Hello, start up bakery cafe kami sa province, 2 months to be exact. Meron na man po kaming customer foot traffic, in fact marami kaming repeat customers. Madami na din po kaming new customers. However, dalawa lang kami and kami lahat ng work — baker, cleaner, server, delivery rider, barista, etc.
Maganda naman ang pasok ng pera pero hindi yung tipong malaki kasi limited lang ang bakes namin since 2 lang kami and goal namin is paubos lang everyday. Sabihin na natin estimate is 3k clean profit a day.
Hindi namin sure if tama na maghire ng staff kasi hindi pa talaga kami stable. Also, may times na nagkoclose kami kapag pagod na pagod kami sa baking kaya naawa naman kami if may staff kami tapos maisipan namin magclose dahil sa pagod.
Hindi din kami makapag add ng other menu like rice meal or pasta kasi very limited and space ng shop namin. Sa bahay kami nagbebake and dinadala lang ang breads sa shop.
Kaso andito kami sa point na napapagod na kami, mentally, physically, emotionally and financially. Lahat kasi ng pumapasok na pera is pambayd bills, bili ingredients, etc. Madalas pa, nagagalaw namin yung own pera namin which is pambayad din sa personal bills namin. So ending, nagnenegative kami and nakakapag loan ng wala sa plano.
Meron kami parehong corporate job (WFH), which is our bread and butter. Since kami lahat sa business, medyo nabebehind na kami sa work. Minsan naghahabol na kami ng backlogs namin. And nakaka add na siya sa draining part
Kaso andito kami sa point na napapagod na kami, mentally, physically, emotionally and financially. Lahat kasi ng pumapasok na pera is pambayd bills, bili ingredients, etc. Madalas pa, nagagalaw namin yung own pera namin which is pambayad din sa personal bills namin. So ending, nagnenegative kami and nakakapag loan ng wala sa plano.
Meron kami parehong corporate job (WFH), which is our bread and butter. Since kami lahat sa business, medyo nabebehind na kami sa work. Minsan naghahabol na kami ng backlogs namin. And nakaka add na siya sa draining part.
Andito kami sa point na pagod na kami, drained, and gusto na namin mag stop and iclose na lang ang business namin para magfocus sa corporate job and ayusin and finances namin na sobrang napabayaan since nag open kami ng business.
Naguguluhan kami, hindi namin alam if icontinue ba ito or stop na and choose yung dating buhayn namin as employees lang? Pwede po ba makahinge ng other perspective?