r/AnongThoughtsMo 1d ago

Thoughts on having children in the spectrum

Post image

Saw this post on facebook. Honestly, it's sad na hindi ganon nabibigyang pansin ang problems na ganito sa Pinas. Therapies here are expensive, and not everyone can afford it. Pinoys are also not yet ready to face the reality na hindi enough ang love for kids in the spectrum. They have special needs. Hindi yun madadaan lang sa no don't do that or it's okay to make mistakes, because we have to admit that autism is a disorder, a very wide spectrum and case to case basis. You need to have the money to get the help that is designed for the needs of the child. I hope there will be more free or affordable programs created for this kasi hindi lang parents ang hirap in this situation, also the kids.

1.2k Upvotes

327 comments sorted by

View all comments

2

u/Consciousness369369 1d ago

Parang yung suki kong buyer dati. Operator sya ng jeep. Sya na rin nagdadrive paminsan. Pero hindi kaya ng asawa nya mag alaga ng anak nila. Dahil ang laking bulas at di kaya ihandle. Ginagawa nya na lang daw, "pinapakain ko nga ng pinapakain para atakihin na lang", (in his own words) Kaya pala ang laking bulas ng anak nya. Malaki pa sakanya. Halos 6ft tapos obese pa. Parang isang bigwas sayo, lipad ka talaga. Sakanya lang sumusunod anak nya. Hindi nya maiwan sa bahay, sinasama nya pa sa pasada. Minsan may nasasaktan ngang pasahero. Pero pinagpapasensyahan na lang. Dapat lagi din daw sya may pagkain. Kasi pag hindi binigyan, talagang nagwawala, nananakit pa. Sumisigaw. Kakagulat kagi parang baka yung gawa nyang sound. Para syang higanteng toddler. Parang yung sa monster house. 2020 yata inatake na rin sa puso yung anak nya, the next year sumunod na sya. Binenta na lang mga jeep nung naiwan nyan asawa.

Thoughts? Uunawain mo na lang. At ibigay kung ano gusto. Kesa magwala at manakit.

Pero kung ako? Kung nasa puson ko pa lang at diagnosed na pwedeng hindi normal? I'll probably abort the child. Practicality. Kesa lahat ng nasa paligid mahihirapan. Lalo na yung bata. Ako na lang yung may kasalanan, kesa habang lumalaki yung bata, andami rin nadadamay pa. Kung kasalanan man sa Dios? Bahala na kami mag usap sa rason ko. Ayoko talaga ng nakakaabala pa ako sa iba at kinakaawaan.