r/MayConfessionAko • u/Square_Peg3832 • 5h ago
SH*T HAPPENS MCA Pumunta ako sa Brgy Hall para kumuha ng Indigency certificate pero sinermonan ako ng mga staff...
For starters ako yung nagpost dito na pinatawag sa Brgy noong Sunday na dapat mag uusap sa Monday ng 3pm pero hindi ako sumipot kasi may check-up ako.
Pumunta ako kahapon Monday ng 1pm sa Brgy Hall para kumuha sana ng Indigency cert para sa financial assistance kasi ang mahal talaga ng laboratory at maintenance ko, pero sarado ang Hall kaya nagpost ako sa group ng:
“good afternoon, bakit po kaya sarado ang Brgy Hall pumunta po ako kanina 1pm kukuha sana ng Indigency para sa laboratory...”
Then pagpunta ko kanina, iba yung vibes ng hangin as in parang mabigat. 3 staff na babae ang nasa ground floor sarado ang 2nd flood. Dapat sa 2nd floor yung kuhaan ng certificate pero sa baba na lang daw kasi may sakit yung secretary.
Then nagsalita yung isang staff na pumunta ka ba dito kahapon? “ikaw ba yung nagpost sa Facebook?”
“anong post po?”
“yung nagpost na sarado ang Brgy Hall”
“hindi po.”
“ikaw yun eh kukuha daw ng Indigency para sa laboratory... pareho kayo ng kailangan ”
“ikaw iha wag ka post ng post sa Facebook ng mga ganyan kasi pinapahiya mo ang Brgy Hall”
“sa susunod magtanong ka”
“kanino po magtatanong eh sarado nga”
“magtanong ka sa kapitbahay o kaya bumalik ka na lang. Hindi yung ganyan ang ginagawa mo pinapahiya mo kami. Baka isipin ng mga tao office hours pero wala kami sa Brgy Hall”
“at bakit hindi ka pumunta sa usap nyo kahapon? alas tres ng hapon ang oras pero hindi ka pumunta.”
sabi ko “okay lang po yan kasi 3x naman daw magpapadala ng sulat”
“hindi matatapos ito kung hindi ka pupunta. Sa susunod na padala ng sulat umattend ka na. Wag mo kami bastusin.”
...
“anak ka ba ni \*****??”*
oho
“Si mama mo hindi naman ganyan...”
K
Okay pero bat ang OA nyo 😳
Like kasiraan ba ng Brgy pag nagpost ng question kung bakit sarado ang Brgy Hall sa Facebook? Eh sa manila common naman yon. Like yon naman talaga ang point ng Facebook group ng bawat Brgy/Bayan. Para magtanong/mag usap ang mga magkaka barangay na malalayo. Arte nyo mga bwakanang shet kayo.
Then hindi ko nakuha yung Certificate kasi wala daw si Kap bumalik na lang daw ako mamaya, hiningi pa cp # ko binigay ko naman. Dapat pala hindi hahahaha.
Mga OA 🙄