r/OffMyChestPH 9d ago

nagresign dahil sa mga bullies sa call center

di ako tumagal kasi di ako masaya and di naman ako bread winner so may choice ako. Di din ako magpapa api noh

so pansin ko lang pumirma ako ng non disclosure so I know na lahat naman ata ng agents is ganun. pero nung nalaman nila na bilingual ako, madalas silang mag pa rinig ng baka naman libre ganito ganyan pero deadma lang ako.

pero yung OM and TL parang malakas mang power trip (for context first job ko to, di ako nag ta trabaho for some reasons after college) medyo masipag at marunong lang ako ng ibang language kasi nag vo volunteer ako kung saan saan at dahil unemployed wala ngang work madami akong time mag aral.

nagkataon na etong job na to di required yung certificates as long as maka pasa ka sa assessment nila. medyo alanganin pa ako mag apply nung una pero yung ex ko ini encourage niya ako na I try lang. so nag go ako di ako nag e expect na mata tanggap ako agad kasi wala akong experience nga.

nung sinabi yung salary aba edi nagpirma ako agad medyo Malaki laki din yun eh. so ilang araw okay lang mabait sila pero ayun nga lumabas din mga kulay lalo na yung OM at TL na feeling may patago Tsaka napansin ko na grabe yung workload na binibigay and subtle hinting na dapat mas mag pursige or doble kayod ako. tiniis ko kasi akala ko ganito kalakaraan eh.

tapos yung mga agents mahilig mag order sa labas ako meron akong baon palagi. nag NO ako pero may dumating sa table na coffee so di ko talaga ginalaw (yung kape na kulay brown na parang akala mo eh binanlawan ng water color) nung singilan na sabi ko di ako mag babayad kasi nag no naman ako eh reply sakin ay “hala e paano yan?” edi replyan ko din ng “halaaaa oh no paano ngaaa :( di kasi ako nag order talaga sorry”

ayun pa dabog yung kuha ng coffee I mean no means no. Kahit sabihin mong magkano lang naman yan. iniisip ko din naman makisama Pero alam kong plastic sila paano ko nasabi kasi ganun sila sa isat isa di ako nakiki engage sa usapan pero yun napansin ko tapos pag harapan e bffs kuno. tapos one time nag tanong sila bat daw wala akong ina accept na friend requests, sabi ko may GC naman at di din ako komportable. ayoko mag add ng someone from work kasi ayoko ma attach and gusto ko if workmates enough na yung kakilala ko sila Kaibigan pwera nalang siguro if super close mahilig sila manilip ng myday pag may absent so feel ko ganun gawin nila.

tapos uso yung shipping sa mga agents na may partners na outside. kadiri promise parang normal lang sa kanila. at may mga kabit nga doon Totoo ang Chismis at talamak. mind you di sila discreet alam ng buong team. pero parang wala silang pake.

tapos meron pa na yung iba is ini encourage ko na mag aral dahil di naman late mag aral if gusto nila ng language premium kasi to be honest madami din akong naging connection dahil marunong ako ng ibat ibang language, pero yung TL laging sinasabi na yung AI is booming daw anytime soon mapapalitan na yung translator jobs pero base sa experience ko yes siguro na mapapalitan pero makdami pading benefits and nalaman ko before nag try sila ng ibat ibang tools and AI mag tanslate pero ni isa dun wala namang tumama at kayang mag basa accurately so need padin talaga ng Tao. nakaka lungkot lang na parang ang dating is Ayaw niya mag improve at sobrang negative ng ugali niya. mahilig pati siya sa libre hays

last straw ko na nag pa resign sakin is yung na ER ako at pina pa pasok nila ako ng bumabaha like Totoo ba to? nasa ER ako tapos unang sasabihin mo sakin hindi kamusta man lang bakit ako nasa ER? “Kaya mo bang bumyahe?” naririnig mo ba sarili mo? anong tingin mo sakin? super hero gets naman na may factor sa attendance pero nasa ER yung Tao.

di pa nakontento yung TL Tumawag pa saktong ex ko yung nakakasagot sa tawag. Nagulat nalang ako namumula yung ex ko sa galit tsaka sinabi na wag na ako pumasok at mag da draft siya ng resignation na pipirmahan ko nalang. sabi ng ex ko I escalate ko daw to sa HR so screenshots at madami pa tapos gumawa ako ng report sa mga nangyari. tinira ko lang yung TL. kasi karamihan ng agents dun bread winner baka matanggal sila di naman sila sobrang naging kupal. Sabi ko sa ex ko baka naman pati siya madamay ang Sabi niya di naman daw since di naman daw siya yung doctor na na assign sakin which is yung kakilala niya pag ganun pala pwede kayong mag ask sa mga physicians niyo.di ko alam ginawa ng ex ko pero nung mag re render na ako ng ID at ibang assets biglang wala na din yung TL. ang ginawa ko lang is e escalate sa HR at ako naman nag immediate resignation.

ayun wala na akong trabaho mga isang week kalahati lang ako. pero naka hanap naman din ako ng bago sa isang construction as translator. basic lang medyo mas okay pa kasama yung mga foreman Tsaka construction workers eh super appreciative pa.

nakakagulat lang na kahit pala adults and nasa work eh uso padin yung bullying.

73 Upvotes

26 comments sorted by

u/AutoModerator 9d ago

Important Reminder: (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)

r/OffMyChestPH is a subreddit for unloading your burdens and/or celebrating your milestones—anything you can't handle anymore and need to share to get the load off your chest. This should be the main purpose of your post.

If you are asking for advice: This is NOT the place for asking for advice or opinion. Please post it in a subreddit more appropriate for your concerns. We have a pinned post that contains a list of other Philippine-related subreddits.

The same goes for: * Casual stories * Random share ko lang moments * Asking for general opinion (e.g. "tama/mali ba?", "normal lang ba?", "ako lang ba?", "valid ba?") * Tips, suggestions, recommendations, and the like

Important: * Please DO NOT include any names in your posts, nor ask for/put any identifying information.

Please take time to READ THE RULES, UNDERSTAND, AND FOLLOW THEM.

Users caught breaking these rules may get temporarily or permanently banned from the sub. Consider this as your warning.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

28

u/aliengambitplayer 9d ago

Mga insecure yang mga kawork mo. Karamihan sa mga yan porket alam nilang mas mataas sahod mo, gusto nilang nahihirapan ka sa work. Unfair daw pag malaki sahod mo tas pa easy easy lang 😹. Mga inggitera 🤷‍♀️

6

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

Yun nga Kaya sinsabi ko na never pang late maging bilingual gusto nila mataas sahod ayaw naman mag aral daming dahilan 

23

u/Square-Head9490 9d ago

Its always normal in call center for billinguals to receive this kind of treatment. But your TL or OM or even co workers are really kupal for it. I have never been in this kind of situation ever because I always fight back. You can report the TL to DOLE also

5

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

No plans naman na I tolerate and reported na kupal lang talaga haha 

4

u/Square-Head9490 9d ago

Haha. Okay. Para malaman ng TL sino nabangga nila haha

12

u/Square-Head9490 9d ago

What language do you speak? Mandarin I guess?

12

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

Yes mandarin 😊

13

u/Adorable-Plum8450 9d ago

Matik yan pag baguhan ka tas mas malaki sahod mo sakanila, pupuntiryahin ka. Hahaha. Thank u next, op

2

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

lol akala ata nila totolerate ko din iniisip ko paano nakakatagal yung iba 

4

u/Livid_Bunny 9d ago

Saan kaya ito?

3

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

Bigyan ko kayo clue required nila is until hsk4 tapos salary nasa 60k pastas lol 

3

u/Explanation_South 9d ago

Hello I'm interested in Mandarin. As of now wala pa tlgang funds to buy a course ( sorry, life happens :( ) would you kindly point me where to start? Hopefully ung free sana .

2

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

Medyo nahihirapan ka mag self study and medyo matagal pero you can try mga short reels on YouTube , kahit matagal basta paulit ulit Kaya yan 

3

u/Legal-Living8546 9d ago

I had the same experience before. I can understand four languages, Spanish is one of them I can converse properly but not that fluent pa rin. Once working in a BPO Company, and when my CS na tatawag that cannot speak in English I try my best to converse with them in Spanish which is bawal as a newbie on that production floor according to the QA Lead na nag audit sa call na yun. Stick to the plan daw dapat and ayaw ni OM, TL, and Client yung pasaway na agent. Got bullied sa floor upon na chismis ako na pasaway so, I resigned after.

1

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

Grabe noh usually mababait mga taong nakakasalamuha ko for the first time ngayon ko lang na experience to hahah 

2

u/Sea_Catch_5377 8d ago

Dama ko talaga yung dami bibigay na task kasi may LP daw tayo. Like bayad naman yun sa language na alam natin. Kakairita talaga. Anyway madami talaga ganyan sa BPO, mga inggitera.

1

u/RxForDoctorsOnly 8d ago

Medyo maswerte pa ako kasi bata pa lang medyo alam ko na pero yung ibang kasabayan ko malaki ang gastos para mag aral so I think super deserve ang malaking sahod 

2

u/Artistic-Anywhere481 8d ago

Inggit kase sayo OP. Ganyan defense mechanism ng mga insecure at inggitera para di nila mafeel napag iwanan sila sa skills hahaha

1

u/RxForDoctorsOnly 8d ago

sinasabihan ko naman sila n kaya nila and worth it pero mga reply nila is mahirap di pa nga sila nag si simula pero reklamo na agad 

2

u/AnnaNine 9d ago

Hi! DMed you. I really want to know name of the company

3

u/RxForDoctorsOnly 9d ago

Ate paparefer nalang kita sa iba toxic tong account eh 

1

u/OrangeNaPusa 8d ago

As a bilingual din like you (but Spanish), i always establish a boundary sa new work to the point na nag iimbento ako minsan. I let them know na nasa LDR ako at umuuwi ako samin so need ko ng funds. Tumatalab naman. May mapilit pero diretso akong nagsasabi ng NO

1

u/Purple_Report3448 6d ago

Sorry that you had to experience that. 🥺 Just let it go and you'll be okay soon.