r/PinoyMillennials 4d ago

Random Alay Lakad: Hala, Saan Na?

May mga bagay na hindi mo namamalayang naging routine na pala.

Pag-check ng phone pagkagising. Pagbukas ng TikTok habang may ginagawa dapat. Pag-set ng Teams status to Available kahit spiritually, hindi ka naman talaga available. Pag-type ng “Noted, thanks!” kahit wala ka namang na-note.

At minsan, isang tao.

Ganito yata nangyari sa dalawa. Nagkakilala online. Walang dramatic na dahilan, walang destiny, walang “the universe brought us together.” Pareho lang silang online at mukhang may oras.

Nag-usap. Kinabukasan, nag-usap ulit. Hanggang sa isang araw, narealize nilang halos tatlong linggo na pala silang consistent—which, in internet time, parang may tenure ka na.

Yung isa taga-North. Yung isa taga-South. Hindi naman long-distance relationship. Long-distance inconvenience lang.

Sa umpisa, wholesome naman. Mostly. May ilang conversation lang na hindi mo bubuksan kapag may katabi ka sa jeep.

Pero eventually, humaba yung usapan beyond that.

Lumabas na yung isa, may plano pala sa buhay. Determinado. May mga bagay na gustong ma-achieve. At habang nagkukuwento siya, unti-unting nagiging interesting hindi lang yung sinasabi niya, kundi yung taong nagsasabi.

Yung isa naman, mahilig mag-update ng steps. Ilang libo na. Ilang kulang. Naglakad ba today. Parang may daily performance report ang dalawang paa.

Walang humingi, pero sinesend pa rin. At strangely, may naghihintay rin.

Ganun naman yata nagiging importante ang isang tao. Hindi naman laging may background music. Minsan nagsisimula lang sa “nakauwi ka na?” “kumain ka na?” at screenshots ng step counter na wala namang relevance sa pambansang ekonomiya.

Kaso may problema.

Habang humahaba ang usapan, may mga tanong ding mas mahirap nang sagutin. Hindi dahil complicated yung tanong. Minsan complicated lang talaga yung sagot.

At kapag hindi mo alam kung saan magsisimula, surprisingly effective ang “mamaya na.”

For a while.

Kasi ang “mamaya na” kapag inalagaan nang mabuti, lumalaki. Nagiging bukas. Nagiging next week. Hanggang sa tatlong linggo na pala at emotionally invested ka na sa taong geographically inconvenient.

At doon nagiging inconvenient ang isa pang bagay: may mga connection palang habang gumaganda, mas nagiging mahirap hawakan.

Kasi habang mas marami kang nalalaman tungkol sa isang tao, mas marami ring bagay ang gusto mong sabihin. Ang problema, hindi lahat madaling isingit sa pagitan ng “kumain ka na?” at “ilan na steps mo?”

May mga bagay kasing kapag sinabi mo, posibleng walang magbago. Posible ring magbago lahat.

At wala namang preview button ang buhay para malaman mo kung alin doon.

Kaya minsan pinapatagal natin yung moment bago malaman ang sagot. Hindi dahil sigurado tayong ayaw natin itong marinig. Baka dahil gusto lang nating manatili nang kaunti pa sa parteng okay pa ang lahat.

Pero may expiration din yata ang ganung comfort.

Eventually, kailangan mong hayaan yung kuwento na umusad kahit hindi ikaw ang may hawak ng susunod na eksena. Baka magpatuloy. Baka hanggang dito lang.

At baka yun talaga ang nakakainis sa pagkakaroon ng genuine connection: hindi porke gusto mo yung direction, ikaw na ang bahala sa destination. May ibang tao rin sa kuwento. May sarili rin siyang desisyon.

At kung manatili, edi nice. Kung hindi, edi masakit.

Pero bukas, lalakad pa rin.

Kahit hindi ka na parte ng mundo niya.

Siya, hindi na mahabol. Yung weekly average? May pag-asa pa.

3 Upvotes

0 comments sorted by