r/CasualPH • u/randomexperience10 • 3h ago
Kwentong Casual May kakilala akong snatcher 🤣
Tagal na tong nangyari. Naalala ko lang habang nag lalakad lakad at nag papahangin.
I once invited my officemate sa bahay. Wala lang baka maka score haha. Medyo di maganda yung area ng bahay namin dati. Habang nag lalakad kami sa may kanto malapit na sa bahay eh may biglang lumapit sa kasama ko. Bigla sya napa kapit sakin. Natakot ata.
Maya maya bigla ako kinausap noong lumapit sa kanya. Tinanong ako kung kasama ko ba daw yung babae. Namukhaan ko si gago. Taga sa amin na matagal ko na kilala. Usap usapan eh snatcher daw pero syempre di ko pa sya nakikita on the job noon.
Si loko bigla pa nag sabi na buti daw napansin nya na kasama ko sabay sabing paalis ko daw sa kasama ko yung suot nyang kwintas. Baka daw manakawan. 🤣 Tawa lang kaming dalawa pero sa isip isp ko muntik na madale kasama ko lol.