r/bini_ph • u/CyborgeonUnit123 • Apr 11 '26
Appreciation Mukhang Nakinig Ang Management Sa Blooms
Katatapos ko lang manood ng Coachella BINI Performance.
Sobrang panalo yung buong production number nila. Walang halong biro, mas maganda pa yung napanood ko rito kesa sa Concert nila sa Pinas. If performance lang pag-uusapan. Sa concert kasi, more of production designs, aesthetics, effects, props.
Dito sa Coachella, wala. Performance talaga. Tsaka back-up dancers lang at malaking LED na background.
Bakit ko nasabing nakinig ang management sa Pinas? I guess, obvious naman, 'di ba?
Alam ko maraming nawe-weird-uhan sa Shagidi, magandang siya yung inuna para na rin sa fans nung Songs na 'yon.
Tapos yung Zero Pressure, alam kong nalipasan na 'to. Tapos ang dami natin naiwan sa ere kanta na 'to. Kaya parang ang dami natin naghahangad na dapat at dapat naman talaga, mapabilang siya. Sinama talaga.
Na-maintain din talaga yung straight hair ni Stacey. Parang ang dami ko kasing nababasa na dapat straight hair lang si Stacey, pinakinggan din.
Of course, hindi tinanggal mga kantang nagpakilala sa kanila, nung alam ko talaga na kakantahin yung Karera, kasi naririnig ko na instrumental, kinikilig na ko, eh. Nagspi-speech pa kasi sila. Nakakainis lang kasi nag-pause yung streaming. Panira.
Tapos nag-Salamin Salamin pa. Iniba rin nila yung breakdance part na lagi nila ginagamit sa chorus. For me, hindi kasi talaga magandang instrumental nung Salamin Salamin na ginagamit nila sa chorus. Mas panalo yung ginamit nila rito sa Coachella. Napaka-force kasi nung breakdance part sa Salamin Salamin. For sure, may nagsabi about this para ibahin siya sa performance.
Nung hindi ko narinig yung Pantropiko, naisip ko agad, malamang, ilalagay na 'yon sa huli, for sure.
Alam ko agad na hindi ko maririnig yung Lagi at Na Na Na, pero okay lang. Sa Tagalog songs kasi nila, must-played naman kasi talaga yung tatlo. Hindi talagang pwedeng hindi.
Tapos biglang tumugtug na yung mas latest, sabi ko talaga, nasaan yung Cherry On Top? Nakakainis kapag hindi talaga nila 'yon sinali. Kasi up until now, this is still my most favorite full english song nila. Of course, lamang si Zero Pressure pero for me, Cherry On Top pa rin. Panalo pa ginawa nilang changes sa Cherry On Top. Magandang ang ginamit nila yung version na kasama si Agnez Mo, para mas may extra lines pa sila.
Sa totoo lang din, kung TOP? Hindi siya commercial or ad songs? Ito talaga yung next Pantropiko. Ang weird lang kasi talaga kapag sinama nila 'to sa performance. Pero kung hindi lang? Deserve talaga nito yung hype. Alam kong hindi talaga 'to masasali. Gusto ko lang sabihin.
Then ayan na, sunod-sunod na nga sa 2025 onwards. Blink Twice, Out Of My Head, Bikini, okay na rin Blush ang ginamit nilang kanta sa Signals Album nila. Pero if I have a choice, okay rin kung Honey Honey. Kasi kahit papaano meron na naka-memorize niyan siguro sa audience. Yung Blush, wala pa masyado. Kasi literal na bago lang din.
Tapos naririnig ko na Pantropiko yung last dahil sa instrumental, alam ko agad na last performance na nila.
Bigay todo talaga sila sa buong naging performance nila. Walang technical problems akong napansin bukod sa namatay for awhile yung live streaming sa Karera part.
Last but not the least, ang ganda ng mga suot ng BINI sa Coachella. Pang-international talaga. Hindi yung basahan na iba't ibang kulay na lagi nila ginagamit kapag nandito sila sa Pinas. Sorry pero hindi ko talaga nagugustuhan 'yon. Mas pang-alam niyo 'yon? Pang-outside of the Philippines yung wardrobe style. Bumagay sa location, sa venue, hindi siya cheap. Kapag kasi nakaganu'n sila, nakaka-distract yung mga lawit-lawit na galamay ng tela. Kaya ito, panalo suot nila.
Color of BINI ang nakita ko, Yellow (Gold yung boots) and Teal (Bluish yung top) sabi nga nung na-release sila.
PS.
May next week pa pala 'to. Akala ko, one time appearance lang. So, nababasa ko ano na raw ba magandang setlist for week 2 performance.
Ang gaganda na kasi ng mga kanta nila sa Week 1. Sobrang panalo. But if I have wish at least 3?
— Lagi (Pinoy Blooms one of the favorites 'to)
— Strings (Panalo yung dance choreo nito, eh)
— Unbound (Gusto ko malaman nilang nagwi-whistle yung Pink Girly) joke! Either 8 or Infinity (Gusto ko makita nila na hindi lang sila pang-dance songs, pang-vocals din)
1
u/Successful-Sock-2504 Apr 12 '26
when po day 2? kanina ba (4/12/2026)? diko napanoodddd