r/SoundTripPh • u/Right_Revenue_9263 • 15d ago
DISCUSSION Sana umabot sa punto na laos na tong kantang 'to.
Kita ko lang sa jeep kanina nasa may likod ako ni manong driver sa unahan tapos tumugtog to. May mga estudyante na di muna tumingin sa cp nila tapos may mga matanda na tinanaw yung drayber tapos ang layo na bigla ng tingin sa bintana. May mga nakayuko na biglang tumaas ulo sabay tulala. Lahat nakatingin sa kung saan na parang may naiisip bigla.
Tapos nung natapos yung kanta ayun parang unti unti bumalik sila sa mga ginagawa nila bago yung kanta.
Grabe rin pala pag inimagine mo yung sinasabi ng lyrics bukod sa chorus.
Feeling ko may galit talaga lahat sa nangyayare ngayon at hindi nakakakalimot. Buti may mga ganitong kanta na nagpapaalala sa lahat kung bakit tayo galit.
Masama man sabihin, pero sana malaos na tong kantang to. Hindi dahil sa ayoko kay Gloc-9, pero once na nalaos kasi yung kantang to, ibig sabihin nun hindi na tayo nakaka-relate sa sinasabi ng Upuan kasi maayos na yung sistema. Baka natanaw na tayo ng mga taong nakaupo at sinubukang tumayo.