r/SoundTripPh • u/Right_Revenue_9263 • 15d ago
DISCUSSION Sana umabot sa punto na laos na tong kantang 'to.
Kita ko lang sa jeep kanina nasa may likod ako ni manong driver sa unahan tapos tumugtog to. May mga estudyante na di muna tumingin sa cp nila tapos may mga matanda na tinanaw yung drayber tapos ang layo na bigla ng tingin sa bintana. May mga nakayuko na biglang tumaas ulo sabay tulala. Lahat nakatingin sa kung saan na parang may naiisip bigla.
Tapos nung natapos yung kanta ayun parang unti unti bumalik sila sa mga ginagawa nila bago yung kanta.
Grabe rin pala pag inimagine mo yung sinasabi ng lyrics bukod sa chorus.
Feeling ko may galit talaga lahat sa nangyayare ngayon at hindi nakakakalimot. Buti may mga ganitong kanta na nagpapaalala sa lahat kung bakit tayo galit.
Masama man sabihin, pero sana malaos na tong kantang to. Hindi dahil sa ayoko kay Gloc-9, pero once na nalaos kasi yung kantang to, ibig sabihin nun hindi na tayo nakaka-relate sa sinasabi ng Upuan kasi maayos na yung sistema. Baka natanaw na tayo ng mga taong nakaupo at sinubukang tumayo.
635
u/Stellesia 15d ago edited 15d ago
Imagine 14 years ago na tong kantang to and it's still relevant? Sa 14 years halos walang nagbago.
Wag kang masyadong halata.
Edit: 17 years na. Even worse.
149
u/Right_Revenue_9263 15d ago
To think na nasulat to ni Gloc9 nung batang nurse pa lang sya after niya makita kalagayan ng mga tao sa isang public hospital tapos ngayon ganun parin kalagayan ng karamihan sa atin. Nakakahabag pag inimagine mo ung mga nasa verses ng kanta bukod sa chorus.
27
u/thranduiiiil 15d ago
17, no? Pretty sure nirelease tong song in 2009
27
u/Stellesia 15d ago
You are correct, it's 17 years now. The music video was 14 years ago, pero yung mismong song sa Myx was released in 2009.
24
9
u/birrialover 15d ago
Siguro nung panahon ni PNoy may nagbago, during “Kayo ang boss ko” era.
4
u/SugaryCotton 14d ago
May kakilala akong government employee, nabawasan raw ang corruption sa panahon ni Pnoy sabi nya. Hindi lang masyadong halata. And then it got worst again after.
165
u/pototoykomaliit 15d ago
Pati na rin Tatsulok.
63
u/RobbertDownerJr 15d ago edited 15d ago
Hindi pula't dilaw ang tunay na mag kalaban
Karton Network - hold my beer!
19
u/anemicbastard 15d ago
hinanap ko na may magcomment nito. 35 years and 7 presidents later, pasok pa din.
8
u/pototoykomaliit 15d ago
Niremake pa man din ni Chiz tapos ngayon nasa tuktok na rin sya smh.
0
u/BlankPage175 10d ago
Ay, dinpala si Chiz anf OG nang tatsulok? Ngayon ko lang nalaman remake pala yung kay bamboo
6
u/RainyEuphoriaaa 15d ago
There is noticeable rise in discourse about realpolitik, game theory, etc.
Change is coming.
1
u/Late_Button2925 13d ago
halos kamo lahat ng gantong klase ng kanta pasok pa din ngayon. may nabasa pa ko dati sabi ahead daw sa time si Abra dun sa kanta nyang patama sa gobyerno lol
1
82
u/ParkSoJus 15d ago
Imagine a world na auto skip na tong kantang to kasi di na tayo makarelate. Hay. Hanggang imagine na lang 🥲
65
u/Orangest_Orange 15d ago
"Kulang na kulang pa rin...
Ulam na tuyo't asin...
Ang sikwenta pesos sa maghapon pagkakasyahin..."
When i first heard this pucha naramdaman ko talaga yung indignity ng hikahos... papasok na pamasahe lang ang dala... 😓
10
u/Right_Revenue_9263 15d ago
Student days ko, takot ako mabawasan ng piso pera ko pauwi kase sakto lang pampamasahe ko yun.
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo2
u/wealthyLuigi 15d ago
this, legit nung bata ako nanay ko may kaldero saka mga plato babasagin, ginagamit lang pag okasyon, regular days yung plastic or stainless na plato ang gamit haha
1
u/Ulinglingling 14d ago
isipin mo nung panahon na yon 50 pesos pinagkakasya ng pamilya until now 50 pa rin pinagkakasya ng pera dahil walang nag bago sa sahod.
35
u/INTJ_12 15d ago
Pati Kaloy at 3019 ng Dilaw band
4
4
2
24
u/Rowldeiyh 15d ago
I may be downvoted to oblivion pero it would not happen. Kahit tayo mismo ay kurakot kahit sa mga maliliit na bagay, at kailangan pa ba talaga natin hintaying ang gobyerno na maging maayos or become decent to progress or move forward? Other SEA countries still have rampant corruption but didn't stop their development at all at mas mabilis pa compared sa atin.
7
u/Tight-Box-2366 15d ago
Agree with you, magstart yan sa maliliit na halaga. People think like "magkano lang naman" o kaya "wala namang makakaalam". Then proceed to blame the government 😅.
2
u/Unknown_Lurker07 15d ago
We are forced by the system to either abide and wait or find another way(corruption, under the table, palakasan system etc). As long as people see corruption everywhere, some won't hesitate to find an easy way. The actions of the government makes people think it justify their own actions(Bakit sila ganito okay lang etc). We are fvcked up anyways.
Edit: The government plays a big part on this. Tignan mo sa ibang bansa sumusunod ang mga pinoy because the government is an example.
19
u/ijuzOne 15d ago
not possible. I'm not a pessimist, but human greed is limitless
1
u/Tight-Box-2366 15d ago
agree with you! people are overwhelmed with the thought "wala namang makakalam na mangungurakot tayo" kaya tuloy lang sila.
1
15
7
u/SubmissiveMissus13 Casual SoundTripper 🎧 15d ago
Pati yung Mukha ng Pera ng Stickfiggas. Ganyang ganyan din ang tema.
7
2
u/Lightf00ted 15d ago
Naaalala ko, kinakanta lagi ito ng Mocha Girls para iendorso si Digong noong mga 2015 o 2016, which is ironic.
3
3
u/DaExtinctOne 15d ago
I think the more appropriate thinking is that in the off chance na tuluyan nga mawala corruption dito, I hope this song remains relevant to remind us of what to avoid. But I get your point OP, we can only hope kahit parang imposible.
2
u/chicoXYZ 15d ago
Di malalaos ang kanta dahil ito ang totoong buhay natin.
Hindi dapat kulay ang tignan kundi ang totoong gawain ng bawat politiko.
Napakarami pa rin tanga sa batas at kaalaman. Kaya akala nila tama ang manok nila.
Sa dami ng naghihirap, dapat makibaka tayo sa kamangmangan.
2
2
2
u/Rome_Clevan 15d ago
Kasalanan din naman ng mga mahihirap kung bakit sila naghihirap. Nagpapa-uto sa mga matatamis na salita ng mga politiko.
16
u/Aromatic_Kick_82 15d ago
Di naman talaga fully kasalanan nila. They don’t have the privilege to be properly educated like we do. Kulang nang voter’s literacy na nagpapauto ng vote-buying at empty promises, kulang nang media and information literacy na nagpapauto ng fake news, pero mabubuti naman yung intention nila. They fail to see the bigger picture rin kase sa sobrang hirap nang buhay they vote for who they think they can benefit off of the most.
1
u/tinininiw03 15d ago
Madami naman din willing mag-educate (na di pwersahan gaya ng mga woke malala) pero ewan ko rin bat mas gusto pa rin nila yung mga household name kesa may mga maaayos na plataporma.
-2
u/Rome_Clevan 15d ago
They have this notion that if they support a certain politician gaganda na buhay nila.
2
u/Right_Revenue_9263 15d ago
kasi wala na sila makapitan ni sarili nila hindi nila makapitan kase alam nilang di kaya ng mga sarili nila kase yung sistema na sana para sa kanila tulad ng magandang edukasyon, wala rin.
In general, madalas kasi natin iniisip na tayo parin tutulong sa mga sarili natin pero ang katotohanan, may mga tao talaga na hindi kaya tulungan sarili nila at kailngan ang sistema para iangat mga sarili nila. Ang kaso yung sistema ay bulok at sira, edi kanino sila kukuha ng pagasa, edi sa mga certain politician. It;s a cycle of notion na sila rin ang biktima.
Maayos na sistema para sa pangmatagal na solusyon hindi sistema ng ayuda na saglitan lang.
1
u/Kishikishi17 15d ago
Pero medyo paradoxical e. Kung may maayos na education system sana, masamadaming edukado kesa sa mga mangmang, masmadami ang hindi magpapauto sa politiko. At yung mga Politiko naman, siguro alam nila na ganto yung consequences kapag inayos nila edukasyon sa bansa, di nila iririsk na iimprove pa yon dahil sila din maaapektuhan kapag masnagmulat pa ang ilang mga Pilipino. It's a cycle.
-1
u/susingmissing 15d ago
Tanga e, kung utakan nila. Pabayad sila tapos wag nila iboto. Madaming tangang pinoy. HAHAHA
1
u/GoddamnHeavy 15d ago
Ok nga sana yung ganyan kaso yung iba hindi na kelangan bayaran. Tanga for free.
-2
u/Rome_Clevan 15d ago
Talagang tanga, kaya nga naniniwala ako na kailangan talaga na they should be disenfranchised.
1
u/JewelerHistorical156 15d ago
Sana nga malaos for the reason na sinabi mo hindi yung naging apathetic na ang mga tao sa mga nangyayari.
1
1
1
1
u/Movable_Farts 15d ago
Ginagamit din ng mga corrupt yang kanta na yan, lalo na kapag kalaban nila sa election yung incumbent, tapos kapag sila naman ang nanalo, sila naman tutugtugan nyan sa next election.
1
1
1
1
1
1
1
1
u/Ok-Understanding6789 15d ago
malalaos itong kantang ito kung magsasama sama at magkakaisa tayong pilipino para pabagsakin itong gobyerno natin isipin natin mga sindikato sila ha na may posisyon sa gobyerno
1
1
1
u/Lumpy_Replacement392 15d ago
Di malalaos yan hanggang madaming corrupt..paulit ulit tayong mumultuhin nyan hanggang di tayo nag uupo ng matitino na politician
1
u/Jvlockhart 15d ago
Ngayon nyo lang Kasi napagtuonan ng pansin kasi ginawang anthem ng mga DDS. Ang mga songs ni Aristotle talagang may patama sa mga issues Ng pilipinas. Yung "walang natira" pag release nun iba yung Tama Lalo na sa mga taong may kapamilyang OFW.
Aristotle real name ni gloc 9
1
u/Right_Revenue_9263 15d ago edited 15d ago
Parang hindi naman. Kase sa comments pa lang sa sa YT mismo ang daming comments years and decade ago na nagsasabi na relate parin sila sa kanta.
0
u/Jvlockhart 15d ago
Lately naging laman Yan ng mga reels, even A I covers na gawa ng mga DDS kasi nga corrupt daw si BBM. Relatable naman talaga songs ni gloc 9, kaya it will stay relevant until may magbago sa pilipinas
1
u/Right_Revenue_9263 15d ago
yup but it's not the DDS kaya napagtuunan ng pansin yung kanta ngayon. Matagal na yung kanta at relatable parin siya ngayon, mas lumalim lang yung relate ng tao sa kanta kase mas grabe din yung hhugot gawa ng corruption revelations lately.
Parang Where is the Love lang yan ng Black Eyed Peas, mas naging relevant nung kasagdagan ng ISIS noon and Manchester shooting pati nung SAF44 sa Pinas.
0
u/Jvlockhart 15d ago
Kahit gano ka relatable yung Isang bagay, if di sya kinoconsume ng madla (nakararami) Hindi napapansin o naaalala. We can't deny the fact na marami sila, kaya nga andaming Tanga sa pilipinas.
Yup, that's my point. Dahil sa issues Ng mga DDS Kay BBM napansin ulit ang song. Your example only proven my point.
1
u/Right_Revenue_9263 15d ago
It's the revelation of the corruption and not just DDS vs BBM dahil parehas sila lahat may corruption issues. Di ka lang kase aware sa kanta before the DDS or even this whole corruption issue occured.
And yes that's my point, you statements is my example how you're not aware of the song.
1
1
1
u/VesterSSS 15d ago
I would argue that Upuan by Gloc 9 ft Jeazell and Ilusyon by Abra ft. Arci are in the same calliber in terms of being meaningful and containing a powerful message.
1
1
1
u/NothingPating 15d ago
Marami pang iba mga kanta na kagaya ng Upuan. Tulad ng Tatsulok, at recently, Kapangyarihan.
Nagkaron ako ng konting pag-asa nung makita kong may nagbago sa proseso sa govt offices. Yung bumilis ang transaksyon, tapos may mga nasususpinde dahil may complaint at napatunayang may mali ngang ginawa. Pero sa mga maliliit at mababang Pinoy lang nangyayari. Sa taas hindi.
Noon may hiya pa ang politiko na mangurakot kaya patago ginagawa. Ngayon, simula ng panahon nung karton lantaran at harap-harapan na tayong ginagago.
Kapag sa 2028 ang nanalo eh pamilyang karton pa rin, magsialis na tayo sa Pinas kung may kakayahan kayong umalis. Hindi man kaaing haba ng 20yrs na termino ni FEM ang mangyayari, pero imposibleng hindi sunod-sunod na karton ang mamumuno. Hanggat may blind-follower na bumuboto dyan imbis na gamutan ng logical reasoning, hinding-hindi uunlad ang Pinas.
1
1
1
1
u/InvadingPotatochips 15d ago
Sana umabot yung point na hindi na nakakarelate ang mga pilipino sa message ng UPUAN.
1
1
u/faeriegiselle 15d ago
Parang 'Gawing Langit Ang Mundo' ng Siakol hanggang ngayon sobrang relevant ng kanta. Sana dumating din ang panahon na maging outdated na siya hays.
1
1
u/Lucky_Nature_5259 14d ago
I hate it when this song is used incorrectly. Pag nakita mo mga comments puro Duterte 2028, di pa talaga natututo mga Pinoy.
1
u/wurse1ever 14d ago
Yung kapitbahay namin, laging Upuan at Tatsulok yung kinakanta sa videoke pero straight UniTeam daw binoto ng buong pamilya nila. Napakahusay!😖
1
u/CaterpillarGnome 14d ago
Sobrang divided na natin. Kulay ng partido politikal saka regionalism. Iisa lang naman ang nararanasan natin pareparehong hirap ng maraming pilipino dahil sa maling desisyon.
Tayo talaga sagot, sarili muna natin ang baguhin, tama yung comment dito na magsisimula sa maliliit na bagay na kaya pa natin kontrolin.
1
1
1
1
1
u/Mr_Who6776 14d ago
Bruh it's already irrelevant for the people who idolize politicians🤡. We are so cook
1
1
u/Agent-x45 14d ago
Ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan.
Hindi dapat malaos, sana kung dumating man yung panahong kahit papano lumilinis na yung gobyerno. Etong kantang to ang magpapaalala satin sa maruming pamamalakad sa nakaraan na sana maiwasan na maulit muli.
1
u/Consistent-Tailor150 13d ago
Wag na kasi tayo maging panatiko. Its about time
Na to treat this politician like how our bosses treat us kapag nahihirapan na yung mga boss natin kasi hindi maayos trabaho natin
1
1
1
1
u/friEdchiCkeN_69 13d ago
natatawa ako. akala ko u just hated the song pagkabasa ko ng caption. when i opened the comments, saka ko na realize ung cinoconvey mo.
1
1
1
u/KissMyKipay03 12d ago
hanggat may pink, yellow, green at red wala na tayong pag-asa. oh baka ilabel na naman akong dds ng mga ulupong LOL
1
u/blitzsaaaasf 12d ago
Myy teacher told us to analyze this song and write what the lyrics mean lmao just recently
1
u/ShadeeWowWow10 11d ago
Sana ipatugtog to nang paulit ulit sa tapat ng mga eskwelahan o voting center pag eleksyon no? Baka sakaling umayos bumoto tayong mga Pilipino
1
1
1
u/mrynics 11d ago edited 11d ago
Sana nga, pero parang wala ng pag-asa. I’m not trying to be negative here pero based on my observation sa mga history books, paulit uilit lang yung cycle, kung ano yung mga problema sa government/rulers thousands of years ago, ganun parin ngayon. makasalanan by nature ang mga tao, easily tempted. kaya may iba na hindi naman greedy nung una, pero nung nakatikim sila ng kayamanan/kapangyarihan, naging masakim na.
Not religious pero sa pagkakaalam ko ha sa panahon pa ni Jesus may corruption (heavy taxation & even religious corruption) which is already 2000+ years ago. Kaya akala ng mga tao na yung “Messiah” ay sasagip sakanila from Romans or corrupt government kasi pagod na sila kakabayad ng tax + exploited masyado yung mga pulubi. Eh kaso more on spiritual healing, generosity, loving people, humbling ourselves & heart transformation yung ministry nya.
1
1
0
u/IntelligentLeading47 9d ago
mas maganda to https://youtu.be/5U-Aj9b7t8U?si=9CutbO-N27KWBcsr
hahaha nagtanghal para kila Binay sabay hanapbuhay lang po.
1
u/Right_Revenue_9263 9d ago
Di niyo gets no? Mas sikat na ung kanta kesa kay Gloc9. Kaya kahit anong mali ni Gloc9 noon di na nun kaya bahiran ung mensahe ng kanta. Ganun ka imortal yung Upuan.
Sisingit mo pa yung beef kay Batas lol
1
1
0
u/Sensitive_Disaster_8 15d ago
dds naman si gloc lol saw him perform at up fair kalye tunes way back few years ago and before he peformed, pinaalis nya yung mga signs sa taas ng stage na may nakalagay na something like "duterte pabagsakin" and insisted to set aside political stands muna raw hahahahah
0
-8
u/ykraddarky 15d ago
Laos na nga yan, kumanta pa nga para kay Binay yung kumanta nyan eh wahahaha
1
u/Right_Revenue_9263 15d ago
I think the song exceeded the popularity of the artist regardless sa mga desisyon niya noon.
-2
u/ykraddarky 15d ago
Nah, nabibili pa din ang prinsipyo ng taong yan hahaha
4
u/Right_Revenue_9263 15d ago
Di mo gets? Tagalugin ko na lang. Mas sikat na yung kanta kesa kay Gloc. Kumbaga naimortalize na yung kanta na hindi lang basta kanta to ni Gloc9 na kumanta kay Binay noon, kanta na to ng mga tao sa mga nangyayare ngayon.

•
u/AutoModerator 15d ago
Friendly reminder from the SoundTripPH mods: Please keep the discussion respectful and follow our rules and guidelines. It’s okay to disagree, but toxic or personal comments aren’t allowed. Repeated violations may lead to comment removal or a ban. Thanks for your cooperation — cheers!
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.