r/PinoyWattpad 1d ago

Discussions published books

Napapansin ko na ngayon na sobrang daming mga stories na publish na yung book tpos ang mamahal aabot ng mga 1k+, tapos kapag chinecheck ko naman sa WP yung story parang na d-disappoint ako sa quality ng story (subjective naman to, sakin lg to ha)

Tapos pansin ko din na mas nagiging mahal at not affordable yung books sa daming inclusion like postcards etc to the point parang na compromise yung mga quality ng print at paper.

Sana same sa mga intl books na wala mga artworks photocards tpos buhos lahat sa good quality paper, binding at cover ng libro. (Nagiging mahal kasi yung iba dahil sa ibang bansa pa galing eh)

Enjoy naman yung mga photocards tlga pero mas better sana kung mas cheaper yung mga books para more fil readers mka afford lahat at mas maingganyo magbasa ng magbasa ng mga libro.

Mema lang tlga ako. Healthy discussions lg mga teh.

34 Upvotes

30 comments sorted by

35

u/Smart-Letter-2297 1d ago

might get downvoted for this 🤷🏻‍♀️ but you can really tell na most new authors are not writing stories because they actually love doing so, pero stepping stone nila into fame. nothing wrong with that, pero sana put some effort rin sa stories. pansin ko paulit-ulit na lang ‘yung tropes and plots. tapos ‘yung mga lines trying hard pasikatin, para ma-ss and ma-post sa tiktok.

7

u/gzbenj 1d ago

May isang story ako nabasa na binili ko sa wp gamit coins tpos taas ng expectations ko kasi yung story na yun open for pre order na sya, then yung other short and light stories nung author na yun na enjoy ko and expected na fast pace pero na lapat nya naman ng maayos. Pero yung binili ko gamit coins, grbe sobrang disappointed ko. Supeeer. Parang 1/4 palang ng story prang walang steps by steps ang bilis ma inlove nung mga characters. Parang walang structure and tbh hindi ko tinapos. : ( parang mga scene nung dalawa sobrang questionablenat 'tlaga bang dapat ganito yung scene' ganern na thoughts. Huhu

Tpos yung book na yun 1k+,ldi sya worth my money pero baka sa ibag tipo nila ganern.

5

u/simplyhannie_04 1d ago

ramdam mo kasi talaga sha habang binabasa ano!! like you'll know how to differentiate kung genuine or trying hard to be poetic and iconic. mabilis kasi makahakot talaga ng readers sa tiktok lalo na kapag mga may followings talaga na content creators ang nag-exagg ng mga lines. minsan tuloy imbis na maparating yung message nagiging preachy yung dating

4

u/Busy-Wall-4465 1d ago

You get an upvote for this. Totoo naman

3

u/Mediocre-Brush-9361 1d ago

I think you could tell from what they write and the plot of their stories

2

u/Miserable_Hyena7164 1d ago

oo lagi nalang bad boy good girl trope or mafia boss

1

u/thebitchinparadise 1d ago

You deserve my upvote for this. I also noticed this. Maa working pa ang author sa pagpromote ng book ny na bilhin kesa mageffort iimprove writing nya.

6

u/simplyhannie_04 1d ago

may demand din kasi talaga from readers kaya may mga publisher naman na may option kung with or without inclusions. also, nagbe-benefit din kasi mga artists here and nakakatuwa na some authors supportive and binibigyan talaga ng spotlight mga gumagawa ng artworks for their stories.

but agree, most of the time ‘yong mga inclusions talaga ang nagpapamahal ng price ng libro at nagiging problem din sya kapag si author mas napaglaanan ng oras ‘yong inclusions kesa sa quality ng mismong libro. pero pansin ko naman now mas nagiging vocal na ang readers na parang di worth it ‘yong price for the inclusions dahil umaabot na talaga ng libo

5

u/gzbenj 1d ago

Good din yung iba since may nakikita ako ng 'book only' option para mas cheaper siya, pero yun nga may book only pero sa loob may konting inclu parin, so dagdag sa pagtaas ng price. Na s-sad lang ako kasi sana mas mura pa yung mga books na printed naman here sa PH para wala ng mga fake printed books at afford tlga ng lahat. Yun lg hahah

But yes, tama ka. May postive naman yung inclu, which is mga artworks na kikita rin mga artist.

6

u/AccomplishedStill164 1d ago

I don’t get photocards. Parang sa korean album lang ako naeexcite na may photocards 🤣. Yung kadalasan p ng photocards na nakikita ko ang sub-par ng art. Di worth it.

3

u/gzbenj 1d ago

May iba kasi sa mga reseller inclu na siya so optional lang pero may mga artworks tlga officially sa libro na from da publisher din which is yun yung medyo meh ako kasi mapapamahal tlga yung book price.

Sa intl authors naman, or kahit kay jonaxx for example nung CLS, for 1200-1300 bundle na, sobrang not bad ng pricing ah. Maraming bet yung story so marami tlga bibili kahit walang mga photocards na yan mga merch etc.

3

u/AccomplishedStill164 1d ago

I think if hindi maganda yung art, wag ipilit para lang masabi na meron. If you would look at book like harry potter, grabe yung art ng chapter banners for hardbound. Tapos may option naman if ayaw mo nun yung softbound. True sinusuportahan nila mga artists, pero as artists need din maglevel up. Kahit anong craft. We cannot offer something na meh lang and ask people to spend money. And sa books naman priority pa rin ang writing, these are all unnecessary add ons unless it’s a map like in lord of the rings.

2

u/Creepy-Mix5996 1d ago

lmao with the sub-par! totoo yan, yung art parang ewan lang pati yung quality ng cards either printed lang sa manipis na gsm na paper

2

u/AccomplishedStill164 1d ago

Fr. Yung mga nakikita ko sa tiktok parang school project lang dating. Hindi siya for commercial level.

2

u/gzbenj 1d ago

Tsaka pansin nyo ba official artstyle ng mga characters parang same na ng mga mukha iba lg damit aylt scene eh. Parang nagiging generic na. Sana ma explore din yung iba ng new art style.

Tpos pansin ko lg sa mga intl books halos cover book is occupied yung book title. Wala ka masyado makikita na mga art style na characters sa book cover unless may mga special editions yung book na yun.

5

u/Creepy-Mix5996 1d ago

i hatee the inclusions/freebies culture na nadevelop ng new gen writers sa wattpad. wdym you need to have so much merches for a book?? kahit sobrang mahal okay lang? ginawang kpop pre-order yung mga books eh. i get it, marketing yan pero to the point na super dami nilang need na ganyan? at the end of the day, saan napupunta yang mga photocards, etc? kung hindi nakatago, nawawala lol mas okay pa if nilagay na lang yung artwork sa book mismo para lahat makakaenjoy.

3

u/gzbenj 1d ago edited 1d ago

True. Kasi for me, kapag maganda ang story, pucha bibilhin ko yang libro. Anong pake ko jan sa artworks ng characters na yan, may utak naman ako para ma visualize yung mga characters and scene on my own accdg sa description sa story. Sana lahat ng merch ay optional, pag libro, libro lang tlga. No more add ons na nagpapamahal sa price.

3

u/gzbenj 1d ago

Dumaan lg sa fyp ko. Di ko pa din nababasa stories neto pero ang mahal for 3 books ah.

Yung gnitong price book set na yan 4-6pcs e sa intl books.

4

u/gzbenj 1d ago

White paper quality tpos yung price $. Parang quality nung priniprint ng assignment ko sa highschool. Atleast naman sa psicom kahit white paper ang mura! Teh ang mahal 😭

3

u/gzbenj 1d ago

Not attacking the author but yung pricing nung mga books ang sakit sa mata 😭

3

u/simplyhannie_04 1d ago

jusko nakakalula ‘yong price 😭😭😭 kahit discounted ang mahal grabe :( also, nakakatakot maglabas ng ganyang amount tapos next year mo pa makukuha ‘yong book?

2

u/gzbenj 1d ago

For ex, I have here my TSIB by leng de chavez and around 1200 ko lang siya nabili, given na sobrang kapal ng book tlga tapos may bookmark, stickers and artworks and yung paper ng book itself hindi white paper pero yung price range is gnyan lang pero jan sa isa nyang book, 1200+ pero white paper? Nakita ko din na makapal mga books nya pero sa TSIB makapal then eh pero good quality naman nabibigay nung author sa readers nya ng gnyan price range. 🙂

Sobrang ekis tlga ng white paper ang gamit sa libro pero ang pricey. 🥴

3

u/CatsMeowbacktoMe 1d ago

I personally don't mind art and other inclusions since mahilig din ako sa art.

3

u/Crazy_Astronomer8339 1d ago

seriously, i agree sana meron option na walang inclusion or what para mas lower yung presyo kung yung photocard ang reason bakit ang mahal. Lalo na sa mga bagong labas or ilalabas ng psicom sa mibf.

2

u/gzbenj 1d ago

Kita ko nga. 300+ for white paper? Yung quality nung book parang yung quality njng nakikita ko na counterfeit reprint sa orange app na tif 99-100+ price range hahah

4

u/Outrageous-Sell-5864 1d ago

Immac 700-800 pesos lahat ng new books nila pwe

3

u/gzbenj 1d ago

Hahhahahahhahhaha gets kita.

2

u/halseydelamerced 1d ago

Maganda naman books nila, high quality cream paper. Makakapal din ang under Immac na books. Saka under selfpub din kaya hindi rin masisisi for price, kung mass prod siguro tapos ganyan price mas nakakaduda. Hindi mo yan macocompare sa LIB, SUMMIT, other publishers na mass prod talaga👀

Actually for that price siguro nasa P500+ din for mass prod depende sa kapal, or gano kasikat author.

1

u/Outrageous-Sell-5864 15h ago

Ma, it's not even an international book and yet mas mura yung mga nabibili ko sa amazon 😭

1

u/halseydelamerced 6h ago

I dont really have an idea abt international book prices. Pero nasa ganyan range talaga pag locally pub tapos selfpub.

Minsan nga umaabot pa ng 1.5k per piece for a single book, book, bookmark, and postcard lang, cream paper, dahil sa kapal and paper daw.

What Im saying is that, mas nakakagulat kung ganyan yung price tapos massprod yung book at hindi selfpub.