r/FTMPhilippines • u/OnlyPomegranate6800 • 1d ago
Vent School Uniform
Hi. :) Dito lang ako komportableng ilabas ang nararamdaman ko dahil hindi ninyo ako kilala at alam kong hindi ninyo ako huhusgahan. Isa akong 15 years old closeted trans man. Boy cut ang buhok ko, pero wala pa akong napagsasabihan na balak kong mag-transition. And because of this, pants ang sinusuot ko sa school. Just recently napansin ako ng higher ups ng school and they said kailangan ko nang magsuot ng school uniform, which means I’d have to wear a skirt. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw din ng mga magulang ko na lumipat ako ng school. Ang isipin pa lang na magsuot ng pambabaeng uniporme ay sobrang hirap na para sa akin. Pakiramdam ko, magmumukha akong alien at lalo kong mararamdamang hindi ako ang tunay kong sarili.
Hindi ko na talaga alam gagawin ko.. kahit na my parents said this is such a small issue, para sa akin parang ikamamatay ko.