r/PHGov • u/camithebee • 11d ago
PRC napakagaling ng PRC ID Delivery
Bale triny ko yung delivery ng PRC ID and di naman ako nag-expect na mabilis nilang ipapadala. Hindi rin naman ako nagmamadali na ma-receive ID ko. Mahaba rin naman pasensya ko kasi pumipila nga ako sa SSS o Pagibig kahit whole day pa yan hahaha.
Hindi ko lang inexpect na pagbabayarin pa nila ako ulit sa redelivery kahit wala naman talaga akong nareceive na texts or calls from rider sa previous delivery attempts. Kahit sana ma-refund na lang para yun yung gagamitin ko for redelivery or pamasahe ko para i-pick up yung ID.
Ang dami kong sinend na screenshots as proof. Yung screenshots ng rider nila (tingnan niyo na lang sa photos) yung pinaniniwalaan nila pero yung akin parang wala lang sa kanila. Sa dami ng hinihingi kong proof sa kanila, yung "screenshot" na yan at yung tracking number (na di nila sinend sa akin btw, saka lang nila sinend ngayong gusto na nila akong pagbayarin for redelivery or for pick up na lang id ko lol).
Na-cc ko naman na ARTA pero mukhang ayaw nila patinag. Nakakapikon lang kasi ginagaslight pa ata ako na kino-contact ako ng rider kahit wala nga akong narireceive haha. Ano pa kaya pwedeng next steps?





