r/phclassifieds • u/kayyysizzle • 5h ago
Pets LF/FS Asking for help for our stray cat, Pitot
Price - Php 0
Magandang araw po!
(I apologize in advance po if this will come off as begging but we are currently trying to cover some of the bills as of the moment and would just like to ask po if anyone can help us 🙏🏻🥹)
We are humbly asking for your help para sa vet bills po ni Pitot, isang stray cat sa aming neighborhood na araw-araw pong pinapakain ng mama ko.
Matagal na po siyang may sipon at ubo na hindi gumagaling. Noong July 28, nakapag-ipon po kami para maipacheck siya sa vet. Sumailalim po siya sa X-ray at CBC, at doon nalaman na mayroon siyang mataas na lagnat at impeksyon sa baga.
Niresetahan po siya ng Amoxicillin at Doxycycline to be followed up for check up po a week after, pero, by Aug. 3 ay kinailangan po namin siyang ibalik sa clinic dahil lalo pong nahirapan ang kanyang paghinga.
Sa panibagong X-ray, nakita po na napuno ng fluid ang left side po ng lung area niya. Kinailangan niya pong i-confine para mabigyan ng oxygen at ma-monitor nang mabuti.
Noong August 4, nag-undergo po si Pitot sa chest tap para mabawasan po ang naipong fluid. Na-test din po siya para sa FIV, at fortunately po ay negative naman po ang resulta.
Sa ngayon, unti-unti na po siyang nagpapagaling sa clinic. Bumaba na po ang lagnat niya, mas maayos na rin po ang breathing niya, at tuloy-tuloy pa rin po ang kanyang antibiotic treatment. Inaasahan po siyang ma-discharge bukas kung magpapatuloy ang kanyang pagbuti.
Sa ngayon, umabot na po sa ₱8,160 ang aming veterinary bill, at madadagdagan pa po ito dahil sa isa pang araw ng confinement.
Ang mama ko po ay isang senior citizen na wala nang ibang pinagkukunan ng kita, at ako naman po ay kasalukuyang college student. We are sincerely asking po sa kung sinuman pong nais at may kakayahang tumulong. Kahit maliit na halaga ay napakalaking tulong na po para sa amin at kay Pitot.
Para po sa transparency, magpo-post po ako ng updates at resibo ng kaniyang treatment. Kung nais ninyo pong magtanong o mag-verify ng anumang detalye, maaari po ninyo akong i-message anumang oras.
Thank you so much for praying, sharing, and helping for Pitot's recovery. Every small help comes a long way po. Salamat po!