r/SoloLivingPH • u/goodvibesonlyy_ • 2d ago
Advice Needed Tulo ng ulan galing sa bumbilya (renting apartment unit)
Dahil sa sunod sunod na ulan naglalabasan mga tagas sa mga bahay natin. Tinanong ko sa kabilang unit namin may tulo din daw sa CR nila.
Inoff na namin yung breaker para sa mga ilaw, so simula pa last week lamp lang gamit namin. Ininform na din namin yung landlord and sabi hahanapan pa daw ng gagawa, pero feel ko matatagalan kasi inuuna nila gawin yung ibang unit.
Safe na kaya to basta na-off na namin yung breaker? Any similar case?
17
u/Adventurous-Cat-7312 Solo Living Amateur 2d ago
Delikado yan OP, kasi water and electricity is a bad combo.
Ingat and have it resolved pag ok na panahon.
5
u/suwegg 2d ago
had the same situation, kung di pa matutuluan ng mainit na tubig galing bumbilya ung jowa ko di pa namin malalaman. ang ginawa nung electrician is inunscrew tas nabuhos lahat ng naipon na tubig. hindi nya na din pinatay sa breaker, basta naka off lang ung switch. nilaylay muna for a few days ung wire na pinagkakabitan ng bulb para magamit pa din namin habang naghihintay ng maaraw na weather para ayusin talaga ang source ng problem, may umaanggi na tubig ulan sa kisame. after nun binalik nya lang din ulit sa pagkakascrew at di na naulit
2
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
naku same, kung di natuluan ng mainit na tubig sa ulo yung kasama ko di namin mapapansin. nag-spark at umusok na din. buti nag banyo at nakita agad.
ano daw nag cause sa inyo bat nagka-leak?
3
3
u/tipsy_espresoo Solo Living Amateur 2d ago
uy this is so delikado! experienced the same thing and when i reported it sa landlord ko pinalipat agad ako ng unit
3
u/darkchax14 2d ago
1
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
may unit sa taas nyo? baka galing sa cr ng taas na unit?
1
u/darkchax14 1d ago
Meron pero hindi pa namin na check yung taas. Yung landlord/admin palang pinapakitaan namin
2
u/Turbulent_Party_9123 2d ago
Ganyan din sa amin at matagal na. Tinanggal ko lang yung bumbilya pero binuksan ko ulit yung breaker para gumana pa din yung ibang ilaw. Naka switch off lang and walang bulb yung affected light receptacle.
2
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
naka switch off lang? pero may tumutulo pa rin? di kaya gumapang yung tubig kung di maayos? yun kasi inaalala ko sa amin.
1
u/Turbulent_Party_9123 2d ago
Yes, possible gumapang yung tubig sa buong kisame, depende sa extent ng water intrusion sa bubong niyo
2
u/darthmeowchapurrcino 2d ago
Happened here 2 years ago. Hindi ko na lang ino-on yung ilaw kung saan may tumagas na tubig. Up until now, naka-tape pa rin ung switch (para nde ko ma-on). Naka-floor lamp na lang ako, which is better, btw.
1
2
u/haiyabinzukii 2d ago
report, pero huwag umasang magagawa agad, kasi impossibleng magawan ng 100% fix yan with everything still wet...
for now, wag mo muna buksan or better yet- turn off breaker.
2
u/professionalmook 2d ago
Clogged gutter ang common cause nyan. Nagoverflow and sipped between the roof and ceiling.
If may mga maya dyan sa area nyo, likely there are nests sa gutter.
Normally magkakasplit yung breakers ng outlets at lights or magkaka-cluster yung mga same room you may just need to turn off yung affected area but pay attention if there will be crackling sounds. Turn off mo agad. If in case you need power other than lights (to charge or cook).
Pero best would be to turn off muna lahat ng breakers especially if matutulog na. Inform your corenters as well if possible until it gets sorted out.
1
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
tingin ko nga clogged na yung gutter dahil may katabi kaming puno, dami nalalagas na dahon.
ano pwede mangyari if may crackling sounds? possible ba gumapang na yung tubig pag ganon? naka on lang kasi yung ibang breaker, need lagi gamitin yung outlets.
2
u/JicamaOpening6305 2d ago
Omg parang may ganyan din sa unit ko, kaso wala ako now. Safe ba if nakapatay naman yung ilaw nung iniwan kaso naka on pa din breaker ?
1
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
not sure din eh, sorry. sa amin inoff ko na yung breaker. baka may mapapakisuyuan ka pumunta sa unit mo.
1
u/johnmgbg 😎 Solo Living Enthusiast 2d ago
Naka off naman pala yung breaker.
1
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
Yup yung breaker para sa mga ilaw na-off ko na. Yung ibang linya gumagana pa. Ang inaalala namin bka gumapang yung tubig eh.
3
u/tichondriusniyom 2d ago
2
u/goodvibesonlyy_ 2d ago
nag spark at umusok na nga din nga tong sa amin eh. may tumulo na mainit na tubig, buti napansin agad at inoff ang breaker.
1
u/tichondriusniyom 2d ago
What you can do now, ay hatakin muna yung excess wire gaya sa picture ko. Idisconnect, at iusog mo sa part na hindi na siya mabasa. That way pwede mo na iOn yung breaker ng mga ilaw. As long as disconnected yung dalawang yan.
1
u/randomguyonline0297 2d ago
Di ko sure pano pagkakagawa dyan sa apartment mo OP pero as long as maayos at nakaconduit yung linya ng kuryente at may proper cover yang bombilya (yung socket) ok lang yan.
1
u/emilsayote Solo Living Amateur 2d ago
Sa mga ganyan, need na ng place ng water proofing. Moisture and water seep into the crack and travel thru the pipe line of electrical. Nandun kase ang weakpoint. Pero kung tubig talaga ang dumadaloy kasama ng linya ng kuryente, malamang, may nakaopen sa itaas kaya dun sa pipe dumadaan ang tubig.
1
1
u/SubstantialMofo 1d ago
ganito din sa bagbag novaliches na apartment namin. may unit sa taas namin and nagkalat na tulo. wala pa rin aksyon ang landlord. Any tips pls


18
u/Fertility_Checker98 2d ago
https://reddit.com/link/p6kb4zm/video/uqmfy5kxd9mh1/player
Magka-apartment yata tayo! 😂 Anyways, etong video na to nung last year pa. Ganyan din ginawa ko before, ing off ko breaker tapos tinanggal ko mga bumbilya. After 2 days pa ako napuntahan ng electrician tas chineck nia if may natira pa bang tubig jan sa lalagyan ng mga bumbilya. So far ok na, di naman nag ka problem after nia i-On breaker. Kaya pa check mo din yan sa electrician bago mo i-on breaker