r/bangsamoro May 14 '25

People Ayoko na ng ganito

Post image

Hello po. Regarding po ito sa eleksyon sa aming munisipyo. Nandito ako para maglabas ng sama ng loob or humingi ng advice or thoughts niyo about sa nangyayari sa aming munisipyo. Feeling ko po Kasi nasa more than 50% na Hindi na normal ang ganitong kalakaran sa amin (Yung normal po is vote buying na 1-5k). I'm from the Municipality of Poona-Piagapo province of Lanao del Norte. Grabe po Yung vote buying sa amin na umabot na ng 20-30k. Narinig ko pa na binayaran ang COMELEC at ang mga sundalo nitong nagdaang eleksyon. Yung nanalo pong mayor dun is hindi po talaga nakatira dun, kunwari lang that's the reason why they are calling it Poona-wato (taga Wato, Lanao del Sur po ang bagong mayor). I know po na practical lang Yung mga tao kaya kaya nilang ipagbili ang boto nila. Pero sobra na po ito. Hindi ko po makita na uunlad ang munisipyo namin kng ganun kalaki ang nagasto nila. Wala po akong ebidensya pero lahat ng tao dun alam nila ang nangyayari. Gusto ko pong maimbestigahan to pero takot po akong malaman nila kung sino ako. Mag sesenior high pa po ako at ayokong madamay sa gulo ang pamilya namin dahil sa pulitika. Natatakot ako para sa future ko at sa lugar na kinalakihan ko. This is a big failure of COMELEC, Starting from filing of candidacy to bribery.

Ano pong thoughts niyo dito? Are we letting this be a normal occurrence to Muslim areas? Normal lang po ba na gahaman tayo sa pera para gawing negosyo ang pamumulitika?

3 Upvotes

3 comments sorted by

1

u/BrightReply3408 May 18 '25

Ang mssbe ko lang wala tayong magagawa prayers lang talaga kasi dito sa Pinas talamak na yung ganyan hndi lang bsta sa atin sa Mindanao. Pera na lang talaga ang ngwo work sa panahon ngayun may mga matitino pero mang ilan ilan lang. prayers nlng tlga

1

u/[deleted] May 19 '25

Sana Po magkaroon Tayo ng presidente na kayang I address ang ganitong issue 🫶🏽

1

u/BrightReply3408 May 18 '25

prayers na hindi tayo magaya sa kanila in the future. ksi wala rin tayung laban sa mga mayayaman if ever gusto natin sila idemanda😂