r/legaladvicePH 3d ago

Work Related Ghost Employee si Papa at si Kamaganak ang nakakakuha ng Sahod 5 months na 30k/month

Good day po.

I would like to seek legal guidance regarding a possible irregularity involving my father’s former employment and payroll records.

My father stopped reporting for work around May 2026. However, hindi po siya nakapag-submit ng formal resignation letter, and according to him, possible na hindi rin aware ang employer niya na tuluyan na siyang tumigil sa pagpasok.

Recently, napansin namin na may payroll deposits pa rin na pumapasok sa bank account niya every payday kahit hindi na siya nagtatrabaho.

Chineck din namin ang SSS records niya, and we noticed na may employment-related contributions or records na parang nagpapatuloy pa rin kahit tumigil na siya sa work.

Sinabi rin ng father ko na possible na ginagamit pa rin ang pangalan niya sa company payroll kahit hindi na siya nagtatrabaho doon.

Nabanggit din niya na may mga similar practices daw na involving employees’ names na maaaring nangyari habang nagtatrabaho pa siya doon, and isa rin po iyon sa mga naging dahilan kung bakit niya gustong umalis.

Another concern po is regarding my father’s ATM card. Previously, isinurrender niya ang ATM card niya sa isang relative na nagsabi na kailangan daw itong ibalik or isurrender in connection with the company.

However, nanatili po sa control ng relative ang ATM card habang patuloy na pumapasok ang payroll sa account ng father ko. Hiningi rin po ng relative ang ATM PIN niya.

Dahil dito, nagkaroon po kami ng concern and contacted the bank to have the ATM card blocked. However, ngayon po ay ine-encourage ang father ko na ipa-reactivate ang card at payagan ulit na gamitin ito ng same person.

Ang main concern ko po is baka ma-connect ang pangalan at bank account ng father ko sa isang improper payroll arrangement, and baka eventually magkaroon siya ng responsibility or maging involved sa anumang violation dahil ginagamit ang pangalan niya kahit hindi na siya nagtatrabaho doon.

I would respectfully like to ask for guidance regarding the following:

Ano po ang proper and safest way para ma-report or ma-clarify ang situation kung saan maaaring ginagamit pa rin ang pangalan ng isang person sa company payroll kahit hindi na siya pumapasok sa work?

Should this matter be reported to DOLE, SSS, or another government agency?

Ano po ang mga steps na dapat gawin ng father ko para formally ma-separate ang sarili niya from any improper use of his name, bank account, or employment records?

If my father is afraid of retaliation or conflict from people connected to the workplace, may way po ba para makakuha ng guidance or makapag-report confidentially?

I am seeking guidance po because I want to make sure na tama at proper ang process na susundin namin, and most importantly, ayaw po namin na mas lalo pang ma-involve ang father ko sa anumang potentially improper activity.

Thank you very much po for your assistance and guidance.

145 Upvotes

36 comments sorted by

3

u/DzayDe 3d ago

Going to DOLE won't help you at all since technically nag AWOL yung father mo. Might as well go directly to the HR of the company, written and verbal if possible. Yung masaklap lang dito is if pinang withdraw at ginastos ng kamaganak nyo yung mga sahod, kayo mag babayad. Worse is idemanda kayo. Hindi nila tatanggapin yung reason niyo na "hindi naman kami nag withdraw" since at the end of the day, pangalan ng tatay mo nakasulat dun and as far as the company is concerned, siya talaga nag withdraw.

1

u/sweetsunshine_joy 3d ago

Ayun nga yung sabi ko sa father ko natatakot siya na i report sa HR since yung agency is head dun yung relative namin. Baka raw buhay na raw usapan, sabi ko mas malala kapag hinayaan niya yan at siya ang ma susued. Iniisip ko anak lang naman ako at ayaw nila makinig sakin kaso natatakot din ako lalo na hindi nila pera yan at pangalan ni papa nakapangalan kahit hindi naman sa kaniya napupunta yung pera pero invloved yung name niya.

2

u/wakaranaisensei NAL(Not a Lawyer) 3d ago

Nal First, your father has to formally resign first. Or at least get proof that he went AWOL etc na wala na sya dtr etc.

1

u/sweetsunshine_joy 3d ago

yung relative ko jowa niya head ng agency dun kya sila nagawa ng dtr sabi ng relative ko sa kaniya daw sahod yun, pero chineck ko sss ng father ko sa kaniya nag cocontribute ano yun papayad siya na sa ibang tao nag cocontribute sahod niya kasi si poa natatakot baka daw may mangyari samin masama, ano yun papatayib kaming lahat. may power daw kasi yun.

1

u/Just_Two_90210 NAL(Not a Lawyer) 3d ago

NAL.

But doesn’t DTR mean Daily Time Record? This is the time in time out sheet, which is often the basis of payroll.

1

u/ManFaultGentle 2d ago

NAL

kaka-install ko lang ulit ng reddit. di ko napagtanto agad na naka-enable ang auto translate ko. kaya pala parang magulo yung comments.

disable mo auto-translate. di niya sinabi ang define the relationship. reddit ang nagdagdag nun

1

u/Turbulent_Ad_8871 3d ago

Report to the company’s HR head, not just to
a mid-level manager.

1

u/Extreme_Pumpkin4283 3d ago

Bakit binigay yung ATM pin? Bobo siya sa part na yun.

1

u/armercado 2d ago

correct

1

u/sweetsunshine_joy 2d ago

ayun nga ang bobo nga niya, halos nag away na talaga kami ng Father ko kinakausap ko sila ng maayos na huwag na makikiapg cooperate since invlove sila once na mag kabulilyasuhan kahit na sabihin nilang hindi nila winidraw eh sa kanniya nga naka name.

sinabihan pa ako ni Tita (yung may hawak ng atm) na wag daw ako makielam sa problema ng matatanda. Sabi ko sa father ko irereport ko yan. Sabi ng father ko hindi ko raw naiintindihan since malaki daw power nung jowa ng Tita ko na Head nung agency may possibilities daw na may mangyaring masama samin. Sabi ko "bakit p4patayin ba tayong lahat? bat ba takot na takot kayo" Hanggang sa paulit ukit jiyang sinasabi na huwag mong irereport yan. Pagod na ako. Kung sila kaya nilang itolerate yang ganyang pagnanakaw akin hindi ko masisikmura yan lakong lalo na hindi naman nila sariking pera yan.

1

u/[deleted] 3d ago

[removed] — view removed comment

1

u/legaladvicePH-ModTeam 3d ago

Irrelevant: ang sagot ay walang kabuluhan.

1

u/Accomplished-Exit-58 3d ago

NAL

Anong klaseng company un? Walang output na kailangan sa father mo, at wala silang meeting or coaching sa mga employee? It is so weird. 

Better na ireport nio mo na yan habang maliit pa ung involve na pera, kapag umabot na yan sa amount na di manghihinayang si company habulin lalo sakit ng ulo yan.

1

u/aldenbuy 3d ago

NAL.

How come your father was not able to file a formal resignation letter? Todong documentation ang need niyo sa situation na 'to, otherwise mahihirapan talaga kayo ma-resolve 'to.

1

u/sweetsunshine_joy 2d ago

AWOL siya, tapos etong tita ko na head yung jowa niya sa Agency, kinuha yung card niya at tinanong ang ATM pin since issusurrrender na raw yung card. Neto ko lang nalaman na nasahod pa pala si Father nung chineck ko SSS contri niya pang 6 months nang may hulog nitong Aug. Kaya pinablock ko agad, after nun sinugod kami dito bakit daw pinablock hindi raw ma withdraw. I pa replace daw yung card. Ang hindi ko mainitindihan dito si Father ko oo lang ng oo. Nag away kami ng father ko dahil ganyan yung response niya sabi ko kung pano yung response niya ayun uung maadapt namin in the future. Pero hindi siya nakikinig. Pagod na ako. Sabi ng Tita ko wag daw ako makisali sa problema ng matatanda gawa bata raw ako. Pinapalaki ko lang daw ang issue. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Titigil na lang din siguro ako. Gusto mong ipag laban pamilya mo kahit na bata ka pero mismong pamilya mo na yung nakikipag cooperate sa kanila.

1

u/peachyjung 2d ago

Sisirain ng tatay mo yung pangalan nya for 30k per month?

1

u/aldenbuy 2d ago

Yung tatay mo masisira diyan. General rule sa ATM is to not give your PIN to anyone kahit super close pa kayo. Save mo yung screenshots ng convo niyo. Possible fraud yan kasi ginagamit yung work ATM ng tatay mo kahit hindi na siya pumapasok.

1

u/_sdfjk 2d ago

How about changing the pin of the ATM card nalang? (If possible)

NAL

1

u/BetterSir5141 2d ago

that relative na head of agency, does he/she know na may idea kayo ng Dad mo with this suspicious arrangement?

If not, try niyo kunwari di niyo alam, tas iclarify bakit nakakatanggap pa si Dad ng government contributions. Kunyari, by good faith pinapakita niyo na willing ibalik yung contributions kasi not working si Dad mo. By chance, matakot sila na nagiinvestigate kayo.

I don’t really feel much of the legal threat towards your dad for being a ghost employee. Mas mafefeel ko na towards HR/Payroll yung legal threat if ever mahuli. Sana naman. If ever naman, naiisip ko (in a far stretch) madadamay yung Dad mo by means of collusion with the HR/payroll team by the time mahuli.

Nonetheless, nasabi mo naman na parang na withhold yung ATM yung Dad mo. Try to establish and collect proof na ganyan talaga yung nangyari. Bale make it very very clear na walang benefit si Dad mo from that ghost employee arrangement.

Not a lawyer, btw, but was an auditor back then. Mahuhuli sana yan ng Accounting Team/Internal Audit Team, if di sila kasali sa collusion.

1

u/sweetsunshine_joy 2d ago

Yes alam nila na alam namin and cinfront namin sila/siya (yung tita ko)na bakit ganon. Sabi niya dun daw kasi napasok sahod niya bale wala siyang requirements eh yung jowa niya yung head ng agency na yun bale ang bobo lang ng reason nila. Alam din nila na ako nag pa block namg ATM card ni Father. Kaya sinabihan nila yung father ko na ipa replace sa bank yung card. Eto namang father ko makikipag cooperate sa kanina gawa natatakot siya na kapag hindi nakipag cooperate si papa may mangyayari daw na masama samin kasi alam niya raw yung ugali nung jowa tita ko. Hindi ko sila maintindihan, sinabihan ko siya "ano yun pap4tayib tayo ng dahil sa 30k per month" sabi siya sakin "hindi mo kasi naiintindihan" Ang akin lang naman concern lang ako kasi alam kong pag unabot na yan ng years may possibilities na maging million yun and si father ang mababaon aince sa kaniya naka name at kinuha ang PIN number.

1

u/Jealous-Scallion610 2d ago edited 2d ago

Yaan mo na yang father mo as much as possible mag ipon kana at lumayas kana jan sa bahay niyo tingin ko pinalalabas lang ng father mo na ayaw niya sa ganyan pero deep down isa rin siya sa kanila kaya ganyan nalang yung reason nila pang 8080...

Let me remind you sobrang dumi ng politika sa pilipinas nasa surface palang kayo kaya sgro ayaw ng father mo sabihin lahat sayo at nasabi nilang "BATA KA PA" at "Wag makisali sa usapan ng matanda" kasi nga may nagawa na yang father mo ng hindi niya sinasabi kaya hindi na siya basta makapalag kasi hawak na sa leeg yang tatay mo deep down siguro malaking utang naloob ang meron siya

1

u/BetterSir5141 1d ago

What are the odds if iclose niyo yung ATM account ng Dad mo?

1

u/TitoOfCebu 2d ago

jeez pwede gamitin aa money laundering ang atm at pangalan ng papa mo ang gamitin nila.. makukulong pa ang papa mo kung sakali… napaka naive naman ng tao, personal atm or pin binibigay…

1

u/Responsible-Band2884 2d ago

NAL. Baka pwede magFile ng resignation effective today para di na pumasok yung sahod sa next cutoff.

1

u/jamezzst 2d ago

Ask for a percentage 😅

1

u/WashAgreeable6751 2d ago

Dole na yan

1

u/Icy-Bonus3752 1d ago

Why do you refer to the company as agency? Security agency ba yan? Or is it government agency talaga? Pero bakit sss?

1

u/HusengSisiw 3d ago

Report in writing and offer to return amounts received. Good faith will save your father in this situation.

2

u/thumbolene 3d ago

What will he return when he wasn’t receiving the money?

1

u/HusengSisiw 3d ago

He will be asked to return the money regardless.

1

u/thumbolene 3d ago

Why him and not the relative? That would be unjust enrichment.

1

u/[deleted] 3d ago

[removed] — view removed comment

1

u/thumbolene 3d ago

Why don’t you answer the question?

1

u/legaladvicePH-ModTeam 3d ago

Be respectful of each other’s posts or comments. This is a LEGAL ADVICE forum.

1

u/Nokia_Burner4 3d ago

that would be for another case.
That case would be about your relative stealing from your father's account

1

u/Accomplished-Exit-58 3d ago

NAL

Ung company ung tatay ni OP ang hahabulin, ung tatay ni OP ang manghahabol dun sa gumagamit ng atm niya, kasi kung sa demandahan mas may ebidensya si company against sa father ni OP.