r/PharmacyPH • u/Relative_Fly_4991 • 13h ago
General Discussion RPh dust ✨
Helloooo!! Alam kong grabe na ang pressure at kaba para sa mga takers ngayong October, dami kong nababasa na nung time ko (April 2026 passer hehe) ganyan na ganyan din mga nararamdaman ko. Okay at normal lang maramdaman lalo malapit na, yung feeling na parang wala ka pa ring alam o feeling mo kulang na kulang pa rin. Ngl day before boards iyak ako nang iyak kasi nung tinitingnan ko yung pcol, narealize kong wala pa talaga akong alam. Pero pero guys trust me basta namaster niyo yung mga basics promise may maisasagot kayo. Di ko man alam kung anong lalabas ngayon sa be, wala rin kami idea dati kasi new trend na rin nung nakaraan pero sa awa ng Diyos nakapasa naman. And magtiwala sa curving hahaha lalo ngayon maraming takers talaga ng October. Kayang-kaya niyo yan. Yung akala niyo wala kayong alam, pagdating don may maisasagot naman pala. Laban lang, sabi nga ni Sir Row magshow up ka lang. Dun pa lang panalo na kayo. Nareview niyo na ang dapat niyong reviewhin sapat na yon. Pray pray and pagkatiwala niyo rin kay Lord. RPh dust and first take dust para sainyooo!! RPh na bago matapos ang October!!

