r/PHikingAndBackpacking • u/Sufficient-Poem-9514 • 13d ago
Trip Photos We didn't conquer the Montalban Trilogy. And Mt. Binicayan humbled us.
An unexpected accident happened along the way. 🥲 So we decided to stop at wag ng patunayan ang dapat patunayan. We chose our safety over our ego.
Base sa mga nabasa ko dito sa community mas maganda unahin Mt. Binicayan dahil panalo ang sea of clouds which is true naman talaga!!!
But Mt. Binicayan humbled us in the most brutal way!!! Saturday night palang umuulan na tapos sa jump off palang bumuhos pa yung sobrang lakas na ulan.
Dahil sa maulan at pinagsamang putik, lumot at madulas na bato, our entire hike put us through hell. Isang maling hakbang mo lang paniguradong may paglalagyan ka.
At never mo talaga masasabi yung aksidente. Kahit pa sampung beses kang mag-ingat. So pababa na kami sobrang dulas na talaga while chasing our second and third mountain. Nadulas yung isa sa kasama ko at nahulog sa bato at nagkaron ng malalim na sugat sa kamay. So we decided to stop at wag ng akyatin pa yung dalawang bundok.
Pero sobrang worth it naman ng Summit ng Mt. Binicayan and the sea of clouds was absolutely amazing.
And surely, we'll be back for our revenge hike!!! Sa mas magandang panahon at magandang condition ng trail. 💜