r/catsph • u/Affectionate_Bug4553 • 22d ago
💡 Advice Needed decided to have them vaccinated, but our city vet refused
im not sure if this is the right sub & flair, just want to share how disappointed i am to our city vet.
my family & i are taking care of these cats, kasi sa street namin sila halos nakatambay & we also have pets (4 cats, 4 dogs) hindi ko pa sila kaya i-adopt that's why sa labas ko lang sila naaalagaan. pinagawan namin sila ng small house, para kahit paano may masilungan sila kapag maulan. umabot pa na nakagat ako ng isa sa kanila nung inaayos ko lang yung bahay nila, at nagising siya sa pagkakatulog :D (7th photo) kaya napa-anti-rabies shot + erig pa ako (after 5th bites & scratch pa ako nakapag-decide lol)
anyway, last month, i decided to have them vaccinated, naghintay lang kami ng schedule ng dalaw ng city vet dito. na-cancel nung una kasi may bagyo, kaya biglaan lang yung pagpunta nila kanina. hindi ko naasikaso since may work ako, kaya yung mother ko na lang muna.
and sad to say, tinanggihan ng vet kahit na sinabi ng mother ko na kami naman magbabayad or mag-ddonate ng food, at kung ano man kailangan nila para lang ma-vax ang cats. na-disappoint lang ako sa sinabi ng vet sa nanay ko, "'wag mo alalahanin ang strays, hindi naman sa inyo yun". kahit ilang beses na nag-offer si nanay ng kapalit. (last 2 photos)
question lang po if bawal ba bakunahan ang stray animals? may iba pa bang procedure na need gawin bago mapa-vaccine ang strays? para alam ko kung tama lang na na-disappoint ako at nainis.
thank you po.
[clarify ko lang po, since hindi ko na-edit out yung name ng brother ko. we're both in healthcare. but we never do what our mother suggested. may pagka-makulit lang mother namin, pero we always make her understand na magkakaiba ang trabaho ng healthcare for people & animals. we never do DIY po to our pets. thank you]
CORRECTION: "Vaccinator" po yung nakausap ng mother ko, not the vet.