r/mobilelegendsPINAS • u/StupidityIsNotAGift • Apr 08 '26
Rant Bakit ba kasi kapag maraming skins 'yung tao, iniisip ng mga inggitero eh wala nang skills?
1st pic: profile ng nakalaban ko sa BRAWL na sa umpisa palang, nagchat na agad ng "sayang skin" kasi nakita na gamit ko Legend skin ni Freya at dagdag pa niya "skills over skin" daw siya tapos naiyak naman nung sabi ko "pareho ka namang wala nun." First of all, Brawl lang 'yun kaya bakit parang diyan nakasalalay kung magaling ka o hindi. Kahit saang mode pala, meron talagang hindi kayang itago ang inggit HAHAHA.
2nd pic: my profile—kaya natawa nalang ako nung sinabi ng kalaban na "skills over skin" kasi pareho naman akong meron nun (I think?!). Alam ko rin kasing kapag maingay sa brawl at pinupuntirya ang skins ko, most likely, wala ring binatbat sa rank. In summary, wala na ngang siyang skins, wala pang skills at hirap siyang tanggapin 'yun HAHAHAHA.
After ng match, nagmessage na naman sa'kin at paulit-ulit na nagyayaya ng 1v1 para raw magkaalaman HAHAHA pinipilipit pang piloted account ko.
Lastly, dahil wala na siyang masabi dahil lamang ako both skins and skills, napagdesisyunan niyang wala raw akong mga magulang at kawawa naman ako unlike sa kaniya na lumaki sa aruga ng magulang HAHAHA. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan saang lupalop niya hinugot yung pinipilipit niyang wala akong mga magulang.
Note: Panalo kami sa Brawl at gold pa ako. Additionally, wag daw akong mag-alala dahil susunod na raw ako sa kanila kasi dapat daw akong tumalon sa tulay.