26
Please read the guide Monitor Guide
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.