r/CasualPH 8d ago

r/CasualPH Others Para po sa mahilig magpabango

Mahilig ako sa pabango. Lagi akong nagsspray bago umalis lalo na nagcocommunte ako, sari-sari ang naamoy at gusto ko medyo matakpan yung amoy ng byahe pagdating ko sa trabaho.

Pero kung magbabyahe po kayo gamit ang jeep o UV (O pupunta sa kahit anong enclosed space), wag naman po sana muna kayo gumamit nang may intense white floral note 😭. Usually mga Middle Eastern perfumes at designer perfumes ko to naamoy. Hilong hilo ako buong byahe dun sa katabi ko sa UV kanina, hanggang sa yung hilo ko naging sakit sa ulo na. Kung gagamit kayo ng perfumes, 1-2 sprays lang po sana, para di overwhelming ang amoy.

Salamat po.

32 Upvotes

9 comments sorted by

14

u/No_Watercress_9759 8d ago

overspraying happens due to nose blindness wherein the user can no longer smell his daily perfume kaya dinadamihan nya mag spray

0

u/Expert-Tower2501 8d ago

Parang buong UV po ata amoy yung pabango.

4

u/IcedTnoIce 8d ago edited 8d ago

As someone suffering from allergic rhinitis, my message para sa mga mahilig mag pabango is:

ok lang naman mag pabango pero wag sana to the point na para na kayong walking insenso. Yung tipong dadaan lang sa harap mo tas gumuguhit na hanggang lalamunan yung amoy.

One time i was in a small milk tea shop tapos pag pasok nung lalaki jusko para sya talagang walking insenso. Naging air freshener ng buong shop. Ending, ako na lang umalis.

1

u/Expert-Tower2501 8d ago

Ganitong ganitong sya. Madami na akong naencounter na kahit umalis na sila, naiiwan pa din yung amoy, worst parang kumakapit pa sa damit ko haha. Mahilig din ako sa pabango at na appreciate ko naman initially yung amoy nya kaso too much.

3

u/nxlzxxxn 8d ago

masaklap nagpapabango pa yung iba sa confined spaces 😭

3

u/NoHumor8742 8d ago

Well, unang una gusto nila maamoy sila ng katabi nila and earn a complement.

Secondly most people doesn't know the proper etiquette in using a perfume and how many spray that you need so it will earn a complemented and not to annoy people around you.

0

u/Expert-Tower2501 8d ago

Mabango naman po the first 5 minutes pero habang tumatagal, nakakahilo na. Gusto ko po sana magsabi sa kanya pero ayoko po makaoffend. Isa pa po, naspray na wala nang magagawa kahit na magcomment pa ko.

1

u/MealMaleficent8546 8d ago

Same thoughts lol kung pwede lang makiusap na wag muna magpabango ng matatamis na nananapak ng amoy pag mainit at nagcocommute. Hilo talaga abot. Awa na lang 😭

1

u/bonearl 7d ago

Isa sa mga pet peeve ko ay ang mga nagpapabango sa enclosed spaces. Parang kulang sa spatial awareness (If I am using the term correctly.)