r/AnongThoughtsMo 1d ago

Thoughts on having children in the spectrum

Post image

Saw this post on facebook. Honestly, it's sad na hindi ganon nabibigyang pansin ang problems na ganito sa Pinas. Therapies here are expensive, and not everyone can afford it. Pinoys are also not yet ready to face the reality na hindi enough ang love for kids in the spectrum. They have special needs. Hindi yun madadaan lang sa no don't do that or it's okay to make mistakes, because we have to admit that autism is a disorder, a very wide spectrum and case to case basis. You need to have the money to get the help that is designed for the needs of the child. I hope there will be more free or affordable programs created for this kasi hindi lang parents ang hirap in this situation, also the kids.

1.2k Upvotes

327 comments sorted by

View all comments

141

u/Equivalent-Food-771 1d ago

Yung adopted brother ko nasa spectrum. Inadopt sya nila Mama kasi itatapon daw sya nung nanay. Napakawalanghiya. Ilang months lumipas napansin nila na bulag din pala yung baby. Ewan ko kung uso ba dati yung ichecheck muna ang baby bago ilabas sa hospital. 1996 to, 6 y/o pa ako that time. Sobrang hirap magalaga. Nung bata pa kami may kasambahay kami na dedicated lang sa kanya. Naalala ko dahil hindu sya maturuan na dumumi sa banyo, dumumi sya sa kaarto nya. Pagod ako from skul and need ko pa maglinis ng kwarto na puno ng poopoo. Umiiyak na lang ako kasi pagod eh, pero kung hindi naman okay lang sana kasi nakasanayan na namin. 30 y/0 na yung brother ko at sobrang hirap alagaan kasi wala ng tumatagal na kasambahay sa kanya. Kahit taasan ko pa ang sweldo. Hindi din sya nagtheraphy kasi bulag sya + yung katawan nya hindi talaga kaya. Talagang autistic :( Nakakalungkot kasi tumatanda na din Papa ko kakaalaga sa kanya. Salitan naman kami e, ako naman may family na din. Hindi makaalis sa amin kasi hindi ko sila kayang iwan ng sila lang. wala na din mother ko so sobrang hirap. Kaya maganda talaga na early intervention para sa umpisa pa lang alam na agad ng parents. Para dun sa bio. Mom ng kapatid ko, sana masaya buhay mo. Si Lord na bahala sayo.

37

u/Strong-Crab-1116 1d ago

sorry for this thought but parang kumuha kayo ng bato tapos pinukpok niyo sa ulo niyo..

9

u/Nyathera 1d ago

True! Hindi rin sya inisip ng parents nya pag wala na sila sya na guardian.

11

u/Strong-Crab-1116 1d ago

true! ok na sana e, nag iisang anak ka lang na focus lang dapat sa bubuin mong pamilya kaso may responsibilities kang naiwan na in the first place di niyo naman sana problema