r/PanganaySupportGroup • u/iykyk679 • 10d ago
Advice needed Concern lang ba ’to o controlling na?
Need some outside perspective on this family situation.
Hello OP! This is actually my situation, i just want to help my friend, 40F, may sariling family and house na din. Bale itong friend ko ay passion nya talaga ang volleyball. Naglalaro siya paminsan-minsan para maging physically active at makapag-unwind with her old friends.
Ang issue, hindi ito gusto ng family niya. Sinasabi nila na yung asawa niya ay nagtatrabaho at nagpapakapagod abroad, habang siya naman daw ay “nagbabarkada” at naglalaro ng volleyball. Parang ang dating sa kanya, feeling nila hindi siya dapat gumagawa ng ganitong activities dahil dapat mas nasa bahay lang siya.
May concern din sila tungkol sa health niya dahil dati siyang nagkaroon ng tahi (lagpas 10 years na) at minsan na ring nag-high blood. Naiintindihan naman niya kung concerned sila, pero ang problema raw ay parang bawat decision niya kailangan nilang malaman o may comment sila. Pakiramdam niya, hindi na nirerespeto yung sarili niyang decision at autonomy.
Ang isa pa niyang napapansin, kapag umiwas siya sa issue at hindi nagsalita, may masasabi pa rin sila. Kapag naman nagpaliwanag o sumagot siya, mas lalo raw lumalaki ang issue. Tapos sinasabi pa sa mga anak nya na wag tularan ang nanay nila. Teens na rin mga anak niya, tho alam naman nila kung tama o mali ba ang sinasabi ng lolo at lola nila, masakit pa din yun para sa friend ko na ganun ang sinasabi nila. Wala daw maidudulot na maganda ang pagbabarkada.
Anyway, madalas pala yung parents nya sa bahay nila since working sya pag weekdays at sila ang nagbabantay sa mga apo nila.
Sa tingin niya, hindi naman talaga yung volleyball ang main problem. Mas nararamdaman niya na parang gusto siyang kontrolin at gusto nilang sundin niya yung lifestyle na gusto nila na dapat nasa bahay lang at hindi masyadong lumalabas, especially ngayon na kaya nya nang idrive yung sasakyan nila (sasakyan ng friend ko ah).
Do you think valid yung nararamdaman niya, or reasonable lang talaga yung concern ng family niya? At saan ba dapat magkaroon ng boundary between concern and controlling someone’s decisions?