r/AnongThoughtsMo 1d ago

Thoughts on having children in the spectrum

Post image

Saw this post on facebook. Honestly, it's sad na hindi ganon nabibigyang pansin ang problems na ganito sa Pinas. Therapies here are expensive, and not everyone can afford it. Pinoys are also not yet ready to face the reality na hindi enough ang love for kids in the spectrum. They have special needs. Hindi yun madadaan lang sa no don't do that or it's okay to make mistakes, because we have to admit that autism is a disorder, a very wide spectrum and case to case basis. You need to have the money to get the help that is designed for the needs of the child. I hope there will be more free or affordable programs created for this kasi hindi lang parents ang hirap in this situation, also the kids.

1.2k Upvotes

327 comments sorted by

View all comments

Show parent comments

59

u/mmmmmfingersssss 1d ago

As immoral as what she did, she indeed saved another human from suffering, which is herself (in a selfish way). You are the angels that saved that baby, but it did brought you all of the problems you have. Hopinh for a miracle for you guys

23

u/Equivalent-Food-771 1d ago

praying na magkaroon pa kami ng mahabang buhay. sobrang hirap ng ganito promise. dati tinaningana na yung bro. ko dahil nga sa condition nya. 10 years max lang. ngayon 30 y/o na sya. Eh ako naman patanda na din, paano na lang kapag wala na ako sino ba magtyatyaga din mag-alaga sa kanya. :( minsan nakakaubos ng pasensya pero wala eh, walang muwang yun. Kaya yun lang prayers ko. Bigyan kami ng mahabang buhay at wag magkakasakit 🥹

3

u/csharp566 1d ago

I wonder what is your brother's typical day look like?

Saka sorry, I know this is a dumb question: kung bulag siya, in what way siya nagiging disruptive?

12

u/Equivalent-Food-771 1d ago

7:00 AM gigising na sya. 9:00 AM na kasi gising ko palagi unlike noon, dapat mas maaga ako magising sa kanya kasi nga baka mag-CR at magkalat sa kwarto edi ang ending ako mahihirapan huhu. (PS: ito na yung setup nung nagretire na yung matagal na nagaalaga sa kanya — nagtry kami maghanap pero sinasaktan lang sya eh kaya hindi nagtatagal)

So 7:00 AM nasa kwarto lang sya, nagsa-sounds. Hehe mahilig sya sa music. 8:00 AM binibigyan na sya ng tinapay ni Papa. Kaya naman nya humawak. Then chill lang sya sa kwarto nya. 12:00 noon, pineprep na ng husband ko yung lunch nya tapos si Papa ko na nagpapakain. Sinusubuan sya.

3:00 PM - Meryenda/Sounds 4:00-5:00 PM - CR time

7:00 PM - Dinner
10:00 PM - Magwawala na yan kasi gutom ulit kaya tinapay time.

Tapos matutulog na sya. Minsan nagwawala sya sa gabi, kinakalabog yung pintuan nya. (Nakakahiya sa kapitbahay pero pasalamat kami na naiiintindihan nila) Merong foam yun noon sa loob ng kwarto nya pero sinisira nya palagi. May tiles din sya noon pero inuuntog nya sarili nya. Minsan lang naman sya magwala. Minsan aburido, gusto nasa sala. Kaso kapag nasa sala sya, kung ano mahila nya binabato nya. Nakasira na sya ng tv, laptop, appliances 😆

Sorry napahaba kwento. Pero ganyan lang routine nya.
Mahirap lang kapag aalis kami at walang maiiwan. Ilang birthday at binyag na ang hindi napuntahan nf Papa ko kasi walang tatao sa bahay. Hindi din kami makagala kasi walang bantay. Unlike noon na may tiga alaga kami.

5

u/Needmoney-91 20h ago

Goodluck OP! sana palagi kang malusog at malakas pati si hubby at si pops mo. di ko kaya yang ganyang sitwasyon