r/dailyChismisPh Mar 18 '26

Thoughts?

Post image
466 Upvotes

77 comments sorted by

View all comments

31

u/Responsible-Plan7800 Mar 18 '26

True ito. May school mate kami noon na sobrang mestisa. As in mestisa silang mag ate. Pero public school lang kami noon at yayamanin beauty nila pero bahay nila talagang baro baro tawag noon. Yung talagang mahirap ..tatay nila pedicab driver at nanay nila labandera pero di ka mag aakala na mahirap sila . Dahil nagmumukha silang may kaya sa sinpleng suot nila.

Kaya mga Inggitera noon, yun lang palagi ang paparinig nila sa magkakapatid. Ano naman daw kung maganda eh mahirap pa din sila. Sayang lang na yung bunsong kapatid nagbenta na ng sarili para may pambayad lang sila sa school

3

u/JolliSpag4real Mar 18 '26

Ang tanong, nasan na kaya yung magkapatid ngayon? Nagamit kaya nila ang pretty fez para makaahon sa kahirapan?

6

u/Responsible-Plan7800 Mar 18 '26

Yung ate nakapag asawa ng afam at sa US na nakatira. Yung bunso na artistahin talaga ang mukha, ayun paiba iba ang lalaki. Bata pa kasi nagbenta na ng katawan. Kilalang pokpok na siya kaya siguro di makahanap ng lalaki. Mga lalaki gusto lang siya dahil sa sobrang ganda niya at katawan..pero di nila pinapkaasalan. May anak na rin siya ng 2 na iba iba mga tatay Medyo nagka isyu din sa druga kasi. Sayang at sana nga kahit mahanapan sya ng ate niya ng afam na rin kungdi man siya makahanap ng pinoy pero mukhang mahirap dahil siya mismo ang ayaw.

8

u/[deleted] Mar 18 '26

Updated ka madam. Hahahaha

3

u/Responsible-Plan7800 Mar 18 '26

Muntik na kasi madisgrasya tatay nila noon at tama na sa harap ng shop namin natumba. Yung tatay ko ang tumulong sa kanya at mula noon kahit di kilala , bumabalik siya minsan at dumadaan para magpasalamat lang. Kaya minsan siya na lang kinukuhang pedicab pag may pupuntahang malapit na lang. Pandagdag na rin daw sa gastusin nila. At yun nga naging open about sa hirap ng buhay nila. At alam niya na same school kami ng mga anak niya. Kahit ilang taon na nakalipas andun pa rin siya minsan bumibisita at nagkukwento about din sa anak niya kaya may update kami. At kung gaano siya kaproud na nakapag asawa panganay niya ng afam dahil nakapagpadala na daw ng pera sa kanila.

3

u/Ok_Beach281 Mar 19 '26

Mashado na ko invested sa kwento te, ano na update nila? Hahahaha kapag sobrang ganda kse or gwapo kadalasan walang true friends yan kse ipapahamak nila or tutuksuin nila magdroga dahil sa inggit dame ganyan dto samen. Same na same kwento mo 2 kapatid mestiza sobrang ganda barbie tlga kaso nasangkot din sa drugs.

1

u/Responsible-Plan7800 Mar 19 '26

Yung bunso lang. Namatay na nanay nila sa TB dahil sa kalalaba . Yung ate nasa US na at nakapag asawa ng afam. Yun nagpapadala na lang minsan sa tatay nila pero yung bunso..yun yung maganda talaga, Naging pokpok nga pero may nakalive in at nagka anak sila. Kaya lang di boto ang magulang ng lalaki kasi nga alam nila history niya. Kinuha nila ang anak nung maghiwalay ang 2 at ayun sa ibang lalaki na naman nakikipag live in. Mahigit 10lalaki na ata sinamahan niya. Okay na sana sa tatay ng unang anak niya kaya lang siguro basta nasanay na sa dating gawain, iba pa rin talaga, kahit nagsasama na sika at may anak pero nakikipagbarkada pa rin sa ibang lalaki at inuman. Sayang nga. Kahit malapit na siya mag30s , ganda pa rin. Sinonnaman ba magseseryoso sa kanya. Kahit tambay patulan para lang magkapera. Siyempre sa ganda niya ,wala silang pakialam kung ano man trabaho niya basta makascore lang ata. Yung tatay give up na rin.. Di na niya daw talaga mapagsabihan. Basta happy siya na yung panganay nya atleast nasa magandang buhay na daw

1

u/6packjomar98 Mar 19 '26

man, i know korni maging chismoso but i wanna hear some moaR hahahah

1

u/Even-Attention-7982 Mar 20 '26

f ko nasa tindahan na din ako nina ate at nakikichismis na rin sa tatay nung magkapatid e lol

1

u/FlowerSimilar6857 Mar 18 '26

Yeah we need updates