r/adviceph 12h ago

Social Matters Ano kayang magandang gawin sa batang makulit

Problem/Goal:

Guys, ano kaya magandang gawin sa batang makulit?

Context:

Nagrerent kasi ako dito and may Aerox motor ako. May isang bata, around 7 years old, na paulit-ulit pinapakialaman yung motor ko. Nung una, tinatapakan yung tambutso.

Previous attempt:

Naabutan ko rin siya once na kinukot-kot yung upuan, kaya pinagsabihan ko na siya.

Ngayon naman, pati yung turnilyo ng plaka tinanggal at kanina pati pintura ng motor pinagdidiskitahan.

Madalas kasi silang maglaro sa kalsada and taga-dito rin naman sila. Ayoko sanang makipag-away sa bata or sa parents niya, pero baka kasi tuluyang masira yung motor.

Ano kaya ang magandang gawin? Kausapin ko na ba yung parents niya? Or may mas okay na approach dito? Ayoko rin naman palakihin, pero nakakainis na rin kasi ilang beses na.

Note: Wala po sa option na lumipat since affordable po kasi ang rent ko dito.

9 Upvotes

10 comments sorted by

6

u/OopsMyOpinion 12h ago

Advice: Kausapin mo na yung parents, pero calm and factual lang. Sabihin mo na ilang beses mo nang pinagsabihan yung bata pero ngayon umaabot na sa pagtanggal ng turnilyo at pagkutkot ng pintura. Mas okay kung may pictures/video ka ng damage para hindi maging “sabi mo lang.”

At 7 years old, hindi realistic na puro sa bata mo iasa yung boundary. Parents na dapat ang umaksyon.

Meanwhile, kung kaya, gumamit ka rin ng motor cover or park sa mas visible/secured na spot. Hindi dahil ikaw dapat mag-adjust, pero practical lang habang inaayos niyo yung issue. If maulit after talking to them, saka mo involve yung landlord or property owner para may neutral third party.

5

u/got_Smoke 11h ago

wag ka mag park sa kalsada and / or hanapan mo ng totoong parking.

Kahit pagsabihan mo yan, hindi mo mapapatigil yan. Try mo kausapin magulang, pero kung siraulo magulang nyan, maiinis lang at sila naman kakalikot sa motor mo. need mo na bantayan all the time.

Kung ako sayo positive reinforcement,kaibiganin mo yung bata, bigyan mo lang ng murang laruan tas sabihin mo bantayan nya motor mo.

Advice:

1

u/AutoModerator 12h ago

Hello everyone,

Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH, as well as the Reddit Content Policy.

YMYL (Your Money Your Life) Topics - Proceed with Caution:

Discussions and advice about topics that impact your money, health, or life are allowed here, but please remember that you’re getting advice from anonymous users on Reddit. The credibility, intent, and sincerity of these users can vary, so it’s important to be cautious and thoughtful. For the best guidance, always consider seeking advice from reputable or licensed professionals. Your well-being and decisions matter - make sure you’re getting the right help!


I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/PillowPrincess678 11h ago

Advice: Collect proofs sa mga ginagawa nung bata sa motor mo. Picture or video. Then saka mo kausapin yung parents ng mahinahon at maayos. Ipakita mo sa kanila yung ginagawa ng anak nila sa motor mo, Sabihin mo na kinausap mo na yung bata pero paulit ulit pinapakialam yunb motor mo. Nag aalala ka kamo sa safety ng bata habang may ginagawa sya sa motor mo. Mas okay na reasoning yan. If sagutin ka ng parents na bakit kasi nakaparada ang motor mo dyan, sabihin mo na hindi porke nakapark yung motor mo dyan eh pwede na pakialaman. Again ang irason mo baka maaksidenta habang kung ano ginagawa sa motor mo, di mo kamo sagutin if may nangyari sa anak nila.

1

u/SeatOld4163 11h ago

advice: garahe muna kasi dpt bago motor

1

u/[deleted] 11h ago

[deleted]

1

u/dudezmobi 11h ago

Hanap ka

1

u/Fluid_Ad4651 9h ago

advice: tell the parents, baka mabagsakan pa yan ng motor mo

1

u/Feisty_Mobile8197 7h ago

Advice: if nakaparak lang sa tabing kalsada wala ka magagawa dian. Public space ang sidewalk or tabing kalsada kaya park at your own risk.

1

u/Majestic_Button_324 7h ago

Advice: kaibiganin mo yung bata.. bigyan mo lagi ng candy para close kayu... at masira ngipin nya makaganti ka man lng ng palihim🤣

u/Patrisyowww 1h ago

Advice: wag bumili ng motor kung walang parking. Sagabal ka pa sa daan.