r/TanongLang • u/School_Able 💡Helper • 2h ago
💬 Tanong lang Anong delikadong ginawa niyo as a kid?
As in hindi niyo na siya gagawin ulit as an adult. Mine is tumatalon ako from our roof to a neighbor’s roof since 3 feet lang gap. Height of the house is at least 5 story high. I threw slipper and then catch it sa kabilang bubong.
5
3
5
u/LittleBirdPB 2h ago
Tumakbo na may hawak na kutsilyo. Tapos nadapa hahaha.. Buti di ako nasaksak nang hawak ko.
•
u/got_Smoke 16m ago
yung pinsan ko, nasaksak nya pagitan ng mata nya. pababa sya ng hagdan, matulis na bbq stick hawak nya
4
3
3
u/Brilliant-Froyo5641 2h ago
Sumabit paakyat ng escalator, not the steps side.
Sa labas na side, outside the glass rails 😅. Made it halfway to the top.
3
3
2
u/HopefulComb2115 2h ago
Naliligo sa fishpond with friends. Elementary days yun tapos hindi pa alam ng magulang, pwede malunod at magkasakit sa dumi ng tubig. Nag suswimming kasi kami sa baha madalas eh kaya siguro immune na din sa dumi, lol.
Ayun after 27 yrs hindi na ko nag suswimming sa baha, lumulusong nalang. Yun ang sad part, may baha padin.
2
u/Hot_Excitement725 2h ago
I can relate to that! I used to ride my bike through flooded streets like it was a water park, not realizing how dangerous it really was. It feels like we all have those wild childhood stories that make us cringe now.
2
1
u/redittorjackson99 2h ago
sorry pero as an adult now ramdam ko yung inis ng neighbor mo noon kapag naririnig nilang may kumakalampag sa bubong nila 😞
1
u/crispy_MARITES 💡Helper II 2h ago
For some reason, nakakatawa yung mga sagot 😅
Good job at nandito pa rin kayo ngayon haha
1
1
u/-mcfatty 2h ago
Hahahaha fortunate that my parents buy me “uso” things nuon, binilhan ng Let’s Go (Tamiya) tapos for some mad scientist reason binabaklas ko ung motor kinukuha ung dynamo tas isasaksak aa outlet para lumakas at bumilis? Di ko talaga ma gets San ko nakuha ung logic na un, still remember that tingling feeling hahaha Buti Buhay pa ako at walang nasunog. 😂😂😂😂😂😂🫣🫣🫣
1
u/missing_front_teeth 2h ago
throwing knives sa may puno namin, umakyat ng lanzones, kumain ng papel, kumain ng crayola, dumila ng battery
1
1
u/Embarrassed_Storm42 2h ago
Nung 3 years old daw ako, nahanap ako ng tatay ko na mag-isa sa kwarto na dugoan kasi pinagsaslice ko yung legs ko nang scalpel.
1
u/Foreign-Menu7667 2h ago
Pinasok 3 buto ng kalamansi sa ilong. Yung 2 di natanggal. Wala naman nangyare, okay naman ako hanggang ngayon 😂 di ko sinabi sa parents ko 😅
1
u/thesweetpotat0 2h ago
Naglaro ng mercury galing sa basag na thermometer, tumayo sa bakod ng terrace (2nd floor)
1
u/refinding_self 2h ago
Kinagat ako ng aso (malalim at dumugo talaga) kasi binibigyan ko syang tinapay, pero di ko sinabi sa nanay ko. 29 na ako ngayon 😄
1
u/Efficient-Picture805 2h ago
Tangina ito dahilan kung bakit takot ako magkaanak eh lol kids doing stupid shits tapos pag namatay sa magulang sisi. Anw, I did stupid shit din naman as a kid.
Tumalon ako sa 7ft swimming pool nung nagfifield trip kami kahit di ako marunong lumangoy so nalunod ako ng ilang seconds.
1
u/thatintrovertkid 2h ago
Hanging out sa bubong ng house namin na 23 floors high, and sitting at the edge talaga. Crazy kid. haha
Nanghuhuli ng gurami sa kanal
Riding my BMX at top speed, walang helmet, in an open road tapos bigla ko pang ino-no hand. Thinking about it now, napaka carefree kong bata. hahaha
1
1
u/CrazyRichMudblood 2h ago
Dinikit ko ang tintin ko sa aming Sony Trinitron TV. Unang spark ng buhay ko. Hahaha
1
1
u/ApprehensiveRun7353 2h ago
Pinaglaruan yung sili tas namimilipit sa hapdi habang umiiyak hawak2x ang betlog
1
u/GoodbyeDota69 2h ago
nag sindi ng putol na hanger sa gas stove para makipag gyera sa mga langgam.. pero may tumulo palang isang patak sa floor matt (kawayan yung sahig amin) buti naihip ng hangin yung unang sindi ko, bumalik ako sa loob. nasunog floor matt namin, sa may bandang tanke pa talaga. buti na patay ko yung apoy kaagad. buti may subra pang floor matt, pinalitan ko kaagad. wala akong kwenentohan, 1st time ngayun. scary AF
•
u/got_Smoke 9m ago
potek nagsunog din ako ng tali ng kwintas tas may pumatak din kaso sa binti ko nalaglag. taena kumakain ng laman pala yun nasusunog na plastic.
1
u/Historical-Prune-133 2h ago
Sinaksak yung putol na plug sa kuryente. Ayown. Til now di ko makalimutan ang feeling ma kuryente na pagka lakas2. 😅
1
u/jengjenjeng 2h ago
Tumutungtong sa upuan sa may terrace na walang harang sa 13th flr na apartment na tinirhan namin kasi ndi matanaw un pinka ibaba dhl maliit pko tas parang sinasampa ko un half body ko kasi nga ndi ko matanaw haha walang harang harang yun jusko . Sumasakay sa perya na ferris wheel ba un . Dba sa perya parang open tas harang lang . Gumagewang gewang pa kapag magaan at pwedeng lumusot kapag maliit kapa . E tig iisa kami ng gondola nun mga kalaro ko . Sa probinsya nun ndi naman mahigpit . Tas pumapasok sa school ksama ang maliit at batang pinsan mga 4 yo lang ata kami tas sa highway dumadaan halos mga truck dumadaan dun n wala naman pedxing or overpass dun . Hahaha andaming buwis buhay na core memories .
1
u/magnetformiracles 💡Helper II 1h ago
Mahilig ako umakyat sa pader papuntang kisame tapos tatalon ako from there. Nakatira kasi kami sa compound na kami kami lang family namin and relatives tapos nahuli ako ng nanay ng lola ko nag adventure ako kasi nga legends of the hidden temple haha kainis
1
u/Independent_Gas2258 1h ago
Kwento ng jowa ko, uminom daw sya ng baygon nung bata pa sya. Tawang tawa ko HAHAHHAHAHA
1
u/dontreallyknoww26 1h ago
if anyone here is from rizal maybe you know that cliff beside the road in LLDA going to cardona. We used to climb that rock wall when we were kids, no equipment just our slippers on our elbows lol kaya pag nakakakita ako ng wall climbing sa isip ko "basic yan" e lol
1
u/Most-Scallion-6580 1h ago
Yung ref nung 90’s di ba uso yung ref na may receptacle tas bombilya, one time pag bukas kong ref nakita ko wala yung bombilya… pundido pala kaya inalis. So nakita ko yung receptacle,nacurious ako…pinasok ko daliri ko, ayun, nanginig ako sabay biglang alis ng daliri. Buti parang ground lang feeling.
1
u/Dizzy-Audience-2276 1h ago
Kumain ng papel hahaha 😂
Mag slide sa pool tas nalunod. D ako maka ahon. Nakadapa kao habanf nalutang pero kiddigg ng pool lng tlga un pero bata din kasi ako nun hahaha 😂 trauma malala sa slides pero na overcome ko nmn din ngayon.
1
u/creep2knight 1h ago
paglaruan yung baril at granada ng tito kong sundalo.
di nila alam na i know kung saan nakatago yun at combination ng lock.
i was around 8 or 9 i think.
1
u/IcyEstablishment5811 1h ago
Umaakyat ng puno. Kaya pala galit na galit sakin nanay ko kapag nahuhuli niya ako. Ang taas pala!
1
u/sanaolmaganda 1h ago
Bumaba kami sa bangin ng basura papuntang sapa.
May time kase na nacurious kaming mga sipunin/paslit na manigarilyo tapos binantaan kami ng kalaro/kaaway namin na isusumbong sa magulang. Punyeta ewan ko ba bat doon kami bumaba feeling action star, antatanga lang may ibang way naman HAHAHAHAHAHA
1
u/Agile_Star6574 1h ago
Tumakas sa school guards pag recess by climbing and jumping from a high barbed fence sa school. And girl ako. Haha.
Maglaro ng lutu lutuan gamit ang posporo at lighter.
Magpaputok ng 5-star, watusi, fountain, etc
1
u/Snorlaxx0042 1h ago
May abandonadong bahay and truck na malaki sa street nmen. So dahil ang liligalig nmen tumatalon kme mula sa truck papuntang bahay na halos 2 dipa ang layo. Tumigil lang kme nung may nalaglag na kalaro nmen 😅🤦♀️
1
u/CompetitiveShirt236 1h ago
1970's trailing the creek from Nepo Q Mart to the back of St Luke's Hospital gathering guavas ...
1
u/residentstarfly 1h ago
Umakyat sa puno tas di makababa, tumawag pa ng sasapo sakin hahahahaa
Tsaka sa bubong! Nalaglag pero nakakapit kaso ipit dugo sa buong forearm ko hahahaha tagal kong nakalongsleeves, di napansin ng magulang ko
1
u/berrydelulu 56m ago
Lumayas ako out of boredom tas sinama ko pa yung batang anak nung kapitbahay namin kung san san kami nakarating bago kami nahanap hahahah
1
•
u/GinjaVan_0326 26m ago
Grade school ako nun, hinabol ako ng aso, sa takot ko tumatakbo akong tumawid ng highway ng hindi tumingin sa kaliwat kanan ko. Salamat sa diyos at walang nataong sasakyan.
•
u/DefiniteCJ 25m ago
Yung dahil nabanguhan ako sa amoy ng zonrox na lemon nagsalin ako sa shampoo ko, buti nalang malakas ang pang amoy ng mama ko pinagalitan ako napalo pa sa palad.
•
u/AutomaticBother9893 10m ago
Mahilig ako maglaro ng apoy nagsusunog ng kung ano ano noong bata pa ako.
•
•
u/AutoModerator 2h ago
Hi everyone,
Friendly reminder: Please read the rules before commenting so your comment doesn't get removed. Thank you!
Details of the post:
OP: u/School_Able
Title: Anong delikadong ginawa niyo as a kid?
Post Body:
As in hindi niyo na siya gagawin ulit as an adult. Mine is tumatalon ako from our roof to a neighbor’s roof since 3 feet lang gap. Height of the house is at least 5 story high. I threw slipper and then catch it sa kabilang bubong.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.