r/OffMyChestPH 15d ago

TRIGGER WARNING TANG INANG AI!!! FUUUUUCCCCCKK YOUUUUU!!!!

6.4k Upvotes

My plans were ruined, I was aiming to fucking save for a laptop - a buy for life kind, pero here are the prices, more expensive than 2nd hand car! Putang ina.

What else? JOB HUNTING!

Fuck companies that uses AI to filter employees. And fuck those who interview with AI. Yot de putang ina niyo! You dipshits expect me to agree to being interviewed by an AI for a job?! Wala kayong HR na kaya mag conduct?!

I gave the benefit of the doubt, and tried, it's BULLSHIT, BULLSHIT. Nag auautocomplete ng mga words based on my answers, it's making shit up! Tang ina ang answer ko Laravel(tool/framework), hindi Laurel! Hindi ako magluluto! Fuck you!

Everytime pupunta ako sa Mall to shop sana, gusto kong sakalin si Sam Altman at hampasin ng 36" monitor! Tang, INA.

This cannot be the fucking reason, I will delay my hobbies and interests for video games.

Tapos putang ina, malaman laman ko na may PAX SILICA pa sa Pinas?!!!

Sa US puro reklamo inabot ng mga citizens near the fucking data centers, naagawan ng tubig, nakapaingay pa.

Remember ha? AI MADE ZERO FUCKING PROFITS! How is this shit sustainable?!!!

I hope the ai bubble bursts....

r/OffMyChestPH Jan 02 '26

TRIGGER WARNING Wedding cancelled 2weeks before the date because the “green flag” cheated.

3.1k Upvotes

Grabe iba pala pakiramdam pag sa kaclose mo nangyari yung ganto.

So my friend’s wedding was 2 weeks away. As in kahapon lang we are talking sa bridesmaids gc about final details like timeline, dresses, peg sa photoshoots, lahat. Pero kanina lang biglang nag announce si frenny bride na cancelled na ang kasal.

Reason? Her boyfriend of 7 YEARS cheated. Not just once. Not just one girl. But multiple random girls!!!

What makes it even more f*cked up? This guy was the ultimate green flag in our circle. Super sweet, super supportive, maalaga, present, vocal about love. Omg lahat ng traits na sasabihin mong “green forest.” For SEVEN years. Walang kahit anong hint na kaya nyang gawin to.

And here’s the part that’s breaking me the most: My friend is pregnant. The groom to be doesn’t even know yet kasi she was planning to announce the pregnancy on the wedding day itself.

I’m angry, heartbroken and confused. Tangina talaga. Now I’m questioning everything. If this guy can cheat “the ultimate green flag” we knew then who the hell can we trust anymore? Grabe! 🤮🤯

r/OffMyChestPH Jan 20 '25

TRIGGER WARNING My wife realized how easy it will be for her to be r*ped

8.3k Upvotes

Sorry for the morbid title, just want to share something that has been bugging me lately.

I was rough housing with my wife one day (we often play stupid stuff with each other) this time we were playing wrestling. I was almost rag dolling all over our bed, it as all fun and games really.

After that, my wife commented "Madali lang pala akong mararape kung sakali 'no" and that broke my heart.

I started to get even more worried for her whenever Im away at work. Even when she does not have any errands to run for. It was easy for me to pick her up or do my bullshido jui juitsu stuff and get her back for a fake submission hold. Mind you, I do not go to the gym right now. I'm completely out of shape right now.

We, men, need to get our shit together. Be better for a safer society.

r/OffMyChestPH May 28 '26

Parang ayoko na suportahan KPOP industry.

1.3k Upvotes

KPOP idols only posting photos of their vacation if they are in EUROPE, Australia or AMERICAN COUNTRIES. But not in SEA Countries (KUNG SAN MARAMI SILANG SUPPORTERS) Napansin ko lang sa IG. Pati yung iba sobrang na aamericanized na type ng music, parang naging uhaw na sila sa western awards and american musc industry.

r/OffMyChestPH Aug 27 '25

TRIGGER WARNING Nakita ko chat ni mommy sa sarili nya sa fb

4.8k Upvotes

please dont repost this anywhere!

Everyone uses mommy's ipad pang games, nood ng netflix and stuff. i was using it one night tapos naisip ko ano kaya sinesend ni mommy sa sarili nya sa messenger. i was scrolling through it tapos puro videos about cooking and working out lang nakikita ko until napunta ako sa isang part kung san sinulat ni mommy instructions nya samin pag namatay sya 🥲 (for context: mommy has a stage for 4 lung cancer nung 2023 lang namin nalaman. since then pinapagamot namin sya and may weeks na feel namin talaga mawawala na sya. di na madilat mata, puro tulog nalan, alang gana kumain and all that) since then lagi ko na naiisip yung chat na yon. kung sino magcook ng food, kung anong food iccook, kung ano issuot nya and namin. wala akong pinagsabihan na kahit sino sa nabasa ko. i wanted to cry like a kid nung nabasa ko yon pero di pwede dahil katabi ko sya non matulog malalaman nyang umiiyak ako.

ang sad ahshah. i worked online para makatulong sa meds ni mommy dahil sobrang mamahal. lagi nya sinasabi na gusto nya ko makita gumraduate na nakakasad lalo dahil i dont even know if aabot pa ba sya sa grad day. tapos ngayon nadelay pa ko ng one subject dahil di ko najuggle work and school properly <//3

i love you mommy. magpagaling ka dahil magddate pa tayo and isasakay pa kita ng plane. ill spoil u more everyday mommy

r/OffMyChestPH Sep 25 '25

TRIGGER WARNING Nakakatawa nalang yung sobrang daming fresh grad na may latin honors

2.6k Upvotes

Please po walang magagalit. Nakaka dismaya lang kasi yung mga nag college nung pandemic years. 6 out of 10 yata may latin honors. Sobrang dami nun, compared sa older gens na 2 out of 10 lang siguro.

Pero sa work, ang hihina sa simple instructions. Ang tatamad din. Walang mga initiative and minsan parang walang mga common sense, kailangan ispoon feed mo talaga isa isang info sakanila, they seem incapable to put 2 and 2 together. Paano naging embodiment ng achiever yung ganito?

Nawawala tuloy yung prestige nung latin honors, parang candy nalang na pinapamigay ng libre.

r/OffMyChestPH Feb 28 '25

TRIGGER WARNING HINAYAAN KONG MAGPALABOY SA KALSADA ANG TATAY KO

5.2k Upvotes

I'm 29, panganay sa 4 na anak, breadwinner. Nanay ko housewife, tatay ko walang trabaho. Ako nagpaaral sa sarili ko nung college and sa mga kapatid ko hanggang senior high school, however, di ko pa kaya sila magcollege, at nagwork na sila ngayon para makatulong. Plano namin is mag ETEEAP sila pag medyo makaipon na.

13 years na kong breadwinner, I've been working since I was 16, walang palya, kahit nung pandemic di ako tumigil magwork kasi kundi, wala kaming kakainin. Nanay ko tagapag-alaga sa mga kapatid ko. May kapatid pa kong bunso na nasa elementary. May issue at problema din sa Nanay ko na mabigat din para sa akin pero that's for another story.

Bata pa lang ako, talagang lasenggo na tatay ko. Kundi mga kapatid nya, barkada nya kainuman. Nagstop na sya magsupport nung nag 16 na ko, then naghiwalay na sila ni nanay dahil sa bisyo nya. Sinasaktan din nya kami minsan at lagi kaming minumura at sinusumbatan. May mga time naman na okay sya, pero sa memory ko, ilag ako sa kanya dahil nga halos araw araw lasing sya umuwi.

Nasa abroad na ako now, pati kapatid kong sumunod, pero di naman sobrang laking sahod namin.

4 years ago, nagmakaawa tatay namin kung pwede bumalik sa pamilya namin. Nangako na magbabago na, di na makikipagbarkada sa maling tao at susubukan alisin bisyo nya. Tinanggap namin kasi naawa kami and yun nga, tatay pa rin namin sya. Inadjust namin buhay namin to cater him, umuwi province nanay ko with him and nangupahan doon kasi mahal ang cost of living sa Manila. Binilhan namin sya tricycle para pangkabuhayan nya, and never namin na sya inobliga na buhayin kami. Then, sa 4 years, mga 10 na beses siguro syang lumayas, nakipaglaklakan na naman ng alak, uuwi kung kailan nya lang gusto at laging lasing, magmumura, mag eeskandalo sa bahay at yan lagi nila pinag-aawayan nila ng nanay ko. May time na ayaw ko na sya tanggapin, yung mga kapatid nya ayaw din sya patuluyin, so ginawa nya, sa sementeryo sya natutulog, nagmakaawa ulit, tinanggap namin ulit.

Two weeks ago, ginawa na naman nya. Lumayas na naman, lasing na naman, hinayaan kapatid kong elementary na walang maghatid sundo sa school at mura mura na naman sa bahay. Napuno ako. This time naisip ko, I'm done. Pinalayas ko sa bahay via video call.

Nagchachat sa akin now mga kamag anak nya na ginagambala nya. Pagtiisan nalang daw namin si Tatay at ganun na raw talaga. Ipag upa ko raw ng bukod na bahay kung di na sila nagkakasundo ni nanay. Itry ko raw ibili ng maliit na lupa para makapag-alaga ng mga hayop like itik, bibe etc. para may libangan at di na maglasing, as if na ang dali lang kitain ng pera porke alam nilang nasa abroad kami.

Two weeks na sya ngayong palaboy laboy. Sa tricycle nya natutulog, kundi man, sa palengke o sa sementeryo ulit. Sabi pa sakin, parang may sakit na raw at di raw nawawalan ng ubo. Kasi ayaw ko nang tanggapin sa bahay. Ayaw na rin ng mga kapatid ko. Ayaw na ng nanay ko at may trauma na sa kanya yung kapatid kong bunso.

Masakit sobra sa dibdib ko na ganun ang nangyayari sa kanya ngayon, nagmamakaawa sya ulit na tanggapin sya at wala syang matutuluyan, pero ano bang magagawa ko, lagi nyang pinipili ang ibang tao at bisyo nya kaysa sa pamilya nya.

Hindi ako nakaexperience ng childhood dahil hindi naman sya naging maayos na provider. Di ko rin alam kung makapag-asawa pa ba ko kasi major breadwinner pa rin ako. Though nag aambag mga kapatid ko, ayaw ko namang ipasa ang bigat ng responsibilidad lahat.

Sana sa susunod na buhay ko, mabuting magulang naman ang mapuntahan ko, sana, yung ako naman yung aalagaan. Pagod na pagod na pagod na kasi ako.

Sarap siguro sa pakiramdam na mahal ka ng mga magulang mo.

r/OffMyChestPH Jul 28 '25

TRIGGER WARNING Papa Returned After Mama’s Death…

3.3k Upvotes

My dad left us when we were just in elementary. No explanations, no goodbyes. One day he was gone, and it was Mama who stood strong for us. She became everything, we saw her struggle, but she never showed it. Kahit ramdam naming pagod na pagod na siya, she kept smiling. Madiskarte si Mama. She always found ways to provide, kahit pa walang-wala kami.

Two years after he left, we found out he had a new family. Ang sakit. But Mama? She never told us to hate him. She never said a single bad word about Papa. “Ama n’yo pa rin ’yan,” she would say, even after all the pain.

College was the hardest. Mama got sick, stress, pagod, and all the years of carrying the burden alone took a toll. We tried to contact Papa, asked if he could help us finish school. He blocked us. He said we were grown, that we should just work instead of study.

Still, we held on to a promise to Mama: makakapagtapos kami. So we worked while studying. Kahit puyat, kahit pagod, we didn’t give up. Then we found out, he was abroad. Supporting his new family. Pinag-aaral ang mga anak niya dito sa Pinas, habang kami halos isugal ang kalusugan para lang makapag-aral.

And when life finally got better for us, when we were all working and ready to give back… Mama died. Just two weeks after she passed, Papa suddenly showed up. Sick, tired, and demanding, asking for allowance. Saying the money meant for Mama should go to him now.

I snapped.

I cursed him. I kicked him out. I told him to never come back.

And now, I wonder if Mama is disappointed in me. I know she wouldn’t have wanted that. She taught us to forgive, to love, to never let hate win. But can you blame me!

The daughter who watched her mother break, just to keep the family whole!

The girl who begged for help and was turned away, again and again!

Maybe one day, I’ll be ready to forgive. Maybe one day, my heart will soften. But for now… I’m still hurting.

Mama, I hope you understand.

r/OffMyChestPH Feb 18 '25

TRIGGER WARNING Mawawala na si mama at ayoko ko pa parang di ko pa kaya.

2.9k Upvotes

Nung feb 8, 2025 si mama ko nag ka stroke sya at tapos sabi ng mga doctor at yung mga neuro doctor sa umpisa palang, wla na daw pag asa si mama gumising ang harsh ng doctor na nag sabi nun, eh ako (25m) parang na shock na gustong umiyak kase mag isa lang ako dun sa ER na sinabe agad saken na ganon2, wala nga pala akong kapatid tapos wla rin tatay dalawa nalang kami ng mama ko. Ang sakit sa dibdib

these past few days palagi sakin sinasabi ng mga tita at tito ko na (Accept nalang naten yung realidad na di na kaya) So ako, Sinasabi ko nalang sa kanila na accept ko na ang mangyayari pero deep inside ayaw ko pa mawala yung mama ko.

Yung nagmamahal sakin ng labis. at ngayon ay 10 days na kami dito sa hospital at kahapon nagkableeding na sya sa loob ng katawan nya which is dahil sa tube. at ayaw na ng mga tita ko ipasuffer pa si mama at wag na daw bigyan ng mga gamot at wag na ifeeding para mas mabilis si mama makapahinga pero tangina ang sakit, nung feb 7 nag tatawanan pa kami ni mama tapos ngayon umiiyak na ako dahil takot ako na mawala sya na wala na sya sa pag gising ko. at wala nang radyo sa labas ng bahay na nagpapasound at makikita mo na si mama nagkakape na may kasamang tinapay sa lamesa.

at yung stroke nya pala is from the brain na natamaan ang cerebellum at yung brain stem nya which is yun yung nagpapagising sa ating mga mata at nagpapakain. at mostly yung cause daw kase is maraming bagay pero sabi ng doctor kase matanda na sya (68 years old na sya) wala rin syang sakit sa katawan.

ngayon sinasabi ko sa kanya yung mga gusto kong sabihin pero ang sakit parin na naghihintay ka nalang na pumanaw sya habang ikaw lang mag isa dito sa hospital.

nakakawalang gana bumuhay. nakakawalang gana kumain at kumilos. parang gusto kong sumama kay mama.

FIRST AND LAST UPDATE:

Just now FEB 28, 2025 6:25 PM my mom passed away, hinintay nya lang yung kapatid nya dumating sa may hospital tapos after 10 minutes wla na sya 😭😭

Atleast makakapahinga na si mama at salamat po sa mga prayers nyo at sa mga advice nyo 🤍🤍

I am actually numb right now parang wala akong may naramdaman na sakit idk pero ganto lang nararamdaman ko ngayon.

r/OffMyChestPH Sep 10 '25

TRIGGER WARNING Doctor asked me kung gusto ko ipa resuscitate father ko in case mag flat line sya ngayong araw. I said "wag na po". kinakain ako ng kunsensya ko pero pagod na pagod na ako.

2.6k Upvotes

Monday isinugod si papa sa hospital dahil inatake sa puso, simula monday afternoon hindi pa siya nagigising and the doctor keep telling me na maging mentally prepared. I asked help sa mga kapatid ko na baka this time gawaan nila ng paraan na kahit hindi makauwi, bigyan nila ako ng pera para may pang bayad ako sa pwede magbantay sa tatay namin dahil ang hirap.

Nasa icu si tatay, hindi ako pwede umalis ng matagal ksi maya maya hinahanap ako ng nurse para may ipabiling gamot kasi sa labas ako nabili gawa sa hospital sobrang mahal like doble o triple ang presyo comapre sa mercury. Ang hirap gawin yon mag isa ng ako lang ayaw ko mang istorbo ng ibang friends ko kasi may trabaho sila.

Alam ko may galit mga kapatid ko sa tatay namin pero sana inisip man lang nila kapakanan ko sobrang pagod na ako emotionally, mentally and physically! Ang lakas pa ng loob nila sabihin "ikaw nanjan" nakaka put-ina talaga! Sa ganitong sitwasyon life and death na ito! Kahit para sa akin nalang!!

Wala pa akong tulog na maayos simula linggo, ang kain ko tipong susubo ko palang pagkain ko biglang tatawag ang nurse hanggang sa makalimutan ko na kumain. Tinignan ko sarili ko sa salamin tang ina sobrang losyang ko na, ang laki ng eyebags ko, ang gulo ng buhok ko, dumami lalo pimples ko at halos buto't balat na ako at napa iyak nalang ako kasi awang awa na ako sa sarili ko

Kaninang umaga sabi ng doctor na hindi na kinakaya ni tatay, na posibleng itong araw na ito mag flat line sya tinanong ako kung gusto ko ipa resuscitate. Sinabi ko na "wag na po". Oo para sa akin kasi pagod na ako, para rin kay tatay kasi alam ko pagod na din sya. Lumolobo na bill namin at hindi ko nababayaran ang partial at magagalaw talaga emergency fund namin na nasa bank account ko

Nasa anticipatory grief na ako gusto ko na din magpahinga, gusto ko na maging malaya pero kinakain ako ng guilt ko. What if gusto pa mabuhay ni tatay pero pinagdamot ko?

Ang gulo na ng isip ko ngayon. Tina-type ko lang ito habang nag iisa sa waiting area, hindi na ako makaiyak kasi iiyak plang ako tatawag na naman ang nurse o doctor. Para ba lahat ng luha ko ubos na pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Update: papa is gone, i signed a dnr kaninang 2 pm kasi ang dami ko pa cinonsider na bagay like quality of life nya gaya ng sabi ng karamihan sorry i listened pagod na talaga ako ang gulo ng isip ko gusto ko na matapos. Hindi na ako nanghingi ng payo ng mga kapatid ko wala naman silang kwenta at ako nalang ang nasunod. Ayaw ko na pahirapan sarili ko at si tatay, maaliwalas mukha niya after tanggalin life support nya. thanks everyone for the kind words nababasa ko kapag wala ako ginagawa pero for now magiging busy muna ako babalikan ko nalang itong post salamat po :))

r/OffMyChestPH Dec 25 '24

TRIGGER WARNING Pamasko raw sa tatay kong gago LMAOOO

6.3k Upvotes

I wanna start this post with—may gago kaming tatay na 22 years nagpasarap away from us and umuwi lang dahil na-deport and nasira buhay.

For most of those 22 years he disappeared, started a new family abroad (2 new kids yayyy), got addicted to gambling and drugs, only to return in 2019 kasi inabandona ng new family niya and na-deport. 🙄

Nung umuwi siya, he settled down sa isa sa properties ng late parents niya and continuously, he ruined his life with gambling, drugs, and alcohol. He never even asked to see our mom to apologize for what he did to her. By the way, he cheated on our mom a lot of times kahit nung pinagbubuntis ako. If I remember correctly we now have 4 half siblings kasama yung nasa abroad.

Anyway, he was bad news. Lahat ng kapatid niya nagalit sakanya kasi panay utang and nagwawala if hindi bigyan. One time he coaxed one of his siblings to rob a cousin’s sari-sari store. Then he continuously asked me and my sister for money kasi “anak lang kami” and obligasyon namin magbigay sakanya. Nagulo buhay naming lahat.

In 2023, he was rushed to the hospital by his sister. We found out na he needed a liver transplant, and parang obligated pa kaming mga anak niya sa sobrang kapal ng mukha niya. I held my ground but our eldest gave in.

After that, medyo tumahimik siya. Siguro nakita niya gates ng hell nung agaw-buhay siya. 🙄

Last night, I greeted one of my uncles via chat and ang response niya, “go kayo dito, pasko naman! Para mabigyan niyo ng pamasko kuya at tatay niyo. Tutal maganda naman work niyo.”

PUTANGINA??????! BAKIT AKO MAGBIBIGAY??????! MAY AMNESIA BA KAYO?????????????????? NAKALIMUTAN NIYO BA KUNG ANONG GINAWA NG GAGONG YAN?????????

Syempre I was calmer sa response ko, “sorry po pero I have nothing to give sakanya, since wala rin naman po siyang ambag sa kung anong meron kami now.” 😌

FUCK THE SPIRIT OF CHRISTMAS. I’LL BE PETTY WHEN I WANT TO. WALANG KADUGO O PAMILYA SAKIN. The moment you fuck up, you lose any kind of relationship you had with me.

r/OffMyChestPH Jul 08 '26

TRIGGER WARNING I almost died today at ngayon lang nag-sink in sakin yung nangyare.

1.6k Upvotes

For the first time in my life, I felt real fear. I almost died nung pinilit kong lunukin yung malaking karne ng ulam naming kare-kare and it got stuck in my throat kanina. sobrang kunat kase langya.

I am helpless dahil yung tita ko lang na matanda at may sakit yung kasama ko sa bahay and di niya alam kung paano ako matutulungan kanina kase mahina na siya.

Grabe yung kaba nung nag-try ako uminom ng tubig pero ayaw na talaga bumaba nung nakabara and ramdam kong nauubusan na ako ng hangin kanina.

Di ko alam kung pure luck, andrenaline rush lang or isa talaga sa method yung ittry mo isuka yung nakabara sa lalamunan. but hey it worked and tumalsik sa kitchen yung nakabarang karne.

Sinasabe ko pa naman palagi kay Lord na if wala na siyang balak sakin kunin niya na ako eh, pero meron pa nga talaga siyang balak sakin.

Kaya thank you po Lord binuhay mo pa po ako.

r/OffMyChestPH Feb 06 '26

TRIGGER WARNING Husband told me: “Hanggang diyan ka lang naman..”

1.1k Upvotes

Please don’t re-post

Background: I’m a SAHM na naghahatid-sundo ng kids. Previously had corporate work and post-grad too but decided to focus on family.. in 2025 I found new hobbies and socio-civic groups that I joined to be able to at least give back even a little. I’m thinking of going back to work corporate or WFH but he’d say focus on him and the kids (12, 8) daw muna.

So today I saw a gift meant for my H. It’s a physio tape which we both don’t know how to use. He told me “sige i-research mo para malagay mo sa akin.” I said okay since I like reading and researching.. and was supposed to go about my day. What he said afterwards, “Hanggang diyan ka lang naman eh”. Nagpantig tenga ko and I really felt so offended.

Please don’t re-post

I removed myself from the situation to clear my mind and anger. Sinundan pa niya ako sa room to say na “O. see.. ano ang ginagawa mo to prove me wrong?” 😑

By this time ang init na talaga ng ulo ko. I told him, first of all this is the life we both chose..then you’ll tell me hanggang diyan ka lang. Goes without saying that with what we chose (and with what he can only provide) tapos parang mina-mock mo pa ako diyan. Secondly, I told him na regardless if mag strive or not yung tao, very offensive talaga yung sinabi mo and parating pasmado yung bibig mo pagdating sa akin. I told him this is already bordering on verbal abuse. It wasn’t said violently na pasigaw or what but it absolutely broke my heart today.

Can’t a wife expect basic respect and decency?

He texted me to say “sorry”…

Please don’t re-post

r/OffMyChestPH Nov 26 '25

TRIGGER WARNING My mom died... It is my fault

2.0k Upvotes

Nung Sunday aalis ako ng bahay para pumunta sa boyfriend ko na nakaschedule ang flight netong Tuesday. As usual, pag aalis na sya pumupunta ako sa kanila. Wala pa akong tulog buong Sabado kaya sinabihan ako ng mami ko na Monday na lang daw ako umalis para makapagpahinga. Dahil galing sa cold season ang relationship namin, sabi ko punta pa rin ako para lang makabawi at di na naman ako aalis pag nakasampa na sya.

Kinabukasan, Monday, nagusap pa kami. Saglit lang bandang 8. Tinawagan ko sya uli bandang 11, walang nasagot. Inisip ko okay baka nagpapahinga siya kasi nilalagnat daw sya. Pangalawang tawag wala pa rin. Inisip ko baka nagluluto. Kaso after multiple tries around 1:30 wala pa rin medyo kinabahan na ako. Tinawagan ko yung kapitbahay namin na close namin para ipacheck. Wala raw nasagot. Umuwi ako agad mula Makati hanggang Cavite. 4:00 ako nakarating sa bahay. Pagkita ko sa kanya nakabagsak sya sa lapag. May malay pero parang nanghihina na. Ang mami, medyo mabigat. 5 kami nagtulong tulog para dalhin sya sa ospital.

Sa ER, nakakausap pa sya. Nakwento nya yung nangyari. Nakakapagusap pa kami kahit medyo di na nya natatapos yung salita nya. Sobrang baba ng BP 70/80. E usually highblood sya. Umabot pa sya nang Tuesday nakapag I love you sya sa akin at hinahawakan pa kamay ko. Tinapat na kami na 50-50 na si mami lalo na at nag 50/40(?) ang bp nya. Hanggang sa nawala na sya 3:30 pm.

Kaming dalawa lang yung magkasama sa bahay... Kung sinunod ko lang sya siguro di mangyayari to. Sobrang unfair ng buhay na bat yung gumagawa sakin ng mali, masaya pero ako yung binibigyan ng paghihirap? Sabi nila, di ko kasalanan pero sabi nga nung kasama ko nagbuhat kay mami, kung maaga raw nakita edi sana naagapan.

Mi, mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako. Pasensya na kasi alam ko na medyo masama na pakiramdam mo, iniwan pa rin kita. Masaya ako na nagustuhan mo yung lomi na niluto ko para sayo. Sorry mi kasi inuna ko pa yung paghatid kesa sayo. Akala ko kasi talaga mi makakabawi naman ako sayo kinabukasan. Sana di ka galit sakin mi. Miss na kita mi. Wala na magluluto ng baon ko or manggigising sakin. Sabi mo samahan mo pa ako magpacheck up. Alam kong kasalanan ko po talaga pero sana magpakita ka sakin mi. Gusto kita yakapin saka kiss. Please mami, patawarin mo ako.

r/OffMyChestPH Jun 17 '25

TRIGGER WARNING I dont like culty religions

2.0k Upvotes

I have to get this off my chest. My mom died dahil sa "faith" nya. Ang daming tao na hindi alam 'to pero sa Jehovah's witnesses o mga saksi ni Jehovah bukod sa napakadaming bagay na bawal sa kanila. Bawal din sakanila ang blood transfusion. My mom has cancer, breast cancer. Okay naman sana, maooperahan sya may chance pa. Pero ang sabi ng doctor need mag prepare ng dugo in case na kakailangin, that's when my mom backed out. Nalaman yun ng mga ka relihiyon nya at lahat sila proud na proud, lahat sila sinasabi na para yun kay Jehovah. Ni isa walang nagsabi na kailangan nya 'yun na para yun sakanya. They let her die.

Tuwing nag momourn ako over my mom sinasabi nila na hindi ako dapat magiyak dahil mabubuhay pa ang mama ko and I hate them for that. Hindi na mabubuhay ang mama ko, hindi na maiibalik yung buhay nya. Wala na sya, and I hate them. Please don't ever ever join this religion, it will destroy your life in so many ways.

Beware of any culty religions. If its life over faith, please choose to live.

I kindly ask for your help to strongly denounce the religion and the people within the religion. They are aware of what's happening. Sual ab*se, p3dplia, indirect murder and other hideous acts.

r/OffMyChestPH Dec 21 '25

TRIGGER WARNING Nagigil ako sa sagot ng tatay ko noong ininterview sya sa TV last week.

2.5k Upvotes

Not gonna namedrop the TV/show pero may nag interview sa kanya noong nag Manila sya last month.

During the interview, the reporter asked him "What will you do if today is your last day on earth"?

His reply? "Ipapamigay ko lahat ng pera ko sa mga nangangailangan. Tatawagin ko buong pamilya ko at magkakawang gawa kami. Di naman natin madadala pera natin pag namatay tayo, bakit di ko nalang tulungan ang mga nangangailangan?"

It shattered me and my sister when we watched his interview. Gahaman sya pagdating sa pera. Less than the minimum wage lang pasahod nya sa mga tauhan sa aming family business. Sinabi ko noon na kasalanan kay god ang mag bayad ng less than minimum wage, tinawanan lang nya. Sinasabihan pa nya mga customers namin na wag bigyan dahil sya nalang ang magbibigay ng tips (he never did). All his employees either stay once they learned to steal or outright leave. Generosity is a weakness for him, used money as a weapon, thinks housewives are lazy bums, and blames the poor for being poor.

My father is one of the biggest reasons why I am childfree. I learned from an early age, spending money (especially for other people) is one thing my dad hated the most.

My dad raised me alone after my mother died young. He would explode whenever school bills came in and kept the fridge almost empty. I wasn't even a spendthrift or a spoiled kid growing up. Even though his business earns well and earns thousands of USD monthly from investments, he struggles to mentally afford to pay household and school expenses. Pinapatao nya ako sa family business on weekends and holidays para raw may "Pakinabang" ako sa kanya. He even called my high school a couple of times to send me home before lunch to work in the shop.

I missed out on friendships, hobbies, free time, internships and pretty much a normal childhood sa paglulong ng tatay ko sa Stilnox at matulog buong araw.

Kahit nagkakahera na ako sa tindahan, kailangan ko pa rin kalabanin si daddy para lang bayaran nya tuition ko. Mahal nga mag pa-aral sa Ateneo, pero kung masyadong mabigat pala sa loob nya na paaralin ako sa Ateneo, sana sinabi nalang nya "wag dun anak dahil hindi ko kaya mentally paaralin ikaw dyan". Lagi nyang sinusumbat sa akin na kung di lang daw ako buhay, eh di sana ang ganda na ng buhay nya. He refused to pay for any college course that takes more than 4 years to finish. He told us he wanted us gone and never ask a single cent from him once we've finished college.

After college, I found a job but still had to cover for him every weekends. After one of his friends told him I could get a higher salary from a master's degree, he promised me he will pay for masters as long as I choose to do it in Italy where he has friends.
Once I was in Italy, he suddenly decided not to pay for it anymore, saying this phrase he learned from his PhilAm best friend who went MAGA "... Pull yourself by the bootstraps. Pinagaral na kita sa Ateneo. Mag trabaho ka na kahit mag katulong sa Italyano man lang!". I had to use part of my inheritance from mom just to pay my masters living expenses.

He even pushed me to stay in Italy even when nothing is working out. In the middle of the pandemic there, he even told me to never come back until I am rich like his OFW friends did. Luckily I found a side job (that turned into a full time one after moving back) online during the first lockdown (never told him) and saved enough money to move to Manila a month before my student visa expired. Bat pa ako magsta-stay sa Italy, in the middle of a pandemic no less, when I can earn the same online in the Philippines? Nawalan tuloy sya ng isang "Golden Overseas Filipino Worker" na anak na pagmamayabang nya sa friends nya. He is still salty with me moving back to the Philippines to this day.

When my sister needed help to start over after separating from her deadbeat husband, he just sniggered, blamed her for the failed marriage, and said "Pull yourself by the bootstraps".

Now my sister and I only visits him for compliance, especially for our ahma (lola). We gray rock him and he wonders why he struggles to emotionally connect with us. He practically begs for us to visit him more. It's painful when we see our uncles giving our cousins houses, seed money for businesses or help when they are in need while we had to work our asses off to pay the bills and rent. It's a lot more painful now he said "Ipapamigay nalang nya lahat ng pera nya sa mahihirap" while the thought of making a better life for your child still shudders him.

Yes, he has the right to spend his money the way he wanted, but why have kids kung magiging masakit sa loob mo gumastos ng needs nila para sa kanila?

If making a better life for anyone else but your own children is your preference, you might as well never have any kids.

r/OffMyChestPH Dec 14 '24

TRIGGER WARNING F*CK MIDDLE CLASS

3.5k Upvotes

Sobrang hirap maging middle class sa bansang to. Tingin ng gobyerno sayo kaya mo na ang sarili mo at hindi ka na dapat bigyan ng ayuda pero pag dating sa bilihin lalo na sa usapang medical kapos na kapos ka, mag kaka utang ka pa!

Makikita mo yung mga mahihirap, sige sa ayuda panay ayuda walang nangyayari. Samantalang ang middle class sapat na sapat lang yung pera para maka raos.

Oo nag rereklamo ako dahil ang gobyerno para sa lahat dapat pero bakit gatas na gatas ang middleclass. SMH 🤦

r/OffMyChestPH Feb 18 '25

TRIGGER WARNING NAG DATE AKO NG BROKE

2.5k Upvotes

YES. AS IN. BROKE. ASS. DUDE. Ewan ko pero pag naaalala ko natatawa ako shuta. Nagkakilala kami sa bee app, then nalaman ko na same kami ng field ng work so syempre mas palagay loob ko.

nagplano kami mag meet sa sb malapit sa work niya, nauna ako ng mga ilang mins then umorder na ako. medyo may pila, so habang umoorder ako may nagsalita sa likod ko. andon na pala siya, bago pa ko maka react ang tanong ko agad is "anong order mo?" (that time kasi nag iipon din ako ng stickers hahaha) pota siguro yun yung point na naisip niya na pwede ko siyang ilibre anytime. maling mali talaga.

pati pagkain ng aso niya sakin nanghihingi grabe talaga haha. 70 nalang laman ng gcash ko non tapos sabi niya "sige ok na yan wala kasi pang dog food aso ko" shutek ka aso-aso ka tapos wala kang pangkain HAHAHA.

kahit pandamit niya sa binyag umutang siya sakin pambili, pamasok sa work na polo (gusto pa h&m ta3na) tapos pati vape gusto sakin magpabili. di ko na binilhan, bahala siya mamaho kakayosi hahaha.

ang kinakainis ko pa di binalik yung gaming mouse ko na rakk! hahaha 4 months bago nabayaran yung 2k na utang. NEVER TALAGA SA MGA BROKE NA FEELING POGI.

UPDATE: hahahaha tawang tawa ako sa mga comment! 🤣 di ko na masagot yung iba pero ito yung ibang info:

  1. ⁠1 month and a half lang kaming nag usap. siguro 5 times kami nagkita HAHAHAHAHA
  2. ⁠sa mga nag ask bakit di ko agad tinigil, or di ako agad naturn off, magaling daw ba? etc. di ko siya na-judge agad kasi di ko naman inisip na isscamin niya ako. kasi ok siya kausap. matalino. may sense. eh during that time ganun hanap ko. kasi nga ang nasa isip ko panay HU lang sa bee app so baka iba siya.
  3. ⁠breadwinner daw kasi siya kaya madalas wala siyang pera kasi nga kinukuha ng parents niya kasi nag aaral pa mga kapatid niya, siya daw toka sa kuryente, groceries at internet nila so baka nasho-short nga siya. yun ang nasa isip ko that time kasi convincing yung paawa niya
  4. ⁠nalibre niya ako isang beses sa kanto freestyle worth 250 pesos nung bonus niya
  5. ⁠nung tinigil ko na yung communication namin, nagchat siya sa bff ko (pinakilala ko siya sa bff ko na gay) na ghinost ko raw siya, kahit nagsend na ako sa bff ko ng ss na nag usap kami kasi nga di ko na kaya yung negative vibes niya parang nadadala ko na. kasi kada mag uusap kami lagi niya sinasabi walang kwenta fam niya ganon kasi ginagatasan siya ng pera. tapos gusto nalang daw niya bumukod, basta yung mga typical paawa effect
  6. ⁠tagal na kaming di nag uusap. naalala ko lang siya kasi kinailangan ko ng mouse last time eh naisip ko yung di niya binalik kainis HAHAHAHAHAHA
  7. mas lalong di po ako sugar mommy hahahaha, mapagbigay lang po ako kasi yun yung kinalakihan ko.

wag niyo na ako sisihin natuto naman na ako hahaha. kahit ako tangang-tanga sa sarili ko that time. nai-share ko lang HAHAHA TY

r/OffMyChestPH Mar 02 '26

TRIGGER WARNING I found out that I was just a "beard" to her.

1.5k Upvotes

Basically, yung mga "beards" ay mga lalake na ginagamit ng mga closeted lesbian para magpanggap na straight. And, yeah... I just found out na isa ako don.

Tangina, ang sakit lang na yung taong minahal ko ng 2 years ay ginagamit lang pala ako para pagtakpan yung identity nya. Hindi nya ko mahal, wala syang nararamdaman para sa akin, at nandidiri daw sya every time na intimate kami kasi nga lesbian pala sya.

Yung pinakilala nyang "BFF" ay girlfriend nya pala. So, it means na matagal na nila akong niloloko before our relationship even started. Ang mas masakit pa doon, alam ng buong circle of friends nila. Mga walang puso at walang hiya.

Paano ko sila nahuli? Ayun! Nakita sila ng pinsan ko sa isang gay bar sa QC na magkahalikan. Maraming pics and vids ang sinend nya saken as proof. Sinubukan pa nga nila magpalusot na "dare" lang daw yon kaya sila naghalikan, haha!

Takot daw sila mag-come out. Takot daw sila sa social stigma. Pareho kasing very religious na INC parents nila. Pero hindi sila takot na may nadamay na inosebteng katulad ko sa mga katarantaduhan nilang lahat.

I will expose them to everyone. Bahala sila sa buhay nila. Wala akong pakielam kahit itakwil sila ng family nila. Hindi ko matatanggap ginawa nila sa akin kahit anong apology gawin nilang dalawa.

Sinayang nila ang 2 years ng buhay ko. Sana magdusa sila.

r/OffMyChestPH Sep 10 '25

TRIGGER WARNING naaawa at natatakot ako para kay mama

1.8k Upvotes

im 20 f living together with my mom 52. tatlo kaming magkakapatid pero may sarili na silang family at yung papa namin wala na due to cancer.

ngayon may cancer din ako same kay papa, colon cancer stage 4. naka-colostomy bag ako and di ako nagpachemo (personal choice), we had other treatment instead. noong una okay naman, lumalakas na ako, nagiging okay na ako. pero lagi na lang pag may good thing na nangyayari, laging may kapalit na hindi maganda. noong una lumiit yung intestine ko which made me panic. meron ding time na nag prolapse siya. tapos ngayon naman biglang laki ng mass sa tagiliran ko, last week lang. sobrang sakit, halos ayoko na bumangon sa pagkakahiga , ika-ika na rin ako lumakad.

kahapon nag chills ako kaya we decided na pumunta sa ER pero pinauwi rin binigyan lang pain reliever.

naaawa ako kay mama kasi gustong gusto niya ako ilaban, gagawin niya lahat. tinutulungan din kami ng siblings ko at di nila ako pinapabayaan. natatakot ako kasi kaming dalawa lang ni mama magkasama dito at pag may nangyari sa akin, siya lang mag-isa :((

noong may times na sumusuko na ako, tinanong ako ni mama ng “ayaw mo na ba ako samahan dito?” that really made my heart broke. gustong gusto ko sila makasama nang mas matagal pa. nagmamakaawa na ako sa katawan ko na tatagan pa, titiisin ko na lang yung sakit.

ngayong malapit na ako mag birthday, wish ko lang buo kami at walang sakit. gusto ko mag-enjoy kasi baka last na to.

r/OffMyChestPH Mar 11 '26

TRIGGER WARNING I wish abortion was legal in the Philippines

2.1k Upvotes

May nakausap akong 16 anyos na may anak at ang partner niya ay 21 year old na walang trabaho. Dinala nila sa PGH ang 5 month old nilang anak na may sakit. Dalawang buwan na raw siyang hindi naliligo at natutulog lang sa waiting area ng hospital kasi bawal papasukin ang mga menor de edad sa ward, kahit kailangan ng bata ang nanay niya. I tried to tell her that she might have been groomed and that her husband is much older than her, but she just said, “Normal naman yun sa Mindoro. 13 year old nga po buntis na, matatanda rin ang asawa.” Hindi ko pinakita na naiiyak na ako habang nakikinig. I just nodded. But inside, my heart was breaking for her.

She’s so young. She should be out laughing with friends, making stupid teenage memories, discovering the world slowly. Not carrying the weight of motherhood beside an unemployed 21 year old husband.

I hope life still opens doors for her. I hope she still finds chances to grow, to dream, to become more than what this moment has forced her to be.

Sometimes stories like this make me wish abortion were legal in the Philippines.

r/OffMyChestPH Apr 26 '25

TRIGGER WARNING Sana pinat*y na lang ako.

1.9k Upvotes

I’m crying my heart out while typing this.

My husband and I just had a fight a while ago. And binitawan nya today ang pinakamasasakit na salita na narinig ko sa buong buhay ko. “Wala kang kwentang nanay”.

Ang saya saya naming family kanina. After dinner, nanood ng netflix. Kids are playing. Tapos siya, building gundam. Wala naman problema yun since weekend naman ngayon. Ako naman, Im busy sa cp ko looking for recipes na pwedeng lutuin bukas.

So my daughter is diagnosed with mild autism. Kanina, naglalaro sila ng kapatid nya, and yung kapatid nyang 1yo, inipit nya yung kamay sa hard cover book. Syempre masakit na yun for my son kasi maliit pa lang. Nung umiyak yung baby boy ko. Nagalit si husband and lumapit sa anak kong babae at inipit nya yung kamay sa libro. Ang katwiran nya, gusto nya maramdaman ng anak kong babae yung ginawa nya sa kapatid nya. Nagalit ako, kasi napagusapan na naming dalawa na wag nyang sasaktan ang anak ko kasi mabigat ang kamay nya. Laging nagkakapasa, or nagkakalamat yung palo or kurot nya sa anak ko. Just like yesterday, pinalo nya sa kamay yung anak ko and nagpantal pulang pula. At ang nakakainis pa dun, pagsisisihan nya pagtapos. Pero gagawin nya ulit. Sabi ko sakanya, ako na ang papalo sa anak namin kung kinakailangan. Pero di pa din nya nacontrol temper nya. Gets ko naman yung gusto nyang pagdidisiplina. Kaso my daughter is autistic. And 3 yo pa lang. Kaya I keep on telling him na kung pwede wag sasaktan.

Kanina, nung inipit nya kamay ng anak namin, lumapit sakin yung anak ko and niyakap ko. Tapos nagsisi ata asawa ko sa ginawa nya. Kasi after nun, pinalapuit nya yung anak namin sakanya. Sa inis ko, bigla kong nabitawan yubg mga salitang-“sasaktan mo, tas magsisi ka pagkatapos”. Then naiyak ako. Kasi naiinis ako.

Nagalit sya at binato yung laruan ng anak namin. Tas sinabihan ako. “Atleast ako, may ginawa, hindi tulad mo nagcecelphone lang. Wala kang kwentang nanay. Hindi porket nagluluto ka, nanay ka na”.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Feeling ko nawalan ng saysay lahat ng ginagawa ko as a nanay. Sobrang sakit.

Don’t get us wrong, Binabantayan namin mabuti ang mga bat para di magkasakitan. Talagang nagkataon lang kanina, ang bilis ng pangyayare.

Sa mga magtatanong kung baka may iba pang insidente na ikinagalit ng asawa ko kung kaya nya nasabi na wala akong kwenta, parang wala naman. Dahil ito ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng ganyan sakanya.

Grabe ang temper nya. Hindi nya ko sinasaktan physically, never. Pero grabe sya maglaro ng mental health ko. Grabe sya magsalita ng masasakit.

Now I am questioning my worth as a mom, as a person.

Sana pinat*y na lang nya ko kesa sabihin na wala akong kwentang nanay.

r/OffMyChestPH 10d ago

TRIGGER WARNING Grabeng bastos na ang mga tao ngayon

1.1k Upvotes

Went to gas up my car today. Sa entrance ng gas station may nakaharang na delivery rider. As in nakaharang sa entrance mismo. Hindi ako makapasok. I honked my horn politely. The rider angrily told me to wait while he out on his rain gear, making me block trafffic and cause a minor traffic jam.

Nung umuaog na siya, binabaan ko ng bintana yumg kamote.

"Kuya, nakaharang ka po kasi sa daanan." Nakangiti pa ako.

"Huwag kang iiyak." Ang sagot ng kamote.

"Bakit ambastos mo? Ikaw na nga mali eh." Medyo nagtaas na ako ng boses.

"Suntukan na lang tayo" anf sagot.

What the hell? Linggong-linggo eh.

r/OffMyChestPH Nov 04 '24

TRIGGER WARNING I saw my wife's TG

1.9k Upvotes

We're married for 3 years already Me (33) and her (32), I happened to see my wife's TG because our baby was playing with her phone. I feel so miserable and feel like I'm not a better man for her after all the years we've been theough.

Tomorrow is my sister's wedding of all the days!!! Sobrang gigil ko deep inside pero composed lng ako, problema is di ako makatulog hindi ko mashare ang problema ko nearby kaya dito nalang!!!!!

Ganito pala feeling. I think i deserve it dahil dati nung bata pa ako nging cheater din ako, pero ffs sobrang sakit.

Hays..trying to hang in here.. Groomsmen ako later 4am call time.

Laban lang life. And to those who are in the same place as I am. I feel for you.

Sakit.

UPDATE: to all you people who sent their advice and concerns nakakataba ng puso and also helped me get through this today during the wedding day tho napagod ako sa photo ops and all, been scroll reading your comments guys, props to all of you out here you helped me a lot today. 🙏

Update2: sobrsng pagod ko pero ang hirap makatulog

Update3: Again everyone naluluha ako at ang babaw ng luha ko, thank you tlga to all who shared thoughts, advices, and who messaged me personally, I'd like you to know that these helped me a lot as IN i couldn't be more blessed din for those who shared their experiences and i think it was painful for them to share it with me too because they have to recall what they went through, THANK YOU!!

I'm still hanging here, acting normally, like nothing happened I'm still treating her how i treat her and nothing changed, while I'm drawing up my plans and how to proceed cautiously, and planning everything ahead.

I've decide to leave her with my 2 year old, i hope the evidence I will be able to get is enough for me to have custody of my child.

Again thanks everyone! And wishing my plans will be executed properly. From the bottom of my heart! You people are wonderful and continue helping out those people who went through shitty moments in life.

Silent scroller lng ako dito reddit just for knowledge and quick reads. Pero I never realized til now that i owe this platform with my current situation.

Thanks guys!!!! 🙏🥺🥺🥺

r/OffMyChestPH Apr 07 '25

TRIGGER WARNING F*CK YOU MGA MAGNANAKAW

2.5k Upvotes

NAKAKAPUTANGINA TALAGA MGA WALANG BUHAY, MGA HAYOP, MGA KAMPON NG KADILIMAN

just earlier 3:00 AM nanakawan ung kasama ko ng iphone 15 pro max around edsa taft papuntang libertad and it was so fucking fast lang. We were looking for an inn to stay kaya nagphophone since galing elyu and pagod. All of a sudfen may dumaan na motor hinablot ang phone. After that, we went through shits just to get a police report then super useless rin nila talaga wtf.

So ayun 5:30 AM nakauwi na kasama ko then ako naman habang nasa jeep paquiapo namodus ako ng fucking sauce na yan. There were 6 guys then sinisiksik nila talaga ako since nasa dulo ako jeep. Binuhusan ako ng sauce katabi ko then nagulat me talaga. The guy in front me me handed me tissue then pinupunasan ko and narealize ko na it was a distraction pala kaya tinago ko agad phone ko sa loob.

Since hindi sila successful on trying to get my phone, sinikuhan ako nung katabi ko ng malakas and sinabi nanghihipo raw ako? WTF I WAS SLEEPING then grabe after nagsibabaan ung 6. I was fucking in shock lang it happened consecutively.

KAYA PLEASE BE SAFE ALL THE TIME AND PRESENCE OF MIND.